SCENE 27

817 28 8
                                    

" Guys! Shit! Alam na namin kung sino ang killers." Hinihingal pa sina Rick habang ibinabahagi ang natuklasan.

" Talaga?" napatayo pa sina Jay mula sa pagkakaupo.

" Oo..tara sunod kayo samin." Patrick. Sumunod naman sina Jay, Jap, Gian, at Mark. Pinaiwan nila yung mga girls dahil nakatanggap sila ng tawag na paparating na ang rescue team.

Sa kasukalan sila dinala nila Patrick...at sa isang banda ay may parang maliit na bundok doon. Yung parang nuno sa punso pero doble yung lake..na natatabunan ng mga baging.  Nakita nila na hinawi ito nila Rick at Tikoy. Isa pala itong lagusan...nagsenyas sina Rick na sundan sila pero dapat daw tahimik lang. Kaya naman sumunod sila sa mga ito at nagdahan dahan...

Madilim sa loob at ramdam din nila sa sa ilalim ng lupa patungo yung daan...kweba pala doon

" Guys...sigurado ba kayo dito?" pabulong na tanong ni Jay

" Opo." Sagot naman ni Jacob

Nagpatuloy sila sa paglalakad....hanggang sa may makita silang liwanag na tila nanggagaling sa apoy. Lumapit sila dito at sumilip...isang kulto. Pero hindi sila mga tao kundi mga gruto. Sila yung mga itim na nilalang na nakatira sa ilalim ng lupa na walang awang pumapatay sa mga taong tatapak sa kanilang teritoryo. May tatlong paraan ang kanilang pagpatay...una bibitayin ka, pangalawa papanain ka sa puso at pangatlo iaalay ka nila sa kanilang panginoon.  At kadalasan sa kanilang iniaalay ay mga babae, lalo na kung buntis.

" Shit!" Mark

" Fvck! What are they?" Jap

Nakita nilang nakaluhod ang mga ito at tila nagdadasal sa isang rebulto...pero sungay lang naman ang nakikita nila.

Ilang sandali pa silang nanatili doon...paalis na sana sila nang may marinig silang ikinatigil nila...

" BITIWAN NYO AKO!!! ANONG GAGAWIN NYO SA AKIN!!!"  

Nagtinginan ang mga boys...

" Si Ella." Si Patrick sa muling sumilip para malaman kung tama o mali ang hinala oero laking dismaya nya ng makita ang kasintahan na hawak hawak ng mga gruto.

" Shit!" susugod na sana si Patrick pero sinabihan sya ni Jay na wag padalo dalos.

" ANO BA!!! SAAN NYO BA KAMI DADALHIN?!!!" sa di kalayuan ay narinig nila ang boses ni----

" A-Aya??!" Chris

" Shit...nakuha na nila yung mga girls." Mark

" Guys..umalis na tayo dito...kailangan nating gumawa ng plano para iligtas sila." Mark

"Hindi pwede....baka mapano sila!" si Patrick na gustong gusto ng sumugod sa loob.

" Guys....hindi tayo pwedeng padalos dalos...teritoryo nila toh..at ngayon lang tayo nakakita ng ganyang mga nilalang..hindi natin alam ang kaya nilang gawin." Jap

" Yung book ni Ashley...tama nandun lahat ng klase ng nilalang. Tara na!" si Andrei na naalala ang libro ng kaibigan...lahat ng klase ng nilalang ay naka drawing doon at may description din tanda na mahilig talaga sa mga kakaibang bagay ang kaibigan.

Bumalik sila doon na mabigat ang pakiramdam nila Chris at Patrick...

" Belinda!!!" Tawag kaagad ni Jacob..

TARALETS ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon