SCENE 8

899 22 13
                                    

=============

Maagang nagising si Tammy dahil may tumatawag sa kanyang cellphone.

Jason Babe calling...

" Hello?" Medyo minamalat pa sya dahil kagigising at inaantok pa talaga sya. Gabi na kasi nung umuwi sila

[ goodmorning sleepyhead! Sorry babe nagising kita. Biglaan kasi eh papunta na ako sa inyo mag ready ka na ]

" Ha? Bakit anong gagawin mo dito?" Nagtataka namang tanong ni Tammy dahil napakaaga para puntahan sya ni Jason

[ mag d-date tayo ]

" Ano? Eh ang aga aga pa ah." Pero bigla syang nakaramdam ng kilig. Oo nga naman matagal na silang di nakakapag usap ng kasintahan. Magkasama man sila pero halos wala silang time makasama ang isa't isa.

[ haha pupunta tayo ngayon sa Salvatre babe. Pero gusto kong mag breakfast muna tayo sa labas. Ok lang ba? ]

" Ngayon na ba yun? Ok sige sige maliligo na ako babe. See you soon! "

Pagkatapos ay inend call na nya at tumakbo na sa banyo para maligo.

After 25 minutes...ready na sya at nag eempake na lamang ng kanyang mga gamit na dadalhin sa salvatre. Alam kasi nyang mag i stay sila dun ng ilang araw.

Ding Dong!

Narinig nyang may nag doorbell at alam nyang si Jason na yun. Binilisan nya ang pag eempake at bumaba na

" Goodmorning my labs!" Bati nya kay Jason na nakangiti na sakanya

" Goodmorning babe. Ready na?" Jason

" Ready!" Masaya namang sambit ni Tammy

*

" Wifey! Ano pa ba kulang dito?" Tanong naman ni Josh kay Bambi na busy nag aayos sa sarili.

" Ahm yung lotion paki check kung nandyan na. Di pa pala ako naglagay ng mga damit mo ikaw nalang mamili." Sagot naman ni Bambi

At oo magkasama na sila sa iisang bahay. Hindi pa naman sila kasal pero doon na rin ang punta nun hindi pa nga lang ngayon dahil busy pa sila sa kanilang business tapos sumabay pa ang pagdating ni Baal.

" Wifey!" Tawag nya sa kasintahan sabay pakita ng rubber na butiki na ikina gulat na naman ni Bambi

" Hubby naman nakaka inis ka! Itapon mo na nga yan!" Bambi

" Hahahaha ayoko nga. May sentimental value sakin toh noh." Josh

" Hay ! Sentimental value ka jan!" Bambi

" Oo nga. Naalala mo ba nung nagpunta tayo Zambales nun? Di ba dala dala ko toh at dun kita unang tinakot ng ganito?" Si Josh na niyakap ang dalaga kumbaga naka back hug sya habang nakatitig sila sa isa't isa sa salamin. Ngumiti si Bambi sakanya

" I miss you!" Josh

" I miss you too." Bambi

" Gawa tayo baby" Si Josh na pinataas baba pa nya ang kilay .

" Walanya ka talaga! Tumigil ka nga..manyak nito! " At tumawa naman ng tumawa si Josh dahil nakita ang pamumula ni Bambi. Nasa tamang edad na sila pero may limitasyon pa rin sila at hindi nila gagawin yun hanggat hindi pa sila ikinakasal

" Hahahahaha joke lang wifey hahahahaha di ka na nasanay." At yumakap ulit sa dalaga sabay halik sa pisngi nito.

" Ligo na ako." Josh

" Bilisan mo!" Bambi

" samahan mo nga ako." Josh

" Isa Josh ahh." Namumula pa rin si Bambi

TARALETS ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon