SCENE 25

672 20 1
                                    

“ Hindi kaya buntis si Aya?”  Gabriela

Sa sinabing iyon ni Gabriela ay tila natigilan sila at napatingin silang lahat sa isa’t isa tapos sabay sabay na tumingin si Chris na hanggang ngayon ay loading pa rin ang utak sa sinabi ni Gabriela.

“ Sa tingin mo ate b-buntis si Aya?” Chris

“ Hindi malayong tama ang hinala ko. Una nagsusuka sya, tapos nahihilo, at ayaw yung amoy ng paborito pa nyang pagkain...she’s kinda sensitive at the moment. Ganyan ako nung----pinagbubuntis ko yung b-baby namin.” Medyo nahirapan si Gabriela sa pag banggit sa nawala nilang baby.

“ Ate gab.”  Tawag ni Belinda na parang nakikisimpatya sa nararamdaman na lungkot ni Gabriela.  Ngumiti lang naman sya ngunit sadyang emosyonal sya sa tuwing naaalala nya ang kanyang anak kaya naman niyakap sya ni Albert upang pagaanin ang loob ng asawa. 

“ Haha ok lang ako. Miss na miss ko lang talaga sya. Tanggap ko na rin na pansamantala lang sya sa buhay namin.” Sabay punas ng luha ni Gabriela.

“  Eh ate Gab kung tama ang hinala mo...k-kakayanin kaya ni Aya? “ Chris

“ Kakayanin nya Chris lalo na kung nandyan ka para sa kanya. Intindihin mo sya dahil kung gaano ka moody ang mga babae...doble yung kay Aya ngayon Pero we’re not sure yet anyway. Gabriela

“ Hmmmn...alam ko na! “ Si Cassie na may kinapa pa sa bag nya.

“ Pregnancy test?” sina Britney at Bambi. Nakangiti namang tumango tango si Cassie

“ Alam kong nandito toh sa bag ko...matagal na toh ehh hindi ko lang natatanggal hahaha.” Cassie

Fast Forward....

Sinamahan ni Cassie at Luisa si Aya sa banyo para sa pregnancy test habang ang iba naman ay nasa labas at naghihintay ng resulta. Hindi naman alam ni Chris ang nararamdaman nya, kung totoong buntis si Aya, masaya sya dahil magiging daddy na sya at the same time kinakabahan dahil sa sinabi ni Gabriela na doble ang pagiging moody nito. Base na rin sa mga kwento din noon sakanila ni Tikoy nung si Cassie ang nagbubuntis. Pagkatapos ng ilang minuto...lumabas sina Aya..

“ Wooooh!” si Chris na kinakabahan.

“ Chris?” Aya... tahimik namang naghihintay ng resulta ang iba.

“ Anong resulta?”  si Chris na hindi na makapaghintay.

Pinakita naman ni Aya yung pregnancy test...may dalawang red line dito.

“ Two red lines..ano yun positive ba o negative?”  Chris

“ Tol, positive.” Tikoy

“ P-positive?” Chris

“ OO Chris , positive. Buntis nga ako.” Aya

“ T-talaga??? Magkaka baby na tayo? Magiging daddy na ako???” kanina lang ay kinakabahan si Chris pero ngayon ay napalitan na ng saya at excitement ang nararamdaman nya. 

“ Oo Chris. Haha magkakababy na tayo!” Masayang sagot naman ni Aya

“ YES!!! WOOHOOOO!!!! DADDY NA AKO!!!! HAHAHAHAHA!!!!”  si Chris na masayang niyakap ang asawa at binuhat pa. Kinilig naman yung iba.

“ OMG! NINANG NA AKO!” nag drama naman si Winston

=__= <<<<<< Britney

TARALETS ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon