SCENE 4

879 21 6
                                    

Kinaumagahan...

Naglakad lakad ang barkada sa buong lugar. Kung inyong titignan ay maganda naman dito. Mapuno at napaka relaxing ng lugar. Para ito sa mga naghahanap ng peace of mind.

Habang naglalakad sila ay may nakita silang isang lumang dyaryo. Kulay brown na nga ang kulay nito at halos punit punit na pero isang piece nito ang nakatawag pansin sakanila.

[ Honeymoon ng bagong kasal nauwi sa patayan. Ayon sa imbestigasyon ay nilunod ng lalaki ang kanyang asawa sa pool bago sya nagpatiwakal. ]

" Teka...tingnan nyo yung pool. Yun ba yung pool dito?" Ella

" Oo nga noh. " Tikoy

Nagkatinginan sila...

" Kaya ba ganun nalang kung mag react yung matanda kahapon?" Ella

" Ganun na nga malamang." Patrick

" Pero bakit naman? Matagal na toh di ba?" Bambi

" Kailangan natin makausap yung matanda." Aya

" Caretaker ba sya dito?" Tammy

" Hindi ko sure eh. Wala pa nga akong nakikitang tao dito pwera nung unang dating natin." Rick

Nagpatuloy na sila sa paglalakad...halos mga puno na lamang ang nakikita nila. Pero napakaganda ng lugar na tila tirahan ng mga engkantada.

Lakad

Lakad

Lakad

Hanggang sa may makita silang maliit na nipa sa di kalayuan.

" Yan na yata siguro yung bahay nung matanda." Jason

" Pupuntahan ba natin?" Belinda

" Wag na lang! Baka mas lumala kapag pinansin natin ang isang bagay." Aya

" Tara na umalis na tayo dito." Ella

At sa halip na puntahan nila yung bahay ay umalis na lamang sila. Naisipan nilang puntahan yung falls na nakita nila sa google nung naghahanap sila ng pwedeng puntahan...malayo ito sa resort pero worth it naman ang paghahanap nila ng makita nila ito...

" Ang gandaaaaa!" Belinda

" Paradise." Leslie

" Tara picture tayo dali." Aya ni Belinda sa mga kasamahan. Dali dali silang pumesto sa may bato kung saan nasa likod nila yung falls.

1

2

3

WACKY

Nagkuhanan pa sila ng ilang pictures...hanggang sa mapagod sila at naisipan ng bumalik sa resort para makapag pahinga.

Girl's cottage

" Hayyy! Nakakapagod pero super ganda talaga nung falls." Britney

" Oo nga grabe...galing talaga ni Papa God nuh?" Aya

" Super! He's awesome!" Bambi

" Ah guys labas lang ako saglit ha? Papahangin lang." Paalam ni Ella

" Wag lalayo bes ah." Tammy

" Oo bes." Ella

Lumabas si Ella at naglakad lakad sa di kalayuan hanggang sa makita nya ang isang puno at tila nag aanyayang umupo sya doon.

[ Don't worry malapit na kaming umuwi ]

Napalingon sya sa paligid ng marinig nya iyon...medyo madilim na rin nung oras na yon

TARALETS ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon