SCENE 18

787 21 8
                                    

* Hey guys! Wala po munang adventure ngayon ang barkada. Nakaka stress ho! Hahaha bonding moment muna with the old group ;) enjoy!

===========+=============+==============+=======

Maagang naghanda ang barkada para sa picnic nila ngayon with their ates and kuyas. Naisipan nilang bumalik sa kanilang dating tambayan, sa taas ng burol. Naisipan naman nilang maglakad nalang tutal ay hindi naman gaanong kalayuan. Habang nasa daan ay panay ang kwentuhan ng mga ito.

" Ate Gab, kahit siguro hindi dumating sina Kuya Albert magigising at magigsing ka pa rin?" Chris

" Bakit naman?" Nakangiting tanong ni Gabriela dahil nga kanina pa sila nag aasaran.

" Kasi ang lakas makasigaw nila ate Anne eh hahahaha isama mo na rin si Belinda! Hahahaha." Chris

" Oo nga grabe! Nahulog pa nga si Josh sa sofa nun eh hahahaha. Nagulat sa sigaw nila." Cassie

" Hahahahaha antanga naman nung sofa!? " Biro din naman ni Tikoy

" lul!" Ganti naman ni Josh na natatawa na lamang kapag naaalala ang mga nangyari.

LAKAD

TAWA

LAKAD

TAWA

" Guys si Tandang Doring yun oh!" Turo ni Lance sa matandang nakaupo sa may harap ng tindahan at may dalang bilao.

" Tandang Doring!" Masaya nilang tawag dito...dahil hindi pa nila ito napapasalamatan ay kaagad nila itong nilapitan.

" Salamat naman at magaling ka na." Sabay hawak ni Tandang Doring sa kamay ni Gabriela na syang unang lumapit sakanya dahil na ikwento nila dito ang pagdalaw sa bahay ng matanda para sila ay masabihan ng dapat na gawin.

" Opo at gusto ko pong pasalamatan kayo. Salamat lola ha? Kung hindi kayo nagpunta sa bahay baka wala na ako ngayon." Gabriela

" Walang anuman anak. Kami ang dapat magpasalamat sa iyo dahil sa ginawa mong pagliligtas sa amin." Tandang Doring. " syanga pala paano mo nagawa ang bagay na yun?"

" Ehh...h-hindi ko din po alam eh. Parang may nagtulak nalang sakin na gawin yun." Gabriela

" Ganun ba? O sya sige hindi na kita kukulitan pa tungkol dyan hehe. Saan ba kayo nyan?" Tandang Doring

" Ah sa burol lang ho. Mag pipicnic sana." Albert

" Ah o sya sige magpunta na kayo doon habang hindi pa masyadong mainit." Tandang Doring

" Eh la ano ba yang tinda nyo?" Josh

" Ah ito ba? Kakanin lang anak." Tandang Doring

" Pakyawin na po namin lahat yan la." Patrick

" E-eto? Lahat ng toh?" Hindi makapaniwala ang matanda na bibilhin nila lahat ng paninda nya.

" Opo!" Patrick

" Naku! Maraming salamat naman apo." Tandang Doring

" Magkano po ba lahat yan?" Patrick

" Ah..150 lang lahat apo." Tandang Doring

" Eto po lola...500 keep the change!" Patrick

" Ayieeee ang bait! Anong nakain?" Sabay pa sina Jason at Rick kaya nagtawanan sila habang kinakantyawan si Patrick

*

Sa may Burol ...

Masayang nagtatawanan ang barkada habang pinapanood sina Bambi at Josh na sumasayaw ng chinito...ginagaya nila yung kina Yeng at Enchong. Kinakantyawanan pa nga ng mga ito si Josh habang sumasayaw. XD

TARALETS ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon