One Two Three

7 2 0
                                    

People come and go, ika nga nila. Sabi nga rin nila na it take time to trust some one, to trust their promises, hoping that the time might come that they'll not break their vows.

I don't trust easily, ako yung tipong hindi nagpapa uto sa mga sinasabi ng tao. I have pride. Pero may isang taong nagturo sa aking mag tiwala, ang sabi niya magbilang lang raw ako ng isa hanggang tatlo and he'll appear from nowhere.

Sa una ay hindi ko siya pinaniwalaan, as if maririnig niya yung mga numerong isa hanggang tatlo mula sa bibig ko. What a silly thought, I murmur. Nagtry ako. Nagtry akong paniwalaan ang sinabi niya.

Pitong taong gulang palang kami noon, kung saan mga bubwit pa kami, may gatas sa mga labi, sipunin at nag aaway sa mga laruan at mga simpleng bagay lang ang nagpapasaya sa amin. Magkaklase kami ni Diego, hindi ako sinundo ng magulang ko, sobra ang iyak ko nun. Dumating siya sa tabi ko, magkalapit lang kasi ang bahay namin naglakad kami nun pauwi.

Wag ka nang umiyak.

Lahat na yata ng paraan ay ginawa niya para patahanin ako.

Ibinili niya na ako ng kendi. Yung mikmik, paborito ko yun, pero hindi pa rin ako nagtigil sa pag iyak. Pero hindi ko tinanggihan ang alok niyang kendi, naala ko pa nun na lilimang piso lamang ang dala niyang barya sa palad niya.

Nabulunan pa ako ng pulbos na kendi na iyon. Halos di ako makahinga.

Sabi ko sa sarili ko, hindi na ako kakain ng mikmik.

Magbilang ka lang ng One, two, three, makikita mo na ako sa tabi mo.

Sinabi niya iyon para patahanin ako, hindi ko namalayan na sa mga katagang yon ay magbabago ang buhay ko.
Pinaningkitan ko siya ng mata nun, pero hindi pa rin ako nagtigil sa pag-iyak.


10 years old kami ng wala akong dalang recess, gutom na gutom ako nun. Nagbilang ako ng

One

Two

Three

" Share tayo."

Siya naman ang dating nito. Hawak hawak nito ang dalawang cheese sandwich.

Ayaw ko pa naman ng cheese.

Hindi pa rin ako kumain nun at umuwing namimilipit sa sakit ng tiyan, hahaha maarte ako eh.

14 years old.

Todo ang iyak ko sa CR dahil dinatnan ako sa school. Wala na akong choice at siya ang pinabili ko ng pad.

Ba't ang tagal ng mokong na yon?

One

Two

Three

May pad na nahulog mula sa ibabaw.

Hindi ko alam kung anong bibilhin. Yan ba?

Kinuha ko ang nahulog na pad at pagtingin ko ay pantyliner pala ang nabili nito.

Hindi ko rin nagamit yun at nauwi akong may mantsa ang kulay maroon na palda.

15 years old nang maabutan ako ng ulan papasok ng school.

Sa takot kong mabasa ay napagdesisyunan kong di pumasok.

One

Two

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Two ThreeWhere stories live. Discover now