CHAPTER 2:
Naomi's POV
Ilang linggo narin ang nakalipas at marami narin akong mga kaibigan pero si Zoe parin parati kong kasama. Minsan naman ay ang mga lalaki kong kaklasi ang mga kasama ko. Si Levi naman, ayun sobrang kulet, walang araw na di ko sya kasama na di makulet, parating nakatawa.
"Yiiieeeh! Naomi..." napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Si Mandy, isa narin sa mga friends ko pero hindi kami masyadong close.
"Oh? Anong nangyari sayo?" tanong ko. Kung makikita nyo lang sana sya ngayon, para na syang mababaliw sa sobrang kilig.
"Yiiieeehh! Kasi Naomi..." hindi nya matapos tapos ang sasabihin nya dahil titili na naman sya. "Yiiieehh! Kinikilig ako.." tili na naman nya na nakahawak sa magkabilang pisngi nya. Okay? Baliw na po sya.
"Bakit?"
"Ehh kasi..."
"Kasi ano?" natatawa ako sa itsura nya ngayon guy's. Promise! Kulang nalang maihi sya sa sobrang kilig.
"Ehhh kinikilig ako eh."
"haha halata naman eh." lunch break namin ngayon, nandito ako sa room ngayon tapos na kasi kami maglunch. Si Zoe, ayun nagCR. "Tapusin mo muna kaya ang sabihin mo bago ka kiligin para naman makaralate ako. haha"
"Ehh kasi.. Okay, sige. Wait lang." nag-inhale exhale sya na pinapakalma ang sarili nya sabay wagayway ng kamay nya. "Ehh kasi nililigawan ako ni Ace. Kyaaaaaahhh!" napatingin naman sa amin ang mga classmate namin dahil bigla syang sumigaw. "Sorry, sorry, sorry guy's. hehe" paumanhin nya sa mga classmate namin, tinawanan lang sya ng mga ito. Wagas kung kiligin. tsk.. tsk.. tsk..
Well maganda naman si Mandy, matalino din. Walang hindi maiinlove sa ganda nya. Yun nga lang may pagkaplaygirl, everymonth iba-iba ang boyfriend nya. Pero okay kasama si Mandy, fun to be with.
"Oh? Sino naman yan?" sumimangot naman sya. "Bakit?" takang tanong nya.
"My God Naomi! Ikaw lang ata ang hindi nakakakilala sa kanya."
"Eh? Artista ba yan at hindi ko kilala?"
"Hindi. Ano ka ba? Hearthrob sya dito no."
"Eh?"
"Ewan ko sayo! Basta gwapo sya. Yiiieehh! Kaso..." bigla naman syang nalungkot.
"Kaso?"
"Playboy eh."
"Eh?" tumango naman sya bilang sagot. "Haha eh di bagay kayo." lumiwanag naman ang mukha nya.
"Talaga?" kumikislap na matang sabi nya.
"Yup." tangong sagot ko sabay ngiti ng napakatamis.
"Yiieeh! Paano mo naman nasabi yun?"
"Kasi playboy sya, ikaw naman playgirl. Haha Oh diba? Bagay na bagay kayo. Hahahaha" tawang sabi ko sa kanya.
"Ang sama mo!" nakangusong sabi nya.
"Totoo naman eh hahahaha."
"Ang sama ng ugali mo Naomi."
"Hahaha matagal na."
"Ehh... Nakakainis ka."
"Haha ito naman. Wag ka ng magalit." nakanguso parin sya habang nkatingin sa akin. hehe cute. "Kasi totoo naman. hahaha"
BINABASA MO ANG
My Playboy Bestfried
Teen FictionPrologue: Naranasan mo na bang daig mo pang mag-alaga ng isang nanay sa bestfriend mo? Narasanasan mo na ba ang mainlove sa bestfriend mo? Naranasan mo na bang marealize na mahal mo na pala sya kung kailan wala na sya? Naranasan mo na bang masaktan...