Naomi's POV:
Anong araw na ba ngayon? Ah! Araw ng mga puso sa mga taong may syota at araw ng pagluluksa para sa mga single. Haha
Kung araw ng mga puso ngayon, ibig sabihin bukas na ang prom namin. At excited na ako. Haha
Huwebes ngayon at bukajs biyernes, syempre haha. May klase parin bukas maliban lang sa aming mga forth year dahil nga prom night namin kinahaponan.
Wala kaming pasok bukas kaya kailangan magpaganda kami. Bukas sa bahay ako nina Zoe magpapaayos at magbibihis. Gusto nya kasi sabay kami, wala din naman daw akong kasama.
Sayang nga at hindi makikita nina mommy at daddy kung gaano ako kaganda bukas. Charot! Haha nahawa na tuloy ako sa pagiging mahangin ni Trevor.
" Tara na Omi. "
Tumayo na ako. Lunch time na kasi at sabay na kaming pumunta ni Zoe at Jen sa canteen. Masaya kaming nagkukwentohan habang papunta ng canteen.
Um-order na kami agad at umupo. Pero hindi pa kami kumain, hinihintay pa kasi namin sina Levi at Jason. Lagi kasi namin silang kasamang kumain.
Si Trevor naman ay paminsan lang. Ewan ko ba kung saan sya kumakain. Hayaan na sya, matanda na 'yon.
Nagkwentohan na muna kaming tatlo habang hinihintay ang dalawang lalaki. Napaangat kami ng tingin ng may nakita kami lumapag na tray.
Nakita namin si Levi at Jason na nakangiting umupo sa harap namin. Napatingin naman ako sa isa pang lalaking papalapit, may kasama syang cute na babae.
" Hi po. "
Napataas ang kilay ni Zoe ng marinig nya ang 'po'. Haha ayaw nya kasing pino-po dahil nagmumukha daw syang matanda. Sa ganda ba naman daw nya.
" Yes? "
Bahagya ko syang siniko sa gilid nya. Nagiging masungit na naman kasi ang lola nyo. Baka matakot itong si Miss cute.
" Pasensyahan mo na sya. May dalaw kasi eh. Haha. "
Magsasalita pa sana si Zoe ng nilagyan ko ng isang buong fried chicken ang bibig nya. Sinamaan naman nya ako ng tingin pero nginitian ko lang sya.
" Haha 'wag ka naman masyadong harsh sa pumpkin ko Omi. "
Nag-pout naman si Zoe ng kinuha ni Levi ang fried chicken sa bibig nito. Asus! Paawa plus pa-cute effect pa ang babaeng ito. Sarap hambalusin ng tray.
Napailing nalang ako at binalingan ang dalawa.
" Ako nga po pala si Michelle. G-Girlfriend po ni Ace. "
Bahagya naman akong nagulat. Sya pala si Michelle? Ang cute naman nya. Child abuse si bestplen. Haha
" Hi. Ako nga pala si Naomi. Sila pala ang mga kaibigan ko. Si Zoe at Jen. "
" Hi. "
Masayang bati ni Jen sa kanya at kumaway pa. Nahihiya naman syang kumaway pabalik. Mahiyain talaga sya. Ang hinhin naman nito.
" Hi din. "
Nako! Kaya pala nagtagal sila dahil ang bait at ang cute naman pala ng babaeng ito. Mahinhin pa. 'Yan kaya ang tipo ni Trevor?
Kaya pala hindi kami nagtagal dahil hindi ako kasing bait ni Michelle. Masungit ako sa kanya eh. Hindi din ako kasing hinhin at mahiyain nya. Maldita ako eh at minsan may pagkatibo. Hindi nga lang halata haha.
Umupo na silang dalawa sa harap namin. Nagsimula na kaming kumain. Nagkukwentohan din kami at tinatadtad ni Jen ng tanong si Michelle.
Syempre papahuli pa ba si Zoe? Buti nalang at ang haba ng pasensya ni Michelle at sinasagot nya ang mga tanong ng dalawang bruhang 'to.
BINABASA MO ANG
My Playboy Bestfried
Teen FictionPrologue: Naranasan mo na bang daig mo pang mag-alaga ng isang nanay sa bestfriend mo? Narasanasan mo na ba ang mainlove sa bestfriend mo? Naranasan mo na bang marealize na mahal mo na pala sya kung kailan wala na sya? Naranasan mo na bang masaktan...