Naomi's POV:
The number you have dialed - - -.
Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ng operator at pinatay ko na ang cellphone ko. Nakakainis!
Napasabunot ako sa buhok ko at pabagsak na umupo sa kama. Isang buwan na. Isang buwan. Isang buwan na nya akong hindi kinakausap at iniiwasan.
Nagsimula na namang bumagsak ang mga luha ko. Masakit. Masakit sa akin ang ginagawa nyang pag-iwas sa akin.
Okay pa 'yong nagbabangayan kami, sinusungitan nya ako basta nakakasama ko sya at nakakausap. Ayoko ng ganito. Ayoko ng iniiwasan nya ako.
Sa loob ng isang buwan ay hindi ko sya matawagan. Ang sabi sa akin ni Levi ay nag-change number na sya. Sinubukan kong kunin ang number nya pero ayaw nyang ibigay sa akin dahil 'yon ang kabilin-bilinan ni Trevor sa kanya.
Para akong tanga na tinatawagan ang dati nyang number. Umaasa na magri-ring ito at sasagutin nya.
Gusto ko syang makausap. Pero natatakot na ako na sumubok pa. Dahil noong una kung subok ay hindi nya ako pinansin at nakaramdam ako ng panliliit dahil sa tingin ng mga kaibigan nya sa akin kaya ayoko ng sumubok pa.
Nalaman ko din na sya nga ang dahilan kung bakit ako iniiwasan ni Andrei. Dahil pala binu-bully sya ni Trevor sa room nila. Naroon ang sisipain nalang bigla ang inuupuan nya, nasa likod kasi ni Andrei si Trev.
Minsan kinukuha ang papel nito at marami pa. Hindi nalang pinapatulan ni Andrei dahil ayaw nya ng gulo. Sa kabila ng nalaman ko, ay gusto ko parin syang makasama at makausap.
Ang sabi pa sa akin ni Andrei ay baka nagseselos sya sa closeness namin. Gusto ko sanang maniwala sa sinasabi nya pero ng malaman ko na sila na pala ni Michelle. Sya 'yong sophomore na nililigawan ni Ace.
Minsan nakita ko pa sila na sweet sa isa't-isa. Napasakit sa paningin. Pati na din sa puso ko. Nagseselos ako, dahil mahal ko sya.
Hindi naman natin maiiwasan na magselos di ba? Kapag nakita natin na ang taong gusto natin o mahal ay nakita natin na may kasamang iba.
Gusto ko sanang isipin na isa lang nya sa mga laruan si Michelle at iiwanan nya din pero hindi eh. Umabot sila ng isang buwan. Isang buwan! Dahil ang mga naging girlfriend nya ay hindi aabot sa isang linggo.
But this one... Umabot ng isang buwan. Maybe... Maybe she love Michelle dahil umabot sila ng ganon katagal.
Napatingin ako sa cellphone ko ng mag-ring ito.Christopher - Calling...
Napabuntong hininga nalang ako bago ito sinagot.
" Hello. "
" Hi. "
Masigla nyang bati.
Napangiti nalang ako dahil sa pagiging masayahin nya.
Si Christopher Deloso. Sya 'yong anonymous na palaging nagte-text sa akin.
Nalaman ko nalang na kinuha nya pala kay Levi ang number ko dahil crush nya daw ako. Ansabe ng crush?
Nakita ko na din sya sa personal dahil nga sa classmate sila ni Levi ay tinuro sya sa akin nito. Gwapo si Chris, maputi at matangkad. 'Yon ang una mong mapapansin sa kanya.
Pero kapag nakilala mo sya ay mabait, madaldal at masayahin syang tao. Nong una kaming nagkita ay mahiyain pa sya pero kalaunan ay lumabas din ang pagiging makulit nito.
Simula ng iwasan ako ni Trev ay sya na palagi ang nakakasama ko. Nasabi ko na ba na nanliligaw sya sa akin? Hindi pa? Ngayon alam nyo na.
Kasi nga sa crush nya daw ako ay niligawan nya ako. Ayaw ko naman talaga magpaligaw sa kanya dahil alam ko sa puso ko na si Trevor parin. Sya parin ang nagmamay-ari ng puso ko.
Ayokong maging unfair ulit. Nangyari na 'yon dati kaya ayoko ng maulit pa. Hindi ako pumayag sa nais nya pero dahil sa makulit sya ay hindi nya tinanggap ang hindi ko pagpayag.
Nanligaw parin sya kahit ayaw ko. Pero minsan lang kami lumalabas dahil ayaw ko. Sweet na manliligaw si Chris, kung hindi ko lang mahal si Trevor, siguro sinagot ko na sya.
" Napatawag ka? "
I heard him chuckle. Nakakatuwa talaga sya.
" Pwede bang sabay tayo mag-merienda bukas? "
" Okay lang. "
" Thank you. 'Yon lang. Good night. "
" Good night. "
Sya na mismo ang nagpatay ng tawag.
Kahit natutuwa ako sa presensya ni Chris ay hindi ko parin maiwasan na hanap-hanapin ang presensya ni Trevor.
Baliw na ata ako sa kanya. Ginayuma ata ako non.
Napahiga nalang ako sa kama at ipinikit ang mga mata.
Tomorrow is another day. Isang araw na naman na masakit. Kailan nya kaya ako papansinin? Ganon ba kalaki ang kasalanan ko sa kanya para hindi nya ako pansinin ng isang buwan? O talagang ayaw na nya sa akin.
'Wag naman sana. Mukhang mas masakit pa ito kaysa nong break up namin.
BINABASA MO ANG
My Playboy Bestfried
Teen FictionPrologue: Naranasan mo na bang daig mo pang mag-alaga ng isang nanay sa bestfriend mo? Narasanasan mo na ba ang mainlove sa bestfriend mo? Naranasan mo na bang marealize na mahal mo na pala sya kung kailan wala na sya? Naranasan mo na bang masaktan...