Zoe's POV:
Nang makarating ako ng classroom ay agad hinanap ng mata ko si Omi at hindi naman ako nabigo.
Magkatabi kami. Pero kadalasan kasi ay mas nauuna akong dumating kaysa sa kanya.
" Good morning Omi. "
Bati ko ng makalapit ako.
Umangat naman sya ng tingin at ngumiti.
" Good morning din. "
Umupo na ako sa tabi nya.
" Uy Omi, balita ko sabay daw kayo ni Chris mamaya? "
" Ah 'yon ba. Oo. Bakit? "
Nagkibit balikat naman ako.
" Wala lang. Hihi nakwento lang sa akin ni pumpkin. "
Tumango lang sya bilang pagsagot. Mukhang wala sa mood ang lola nyo. Hayaan na natin sya.
Naging tahimik yan simula ng mag-away sila ni Ace. Sinabi din sa akin ni pumpkin ko ang ginawang pambu-bully nya kay pare koy.
Abay! Kung nagseselos pala sya sa closeness nila, eh di sana magbago sya di ba? Nang sa kanya napupunta ang atensyon ng ating lola.
Eh kaso, ayaw eh. Kaya ayan! War sila. Aba naman! Si Ace na nga may kasalanan tapos sya pa ang galit. Eh di wow!
Buti nalang dumating si Chris sa litrato at naging masayahin ulit si Omi. I like him for my friend.
Mabait kasi sya, hindi katulad ng babaerong si Ace na walang ibang alam kundi ang saktan ang kaibigan ko at mangoleksyon ng babae.
Sana talaga ay makalimutan na ni Omi si Ace. Sana din ay maging sila ni Chris dahil he is really a good guy.
*****
Naomi's POV:
Sabay kaming tumayo ni Zoe ng mag-break na. Sabay kasi kaming pupunta sa room nina Chris.
Nang makarating kami doon ay tumambay muna kami sa kalapit na bench dahil hindi pa sila pinapalabas ng teacher.
Nakatingin lang ako sa loob ng room nila. Actually, nakatingin lang ako sa kanya. Likod lang nya ang tanging nakikita ko dahil nakatalikod sila sa pintuan nila.
Ganito palagi ang ginagawa ko simula ng mag-away kami. Nakatingin lang ako sa kanya mula sa malayo. Tinitingnan sya na masaya habang kasama si Michelle.
Kahit masakit ay tinitingnan ko parin sya dahil 'yon ang gusto ko. Dahil nami-miss ko na sya. Sobra.
Nagsitayuan na silang lahat. Hindi ko maiwasan na hindi sya iwasan ng tingin. Gusto ko pa sya makita. Kahit konting minuto pa.
Tuluyan na akong napaiwas ng tingin ng tumingin sya sa direksyon ko.
'Yong tipong nakangiti sya habang kausap ang mga kaibigan nya tapos ng makita nya ako ay nawala bigla ang ngiti nya.
Hanggang ngayon galit pa rin sya sa akin. Tsk! Dapat nga ako 'yong magalit sa kanya kasi nagsinuwaling sya sa akin. Haist! Ewan.
" Tara na. "
Napaangat nalang ako ng tingin ng may nagsalita sa harap ko.
Si Chris pala.
Ngumiti at tumayo naman ako bilang pagsang-ayon. Hindi ko tuloy napansin na nasa harapan ko na pala sya.
BINABASA MO ANG
My Playboy Bestfried
Teen FictionPrologue: Naranasan mo na bang daig mo pang mag-alaga ng isang nanay sa bestfriend mo? Narasanasan mo na ba ang mainlove sa bestfriend mo? Naranasan mo na bang marealize na mahal mo na pala sya kung kailan wala na sya? Naranasan mo na bang masaktan...