Trevor's POV:
Nagising ang diwa ko at may nakita akong isang pigura ng babae. Alam kong hindi sya ang mama ko. Para syang likod ni Zara pero alam ko na hindi sya yan dahil hindi nya naman alam na nandito ako eh.
Napatingin naman ako sa kisame dahil nagbabadyang tumulo ang mga luha ko. Naalala ko na naman kasi sya eh. Ilang beses ng sinabi sa akin ni mama na papuntahin si Zara dito pero ayoko.
Dahil baka kapag nakita nya ako sa ganitong sitwasyon ay iwan nya ako tulad nalang ng ginawa ng babaeng yun...
' Sorry. Pero hindi ko kayang magmahal ng taong mamatay din naman. '
Isa yun sa mga sinabi niya sa akin. Tama din naman sila. Bakit pa nila ako mamahalin kung mamatay din naman ako. Iiwan ko din naman sila.
Gaya ng pag-iwan sa akin nina papa at kuya. Napangiti nalang ako. Hintay lang ng konti papa, kuya... Magsasama na din tayo.
" Gising ka na pala. "
Napatingin naman ako sa kanya at laking gulat ko ng humarap sya sa akin. Anong ginagawa nya dito?
" Nabalitaan ko kung anong nangyari sayo kaya dumalaw ako. "
Ngumiti naman sya ng matamis. I miss those smile. Pero galit ako sa kanya. Hindi ako umimik at tiningnan lang sya.
" Gusto mo bang kumain? "
Hindi ko sya sinagot at tiningnan ko lang sya ng malamig. Ano bang ginagawa nya dito? Napaiwas naman sya ng tingin ng tinitigan ko lang sya.
" A-Ano... Ipagbabalat nalang kita ng mansanas. "
Nang hindi ko parin sya inimikan ay kumuha sya ng mansanas at sinimulan itong balatan. Tiningnan ko lang sya habang nagbabalat ng mansanas.
Ganun parin ang mukha nya. Maamo, mabait, malambing at maganda. Kaya nga minahal ko sya eh. Sinayang nya lang.
Napaiwas naman ako ng tingin at tumingin sa bintana. Ang bored naman dito sa hospital. Kailan kaya ako makakalabas? Namiss ko na bestfriend ko. Namiss kaya nya ako?
Siguro hindi kasi palagi nyang kasama ang bombay na yun. Wala din namang nakakaalam na nandito ako eh. Lumiban ako sa klasi pero ang pagkakaalam nila ay nagbakasyon kami ng pamilya ko.
Ayokong ipaalam sa mga kaibigan ko lalo na kay Zara kung anong kondisyon meron ako ngayon. Isa pa mamamatay na din naman ako.
Ano pang mapapala nila kung malalaman pa nila. Iiyak lang sila. Mabuti na yung malaman nila kapag patay na ako. Atleast isang iyakan na lang ang gagawin nila.
Hindi din ako pumayag sa operasyon. Para ano pa? Papahirapan ko lang si mama. Isa pa, pagod na pagod na din ako. Gusto ko ng magpahinga.
Napapikit nalang ako at nakita ko naman ang imahe ni Zara na nakangiti. Napangiti nalang ako, nakakahawa yung mga ngiti nya. Kaya nga masaya ako kapag kasama ko sya.
Pampawala sya ng problema at badtrip ko. Makita ko lang sya ay napapangiti na ako.
' Best, anong gagawin mo kapag nawala na ako? '
BINABASA MO ANG
My Playboy Bestfried
Teen FictionPrologue: Naranasan mo na bang daig mo pang mag-alaga ng isang nanay sa bestfriend mo? Narasanasan mo na ba ang mainlove sa bestfriend mo? Naranasan mo na bang marealize na mahal mo na pala sya kung kailan wala na sya? Naranasan mo na bang masaktan...