Naomi's POV:
** Ring ring...**
Kinuha ko ang phone ko sa table ng mag-ring ito. Nandito kasi ako sa sala at nanonood ng TV. Sabado ngayon kaya walang pasok.
Napakunot noo ako dahil unregistered number ang tumatawag. Dahil sa curious ako kaya sinagot ko.
" Hello? "
Mas napakunot noo ako ng hindi ito nagsasalita.
" Hello? "
Aba't! Nangti-trip siguro 'to ah. Kanina pa ako hello ng hello pero wala talagang sumasagot.
Isang nakakabinging katahimikan lang ang sumagot sa akin. Ano ba 'yan, walang magawa sa buhay.
" Kung hindi ka magsasalita, ibaba ko na - - - "
" H-Hello po. "
Napatuptop ako ng bibig sa narinig ko.
Bata? Napatingin ulit ako sa number na tumawag. Hindi ko talaga kilala eh. Ibinalik ko nalang sa tenga ko ang phone at nakinig sa kabilang linya.
" Hello ate? "
Nakng! Ate daw oh! Wala akong kapatid.
" Sino 'to? "
Matagal bago nagsalita ang nasa kabilang linya.
Para syang nagda-dalawang isip kung magsasalita ba sya o hindi. Aba! Tumawag pa sya.
" Ito po ba si Miss Zara? "
Naks! Kung maka-miss naman 'to. Ang galang ni bata ah!
" Yes. Sino 'to? "
" A-Ako nga po pala si Michelle. Girlfriend ni Ace. "
" Ow! "
'Yon nalang ang nasabi ko. Ho my gosh! Tumawag sa akin ang current girlfriend ni Ace. Yes! Hanggang ngayon sila parin, going stronger. I guess.
" I see. Saan mo pala nakuha ang number ko? "
Sanay naman ako na nakakausap ang mga girlfriend nya at ako ang iniiyakan pero iba kasi si Michelle dahil hanggang ngayon sila parin.
I can smell something... Parang mahal ata ni Trevor itong si Michelle. Ouch lang!
Move on, move on kasi pagmay-time Naomi...
Kaso nga wala akong time...
Ganon? Haha ewan. Nababaliw na naman ako. Kinakausap ko na naman ang sarili ko.
" Sa phone po ni Ace. Nakita ko kasi na 'Best Zara' po ang nakalagay. Curious po ako kaya kinuha ko po. Sorry po. "
Ang galang naman ng bagets na 'to. Dalawang taon lang kaya ang agwat namin. Kung maka-po naman.
" Okay lang. "
Nag-usap lang naman kami. Parang getting to know each other. Charot! Mag-syota lang.
Madami syang tinanong sa akin. Kung paano kami naging magkaibigan ng boyfriend nya. Sarap sabihin na naging biktima din nya ako at susunod ka na.
Pero syempre ayoko sabihin. Kaya ako, kwento ng kwento. Pero ilan lang. Hindi ko sinabi na naging kami dati at playboy ang boyfriend nya.
Mukha syang inosente eh. Walang kaalam-alam. Tinanong din nya kung ano ang mga paborito ni Trevor.
BINABASA MO ANG
My Playboy Bestfried
Teen FictionPrologue: Naranasan mo na bang daig mo pang mag-alaga ng isang nanay sa bestfriend mo? Narasanasan mo na ba ang mainlove sa bestfriend mo? Naranasan mo na bang marealize na mahal mo na pala sya kung kailan wala na sya? Naranasan mo na bang masaktan...