Chapter 20

830 33 1
                                    

Naomi's POV:

Naglalakad na ako palabas ng campus ng... MAG-ISA! Wala kasi si Zoe, may date daw sila ng pumpkin nya.

Si Jen naman ay nagmamadaling umuwi kanina. Nag-text kasi daw 'yong lola nya na papauwiin sya ng maaga.

Kaya ito ang ganap ko ngayon. Isa akong dakilang... LONER!

Napahawak ako ng mahigpit sa strap ng pack bag ko ng may nakita akong isang ganap na napakasakit sa mata.

Sa mata nga lang ba?

Sa paglalakad namin ay magkakasalubong kami. Ako, na naglalakad ng mag-isa habang sya ay naglalakad na kasama si Hannah. Ang bago nyang nililigawan.

Hindi ko alam kung sinagot na ba sya. Pero basi na din sa nakikita ko ay mukhang sila na.

Dahil sa sobrang close at sweet nila.

Tsk! School to no at hindi motel!

Nakita nya ako pero umiwas din sya ng tingin. Napayuko nalang ako at nilampasan sila.

Mabilis at malalaki ang bawat hakbang na ginawa ko. Dahil gusto kong lumayo sa kinaroroonan nya.

Nang makalabas ako ng campus ay nakahinga ako ng maluwag. Na para bang nakatakas ako sa taong humahabol sa akin.

Napatingin naman ako sa kalangitan ng may maramdaman akong tumutulo. Umuulan.

Napangiti nalang ako ng mapait. Buti at dadamayan mo ulit ako, kaibigan kong ulan.

Bumuhos ang malakas na ulan. Tumayo lang ako habang nakatingala sa langit at nakapikit.

Dinadama ko ang bawat patak ng ulan na dumadampi sa mukha ko. At doon na tuluyang bumagsak ang mga luha ko.

Bakit ganon? Isang taon na ang nakakalipas pero masakit parin. Sariwa parin ang sugat na nasa puso ko.

Naalala ko na naman ang nangyari noon...

10 months ago...

Masaya akong nakatingin sa regalong katatapos ko lang balutin. Isa itong maliit na rectangle box.

May laman lang naman ito na couple necklace. Nang makita ko ito sa mall kanina, dahil naghahanap ako ng pag-iiregalo ko sa kanya, ay sya agad ang naisip ko.

When I saw the couple necklace, I said to my mind that it was perfect.

Excited na akong makita sya bukas. Bukas na kasi ang uwi nya galing U.S. Yes. Nasa US sila kasama ang mama at tito nya for operation.

Sa isang buwan na naging kami ay napapayag ko syang magpaopera and thank God dahil may donor na sya. Kaya agad silang umalis para sa operation nya.

Mag-iisang buwan na din sila don. Binabalitaan naman ako ni Tita Divine kung kamusta na si Trevor. Hindi ko kasi sya nakakausap dahil minu-minuto ay naka-monitor sa kanya ang mga doctor and nurses.

Magtatatlong linggo ko na din syang hindi nakikita o nakakausap man lang. Pero kahit ganun ay hindi naman ako nagtatampo sa kanya.

Naiintindihan ko ang sitwasyon nya. Nagpapasalamat din ako sa Diyos dahil naging matagumpay ang operation nila. Nag-match talaga ang puso sa kanya.

At excited na nga ako kasi bukas na sya uuwi.

****

Kinabukasan ay dumalaw ako kina Trevor bandang hapon. Maaga silang nakauwi pero pinili ko nalang na hapon dumalaw para makapagpahinga din sya.

" Hi Zara. "

Bati ni tita ng makapasok ako sa sala nila. Nadatnan ko syang nakaupo habang nanonood ng TV. Tumayo agad sya at sinalubong ako ng yakap.

My Playboy BestfriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon