CHAPTER 12

906 36 4
                                    

Naomi's POV:

Ilang araw na akong dumadalaw kay Trevor pero sa twing dadalaw ako sa kanya ay tulog naman sya kaya hindi nya alam na dumadalaw ako sa kanya.

Kumusta na kaya yun? Sana gising sya pagdalaw ko mamaya. Inayos ko na ang mga gamit ko para hindi ako malate. Dadalawin ko din kasi mamaya si Trevor pagkatapos ng klasi.

Habang nalalakad ako papuntang school ay hindi ko maiwasang mamiss sya. Naalala ko tuloy nong hindi ko pa alam na sya si Ace at ang pagkakilala ko pa sa kanya ay si Trevor.

Tinawag ko pa syang zombie dahil sulpot lang sya ng sulpot kahit saan. Kahit pala ganun sya ay namimiss ko din ang pagkamahangin nya.

Tama din naman sya. May maipagyayabang din naman sya. Napahinto naman ako at napailing. Haist! Ano ba tong pinag-iisip ko? Namimiss ko sya.

" Are you okay? "

" Ay namiss! "

Napatalon nalang ako sa gulat. Ano ba yan! Bakit ba sya nanggugulat? 'Kala ko si Trevor lang ang mahilig manggulat.

" Sinong namiss mo? "

Nakangiti nyang tanong. Hindi ko alam kung tama bang sabihin sa kanya na iba ang namiss ko at hindi sya. Pero ayoko magsinuwaling sa kanya.

" Namiss ko lang yung b-best friend ko. "

" Ahh... Akala ko ako. Hindi pala. "

" Sorry. "

Napayuko naman ako. Nagi-guilty ako eh. Alam kong na-disappointed sya dahil hindi sya ang namiss ko pero alangan naman sabihin ko sa kanya na sya yung namiss ko kahit hindi naman. Eh di doble nang guilty ko non. :3

" Ano ka ba. Joke lang. Tara na. "

Bakit ba ang bait nya? Kahit naman alam ko na nalungkot sya sa sinagot ko ay dinadaan nalang nya sa biro.

Naglakad na ulit kami ng sabay. Ang tahimik... Hindi ako sanay. Nasanay kasi akong palagi kaming nagkukwentohan at nagtatawanan kapag magkasama kami.

Pero ngayon? Nakakabingi ang katahimikan na namamagitan sa amin.

" Si Ace ba ang tinutukoy mong bestfriend mo? "

Napatingin naman ako sa kanya. Nakatingin lang sya ng diretso sa daan. Napakagat labi nalang ako.

" Oo. "

Bakit ba ito ang topic namin? Mas lalo tuloy ako nakakaramdam ng pagkailang. Napahawak nalang ako sa laylayan ng uniform ko.

Ayoko ng ganitong pakiramdam. Yung awkward na nararamdaman ko ngayon. Feeling ko mali ito. Nakita ko naman na napatango sya sa sinagot ko.

Tumahimik na din ako ng hindi na sya nagsalita. I really hate this. Hanggang sa nakarating kami ng school ay hindi na sya nagsalita.

Lumipas ang araw at natapos ang klasi namin ng hindi ako pinapansin o kinakausap ni Rome. Galit kaya sya sa akin? O nagtatampo?

Nang uwian ay hindi ko na din sya nakausap dahil nagmamadali syang umalis. Mukhang galit nga sya sa akin. Napabuntong hininga nalang ako.

Umuwi ako ng bahay at nahiga sa kama ko. Nakatulala akong nakatingin sa kisame. Ano kayang gagawin ko para hindi na sya magalit sa akin?

My Playboy BestfriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon