Somewhere in an unknown place…
Unknown’s POV
“I think we should to tell her. She needs to marry him para matuloy na ang merging ng company natin.”
“Do you think she’ll agree with that? Ang tagal nating hindi nakikita't nakakasama ang anak mo, tapos ganito? Bibiglain natin siya? Sasabihin nating, you need to marry him whether you like it or not? Ganon ba 'yon ha? Ted?”
“Anong gusto mong gawin ko?”
“Let’s go back to the Philippines. I want to see our daughter. Gusto ko siyang makasama. For how long should we be cold to her anyways? Nahihirapan na ako.”
“You know the situation Min. Hindi natin pwedeng iwan dito ang anak mo. Alam mo namang may sakit siya di ba? Alam mo naman ang traumang pinagdaanan niya.”
“But for how long Ted? Gaano mo katagal titiisin ang isa pa nating anak? I-I’m tired. Lagi nga natin siyang pinadadalhan ng pera pero, anong silbi non kung wala naman tayo sa tabi niya? Ni hindi nga natin alam kung anong kalagayan niya.”
“Di ba tinatanong naman natin ang yaya niya? And she confirmed that she's fine.”
“Sa tingin mo ba ganon nalang yon? Paano kung pinapasabi niya lang palang okay siya kahit hindi? Paano kung may sakit na pala ang anak natin? Sinong mag-aalaga sa kanya? Si Yaya na naman ba? Napakabata pa ng anak natin Ted to suffer from this situation. Ayokong… ayokong magtanim siya ng kahit anong galit sa puso niya dahil lang wala tayo sa tabi niya for how many years.”
“Anong gusto mo ngayon? Umuwi tayo sa Pinas at alagaan natin siya? Paano naman ang anak mo dito? Alam mong hindi natin siya pwedeng ibalik doon dahil maaalala niya lang lahat ng nangyari sa kanya. At hindi ba kasalanan din ng anak mo kung bakit nangyayari ito ngayon?”
“Ted! That’s not a reason para itakwil mo nalang ang sarili mong anak. Alam ba nating, iyon talaga ang nangyari? Hindi niya naman sinasadya di ba? At ni hindi man lang natin pinakinggan ang paliwanag niya. Ni hindi mo ako hinayaang pakinggan siya. Hinayaan mong isipin niyang… hindi ko siya pinaniniwalaan. Hinayaan mong malayo ang loob ko sa kanya.”
“Hindi ko siya itinatakwil. Ginawa ko yon para hindi siya mahirapan kapag nag-iisa siya. Akala mo ba hindi masakit sakin na iwan natin siya? Akala mo ba, hindi ako nalulungkot kapag naaalala kong may anak akong, hindi ko alam kung kamusta na? Min, nag-aalala rin ako sa kanya. Pero alalahanin din natin ang kalagayan ng anak mo. Hindi pwedeng iwan natin siya dito. Alam mo yan.”“Pe-pero…”
“Suportahan mo nalang ako sa bagay na to’. At mas kailangan tayo ng anak mo dito.”
“Pero Ted… hindi mo maiaalis sa akin na isa rin akong ina na nangungulila sa anak. I want to end this and be with our child, Ted. Kaya pag-isipan mong mabuti ang desisyon mong yan. Baka tuluyan nang mawala satin ang anak natin.”
Palabas na ng room si Mommy kaya nagmadali akong bumalik sa kwarto ko pero… naabutan niya ako.
“Bakit gising ka pa?” She asked.
“I-I can’t sleep mom.” Alibi ko.
“Ganon ba?” Tipid niyang sagot na akala mo'y pagod na pagod.
“Mom." I called out. "I heard you and Dad talking…”
“Anong narinig mo?” Everything Mom.
“About… about the merging.”
“What about the merging?” Biglang sulpot ni Daddy
“Uhm… I’m just thinking if… if ako nalang po ang ipakasal niyo? Wag na po ang kapatid ko.”
YOU ARE READING
WAR OF THE GEMINI (KathNiel) ✔
FanfictionUNDER REVISION "Despite being young and wealthy, parati pa ring may kulang." Iyon ang nag-push kay Venisse to transfer back to her old, lame, and strict school leaving her wildest life in New Jersey. She always seeks for fun; and her old school woul...