Kat’s POV
Pagkatapos na bumagsak ni Lester, agad namin siyang isinugod sa hospital. Sabi ng doctor, hindi naman daw napuruhan yung ulo niya at wala naman daw damage sa katawan niya. May konting galos lang sa braso at binti pero hindi naman daw grabe.
Andito kaming lahat pati narin sina Gerard at yung kapatid niya.
Napansin ko lang, parang alalang-alala sa kanya si Geenee nung bumagsak siya. Parang naiiyak pa nga siya ng sinugod namin si Lester eh… Kilala niya ba si Lester? O, magkakilala ba sila? Pero wala namang naikukwento samin tong si Lester eh.
“Kumain muna kayo, ako nalang muna ang magbabantay sa kaibigan niyo.” Biglang sabi ni Geenee.
“Ah, sigurado ka?” Tanong sa kanya ni Seth.
Tumango nalang siya.
“I’ll buy you some lunch nalang Geen.” Sabi sa kanya ni Gerard bago kami tuluyang lumabas.
Pumunta kami sa isang malapit na fast food chain at nag-order. Habang kumakain kami, hindi mawala sa isip ko yung pagtataka kaya naisipan kong tanungin si Gerard.
“Ahm, Gerard, kakilala niyo ba si Lester?” Napatingin naman silang lahat sakin.
“Ah… pag sinabi ko bang Oo, maniniwala kayo?” Tanong niya samin. Umiling naman kaming lahat.
“Wala naman kasing naikukwento si Lester samin.”
“Kasi wala siyang matandaan.” Gerard
“Ha?” Taka naming tanong.
“Lester, we’ve known him for a long time. Business partners ang Pamilya namin at pamilya nila. Lester and my sister Geenee, were very closed friends when they are little.” Muntik pa akong mabilaukan. Sila? Magkakilala at magkaibigan?
“Ha? Eh bakit hindi kayo kilala ni Lester?”
“He had an accident when he’s 9 years old. Nagka-amnesia siya. Kaya napagpasyahan nila Tita Lescy at Tito Terence na magmigrate. Kaya kahit anong gawin niya, hindi niya kami makilala.” Gerard
YOU ARE READING
WAR OF THE GEMINI (KathNiel) ✔
FanfictionUNDER REVISION "Despite being young and wealthy, parati pa ring may kulang." Iyon ang nag-push kay Venisse to transfer back to her old, lame, and strict school leaving her wildest life in New Jersey. She always seeks for fun; and her old school woul...