CHAPTER 28: Make a move!

13.5K 222 3
                                    

Ven’s POV

“Vens, nakakamiss noh?”

 

 

“Ang alin?” Tanong ko kay Craise habang nakahiga kami sa kama.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko at kasama namin sina Mitch at Geenee pero nasa baba sila at naghahanda ng foods.

 

 

“Nakakamiss yung tayong dalawa lang.” Napatingin ako sa kanya at nakangiti lang siya.

 

 

“Bakit, ayaw mo bang marami tayo? Gusto mo tayo nalang dalawa ulit?” Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya.

 

 

“Hindi naman. Masaya nga ako dahil nagkaroon tayo ng iba pang mga kaibigan. Ang saya nga eh. Who would think that they will be our friends?”

 

 

“Yeah… akala ko nga rin habang buhay nalang tayong dalawa ang magkasama.” Napangiti tuloy ako. Sinong mag-aakala na kaya ko rin palang tumanggap pa ng ibang tao sa buhay ko? Noong una kasi natatakot ako. Natatakot ako na baka lokohin lang nila ako. Pero iba naman  pala sila. Ibang-iba sa mga inakala ko.

 

 

“Masaya ka ba?” Tanong ni Craise. Pumikit lang ako at ngumiti.

 

 

“Oo naman… I’m happy that we’ve met those people. I’m happy that I’ve met them… him…

 

 

“HIM?!” Napamulat ako ng mata at napaharap sa kanya. Uh-oh… ano bang nasabi ko?

 

 

“Huh? Anong him?”

 

 

“I heard you Vens. You said you’re happy you’ve met them… him… Tell me who’s that ‘him’…” She said as she sitted on my bed and look at me straight in my face.

 

“Wala…”

 

 

“Vens.”

 

 

“Wala nga kasi.”

 

 

“Vens.”

WAR OF THE GEMINI (KathNiel) ✔Where stories live. Discover now