CHAPTER 12:MALL

205 7 4
                                    

                        Sunday morning. Tapos na akong maglinis sa condo nina Gio,sinama nya pa ako ngayon sa mall.Ang aga ko kaseng pumunta sa kanila eh.mga 6:00 am palang andun na ko.Tulog pa nga silang lahat nung pumasok ako eh,di ko alam yung password ng pinto kaya nagdabog nalang ako ng nagdabog sa pinto,eksaktong si Gio yung bumukas ng pinto.nakatopless sya tapos pajama.oh my gulay.ayoko na ngang isipin yun.namamanyak ako eh..ewww..kadiri.gusto ko kaseng matapos agad yung gagawin ko sa kanila para maigala ko pa si Chimchim sa park. Aso ko yun ipinangalan ko sa kanya yung chimchim kase yun yung tawag ko Kay Nick dati. Kaso imbes na makapaggala sa park,dinala nman ako nitong magaling kong amo sa mall dahil marami daw syang bibilhin.

"Bilisan mo maglakad"-hinabol ko nman sya kase medyo malayo layo na sya sakin.

Pumasok sya sa NBS at bumili ng mga art materials,, anong gagawin nya sa mga yan? Di nalang ako nagtanong kase wala lang.. Hehehe..

Nung matapos na syang bumili, tinawagan nya yung butler nila at pinakuha nya yung mga pinamili nya.. Ano yun?! Andito nman ako diba? Anong silbi ko rito?? Dapat di nya nalang ako sinama,naipasyal ko pa sana si chimchim..

"Tara ice cream tayo"-aya nya sakin.. Medyo nagulat ako pero ok na rin.. Gutom na ako eh.hehehe.

Sumunod nalang ako sa kanya papunta sa DQ .. Nakalagay lang yung dalawang kamay nya sa bulsa ng pantalon nya habang nakapoker face lang.. Ang astig din pala nya no? Bakit biglang naaapreciate ko na yung physical appearance nya.. Ohmygosh.  Inalog ko nalang yung ulo ko.. Kung ano ano na kaseng pinagiisip ko..

"Ano flavor gusto mo?"-tanong nya sakin pero poker face parin sya...

"Uhmm.cookies and cream."-bat ganon? Bat bigla nalang naging ganito yung feeling ko.naiilang ba ako?? No way.tsk.

Umalis na sya at bumili ng ice cream, napansin ko nman na ang sama ng tingin ng mga babae sakin.Anong ginawa ko sa kanila??

"Ang pogi ng kasama nya noh? Boyfriend nya kaya yun?"-girl1

"Di noh.as if nman. Ang panget panget kaya ng babaeng kasama nya.mukhang manang at mukhang nerd."-girl2. Aray ha? Seriously,Bulungan ba yun oh sadyang pinaparinig talaga nila sakin yung usapan nila? Idagdag mo pa yung tingin nila na akala mo,kakain na ng tao..

"Sabagay.. Tingnan mo nga,di sila bagay"-Girl1.

"Malamang alalay lang yan.."-Ouch. Oo alalay lang ako. Masaya na kayo? Isaksak ko pa sa mga baga nyo si Gio eh. Hiyang hiya nman ako sa kapal ng make up nyo?? Tsk.

Di ko nlang sila pinansin. Badtrip ako eh..huhuhu todo na kase yung panglalait nila..

Bigla nmang dumating si Gio dala yung ice cream nmin. Cookies and cream din yung kanya???

"Gaya gaya"-bulong ko..mukhang narinig nya nman yung sinabi ko kaya napatingin sya sakin.

"Anong pinaglalaban mo?"-sabi nya sabay taas ng kilay.. Hehe oo nga nman.ano nman kung parehas ng flavor yung ice cream nmin?? Napatingin ako sa mga babae kanina,mas lalo pa atang sumama yung tingin nila sakin.. Ano bang problema nila?

Kinain ko nalang ng kinain yung ice cream ko..natetense ako sa dalawang babae eh,grabe makatingin..

Takang taka nman si Gio dahil sa bilis kong kumain.. Hindi ako patay gutom ha..talagang ayoko lang tumingin sa paligid kaya mas magandang magfocus nalang ako sa ice cream ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MUSIC ACADEMYWhere stories live. Discover now