CHAPTER 10:PRACTICE

124 3 0
                                    

                      Andito ako ngayon sa kotse ni Gio.Kasama nmin si Yuan at si Hanz.. Papunta na kmi sa bahay nila kase nga daw may practice kami ..I wonder kung anong gagawin naming performance.

Huminto yung kotse nya sa harap  ng isang napakagarang bahay..Wow! Kanila ba to?! Sobrang laki at sobrang ganda..tahimik pero buhay na buhay ang paligid dahil sa mga halaman..

"Pasok"-sabi ni Gio saming tatlo,kaya sumunod nlang kami sa kanya.Di ko maiwasang mapatingin sa paligid ng bahay.Sobrang ganda kase eh.Nakarating kmi sa sala ng may naaninag ako na kung ano dun sa labas ng Glass door.Ano yun? Lumapit pa ako ng kaunti para makita ko talaga yung kulay blue dun .................  WHOA!!!Wow.. Swimming pool pala yun.. Ang ganda!OH MY GULAY .. 😍😍😍😍

"Alalay!"-rinig kong tawag sakin ni Gio.. Ano ba tong lalakeng to.Finefeel ko pa nga yung lugar eh..yung simoy kase ng hangin  sobrang sarap..hmm.

"Hoy Alalay!!"-tawag pa nya ulit.. Leche."OO andyan na!tsk."-napairap naman ako pabalik sa sala kung saan sila nandun.  Pagdating ko dun,,may kasama na silang Babae..sino yun? Parang kilala ko sya..I mean,nakita ko na ata sya. Tsk. Like i care?,😒😒

"Hi!"- bati sakin ng babae.huh? Kilala nya ba ako? FC ha.. Lumapit sya sakin then "Im Shizuoka Mayamoto. Classmate mo."-sabi nya sakin habang nakangiti .Actually, maganda sya.maputi.medyo singkit ang mata . siguro kase Japanese sya.. Pero fluent magtagalog ha. Pano ko nalaman na Japanese sya? Dahil sa pangalan.di nman ako Tanga para di mapansin yun noh. Nakalahad yung kamay nya kaya kinamayan ko nalang din sya."Im Claire."-sagot ko."I know."-sabi nya habang nakangiti parin sakin...

"So let's start."-putol nman ni Gio sa usapan nmin ni Shizouka..

"So, magperform nalang tayo ng song.yung parang band.Hindi ko na isasuggest na sumayaw tayo dahil di ko pa alam kung marunong sumayaw tong dalawa.Mas maganda kung kakanta nalang tayo."-panimula ni Gio . "So Claire ,anong kaya mong gawin?"-tanong sakin ni Hanz. "Tsk.walang kayang gawin yan. Hindi nga pinatulan yung battle di ba?😏😏 "-sabat nman ni Gio habang nakangisi... Parang nainis ako dun ah .. May kaya nman siguro akong gawin. Nakakainis lang kase wala pa akong sapat na confidence para gawin yun.. Anong gagawin ko??  "Punta tayo sa music room"-sabi ni Gio kaya nagtinginan kami lahat.  "Dun tayo magpapractice"-dagdag pa nya ng napansin nya na hindi kami nakasunod sa kanya.. Tumayo nlang kami at sinundan sya. Music room? May ganon pala sila dto? Sobrang yaman ha... Pagpasok nmin sa music room.  "Wow"-bulalas ko na medyo gulat ulit .ano pa bang aasahan sakin? Madali akong mamangha eh.😂😂

Ang ganda nman pala dito sa loob.Andaming music instruments. I wonder kung lahat yan kaya nyang tugtugin.. Napansin ko nman ang isang gitara.Acoustic guitar sya.. Kulay blue tapos ang ganda ng designs.. Lumapit nman ako Dun para itry yung gitara .. Hinawakan ko muna ito.sobrang ganda kase ei. "You can play guitar?" ... "Ay palaka!"-napatingin nman ako sa kanya."Ginulat mo nman ako.."-me.

"You can play guitar?"-tanong nya ulit..     "O-oo"-bat ako nanginginig? Parang tanga lang.  "She'll play the guitar."-sabi ni yuan sa kanila kaya napatingin nman samin yung tatlo.. Ewan.pero takot talaga ako Kay yuan.masyado kaseng cold eh.lalo na pagtumitingin sya sayo...  Medyo gulat nman ang reaksyon ng tatlo dahil sa sinabi ni yuan pero nabawi nman nila agad .. "Akala ko wala kang kayang gawin."-sabi ni Gio habang palapit samin."Akala mo lang yun. Che!"-sagot ko dito sabay punta sa kinatatayuan nina Shizouka. Napansin ko nman na nakangiti si Gio habang papunta samin.kasama nya na si yuan na nakatitig sakin?? May dumi ba ako sa mukha? At si Gio, ang gwapo pala nya pag nakangiti.Though, gwapo nman sya kahit laging suplado yung expression ng face nya pero mas gumwapo pa sya ngayon. Wait.What? Did i just say na gwapo sya? I take it back..kadiri ha.ewwww.ano na bang nangyayari sakin??

"So si Claire sa Guitar.si Hanz sa Beatbox.Si Yuan sa piano at ikaw shizouka,duet tayo."-sabi ni Gio habang kinakausap nya si Shizuoka. Ka duet nya pala si Shizouka. Bat ganon? Bat may naramdaman akong kakaiba nung nalaman ko na duet sila? Tsk.wala lang to. Bigla nmang napatingin sakin si Gio. "Tsk.Alam kong gwapo ako Claire.Wag mo na akong pakatitigan.Baka mainlove ka "-sabi nito habang nakangiti.oh my gulay .. Teka.anong dawng sabi nya? Kapal nya nman kung maiinlove ako sa kanya. Inirapan ko nlang sya kaya bigla syang napatawa.First time ko syang nakitang tumawa.. Di ko alam na napapatitig na pala ako sa kanya .. Inalog ko nalang yung ulo.. Nababaliw na ba ako?  Napatingin nman ako sa kanya at nkangiti ang loko..bwisit. Ano na bang nangyayare sakin?

Nagstart na kami ng practice. So yun nga,,ako nagguitar,si hanz sa beatbox,si Yuan sa piano at si Gio at Shizouka nman ay duet. Bagay na bagay sila kung titignan. Pareho silang parang anghel ang Boses. .may possibility na mafall sila sa isat isa. Bagay nman sila eh.kawawa nga lang si Shizouka pagnagkataon.Sobrang sama kase ng ugali ni Gio. "Hoy Claire!anong chords na yang ginagawa mo?"-sigaw nman sakin ni Hanz. Ay kabayo.hindi ko na pinapansin yung tinutugtog ko., Mali Mali na tuloy yung tinutugtog ko..  Napatigil nman sa pagkanta yung dalawa. Nakatingin lang sila sa akin.. "Excuse me."-sabi ko tsaka inilapag yung gitara.. Umalis ako sa bahay nina Gio. Ano na bang nangyayare sakin?? Paki batukan nga ako please, mga Lima. Haysss .itutulog ko nlang to.

Hanz POV.

               Bigla nlang nagwalk out si Claire.  Na guilty tuloy ako bigla. Nasigawan ko kase sya eh. Pero hindi nman sya ganon eh.andami nya ng narinig na masasama na words samin pero di nya nman pinapansin yun.. Kaya imposibleng dahil dun kaya sya nagwalk out... May problema ba yun?

"Anyare dun?"-tanong ni Gio. Nagbigay nalang ako ng gesture na hindi ko alam.pinagpatuloy nalang nmin ang practice kahit walang guitar..

Napapansin ko na maganda si shizouka .actually,nung nakita ko sya sa room nung first day,nagandahan na ako sa kanya pero kay Gio sya kinikilig. Si Gio yung crush nya sa aming pito kaya alam kong masaya sya na ka duet nya ngayon si Gio. OK lang nman sakin yun.Di nman yan nagseseryoso si Gio.  Boyfriend sya ng campus pero kahit isa sa mga babaeng nasa school,wala syang gf.  Kung sakin nman , wag na.hahaha girlfriend ko lahat ng chicks sa campus.hahaha naghahati pa nga kami ni Nick sa mga chicks eh.minsan nagaaway pa kami kung sino ang mas gwapo saming dalawa,,eh Alam ko nman na mas gwapo ako.😂😂😂. Maganda din pala ang boses ni Shizuoka, parang anghel.  Sayang lang sya kung magiging isa sya sa mga babaeng nakalista bilang gf ko.. Hindi pa ako handang magtino eh.sa ngayon,bahala muna syang pangarapin si Gio.😂😂😂😂

MUSIC ACADEMYWhere stories live. Discover now