CHAPTER 3

41 0 0
                                    

Chapter 3
(A MISERABLE WIFE)

Nagising ako dahil sa mainit na bagay na tumatama sa mukha ko kaya dahan dahan kumg iminulat ang mata ko pinikit ko ito ulit dahil nasilaw ako sa sikat ng araw.

Ramdam ko ang sobrang pananakit ng katawan ko tiningnan ko ang sarili ko iba na ang damit ko at may mga gamot sa bedside table naka benda na ang mga sugat ko siguro ay nagpatawag si Dae ng nurse para gamutin ako imposible naman na siya dahil imposibleng imposibleng gagamutin niya ako,mapatay man ako  wala din siyang pakealam well siguro siya ang gagastos ng libing ko.

Maraming sugat ang katawan ko,wala narin si Dae sa tabi ko ng magising ako alam kung maaga siyang pumasok sa trabaho niya.

Dahan dahan akong tumayo at pumasok sa banyo kailangan kung maligo dahil pinapunta ko si Myka dito wala namang poblema si Dae dahil kilala naman niya si Myka.

Mapakla akong napatingin ng makita ko ang marami kung pasa sa mukha,leeg,braso halos ata lahat ng parte ng katawan ko meron pati sa likod dahil ito sa sinturon kagabi,kasalan ko naman yun kung bakit siya nagalit dahil kinulit ko siya.

Siguradong pipilitin na naman ako ni Myka na makipag hiwalay kay Dae pero hindi mag babago ang sagot ko na 'hindi ako makikipag hiwalay' maliban nalang kung siya na ang hihingi ng hiwalayan pero sana hindi mangyari yun dahil kahit ganya  siya ay mahal na mahal ko parin siya.

To: Dae mylove

Alam ko magagalit ka kasi
nag txt ako sayo gusto ko
lang i pag paalam na
pupunta si Myka dito.
Ingat ka lagi♡

Palabas na ako ng pintuan ng mag vibrate ang cellphone ko for sure si Myka ito namilog ang mata ko ng makita ko kung sino ang nag text.

From: Dae mylove

Don't go anywhere

Napatili ako dahil sa kilig alam kung mababaw pero firstime niya mag reply sa message ko.

To: Dae mylove

Yess boss:)

Nag patuloy na ako sa pag baba muntik na akong mapasigaw ng makita ko ang babaeng maganda hindi gaanong maputi siguro ay ka-kutis niya si Dae seryoso siyang tumingin saakin saka dahan dahang lumapit kaya bigla akong kinabahan.

"So you must be my boyfriends wife,hindi ko alam na ipagpapalit lang niya ako sa gaya mong low class tsk."

"Miss.Ayaw ko ng away umalis nalang kayo."mahinahon kung saad saka tumalikod sa kanya pero agad niyang hinila ang braso ko dahilan para mapa-daing ako kaya agad niya akong binitawan saka gulat na tumingin sa mga pasa ko.

"W-what happend t-to you?"hindi makapaniwalang tanong niya kaya imbes na sumagot ako rinig ko ang sigaw sa aking likuran kaya agad akong napatingi  doon.

"Bessy yang babae ba yan ang may gawa niyan sayo?!"galit na tanong ni Myka sa galit na tumingin sa babaeng nakatingin parin sa mga pasa ko.

"H-hindi siya."sagot ko.

"Sino kang babae ka?!"sigaw ni Myka kaya nabaling sa kanya ang atensyon ni Melanie.

P a i n f u l   R e g r e tWhere stories live. Discover now