C h a p t e r 8

29 0 2
                                    

Nasa bahay na si PJ ng dumating ako, hahalikan sana niya ako sa noo pero umiwas na ako dahilan para magsalubong ang kilay niya pero hinayaan ko nalang ito at umakyat na sa taas at dumiretso sa kwarto ko.

Nakakapagod pala ang mag mahal lalo na kapag nasasaktan ka na ng sobra mapipilitan ka talagang bumitaw na lang. Humiga ako at pumikit ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si PJ.

"Baby--

"Dont fucking call me that bullshit name Priam Jake!" nagulat siya sa pagsigaw ko pero iniwas ko lang ang tingin ko sa kanya at tumayo akmang lalagpasan ko siya ng hilain niya ang braso ko at hinarap ako sa kanya.

"Whats wrong?" nagtatakang tanong niya, tumingala ako at tiningnan siya sa mata pero mali ata ang ginawa ko dahil mas lalo akong nanghihina sa paraan ng pagtitig niya, nakakalunod.

"Why don't you ask yourself Priam Jake? Whats wrong?" balik tanong ko.

"I don't fucking understand you." ramdam ko na nagsisimula na rin siyang mainis pero pinipigalan lang niya. Marahas kong inalis ang kamay niyang naka hawak sa braso ko.

"Ano bang mali saakin Priam Jake?Bakit hindi mo ako kayang mahalin?
Baki hindi mo ako kayang pahalagahan?
Bakit hindi mo kayang manatili na lang saakin?
Bakit hindi mo kayang ibalik ang pagmamahal ko sayo?
Priam Jake bakit?! Ginawa ko naman lahat..naging mabuti naman akong asawa sayo pero bakit hindi mo talaga ako kayang mahalin?!Bakit siya parin?!Bakit si Melanie parin?!" patuloy lang sa pag agos ang mga luha ko, sobra akong nanghihina, parang pinipiga ang puso ko kitang kita ko ngayon na nasasaktan din siya sa nangyayari pero mas nasasaktan ako!

"I'm sorry,baby..I--

Hindi ko na siya pinatapos dahil malakas ko siyang sinampal pero nanatili lang siyang naka tayo sa harap ko at naka tingin sa baba.

"Priam Jake..m-mahal na mahal kita pero nakakapagod ka palang mahalin, ayoko na,tama na..masyado ng masakit i want to save myself. I'm tired, so fucking tired gusto ko nalang mamatay para mawala ang sakit pero i can't..i have to live, mawawala ka man saakin may dadating naman.
Mga taong kaya akong pahalagahan at  higit sa lahat kaya akong mahalin."

"W-what are you saying..?A-are --

"Yes Priam Jake, mag hiwalay na tayo.
You can be with the woman you really want to be with Priam Jake.
Take care of yourself please..And don't tell my parents about you and Melanie i'm sure my father will hunt you down i'll tell then na ayoko na sayo in thay way mas payapa ang paghihiwalay natin.Goodbye." mabilis akong lumabas sa kwarto ko at mabilis na nag drive papunta sa bahay ni Natalie, ayokong pumunta sa bahay dahil ayoko muna na malaman nila Mommy ay Daddy. Alam ko na hindi na ako susundan pa ni PJ.
Malamang magsasaya na yun dahil finally ako na mismo ang sumuko.

Nag ring ang phone ko kinuha ko yun ang sinagot ang tawag its unknown number baka importante.

"Hello?this is Na--

"I know bitch, finally you let my man go, he's so thankful mabuti naman at naisip mo na hindi ka talaga niya mamahalin like how he lo--

"Fuck you whore! Mag paparty kana, kasi pag balik ko.. Pagsisisihan mo na mali ang lalaking nilandi mo, Yes he loves you now, People change Melanie..Wait for me and prepare.
Babalik ang asawa ko saakin i'm sure of that, Die bitch..die" pinatay ko na ang tawag saka pinatay muna ang phone ko mag papalit na lang ako mamaya ng sim.

Pagdating ko sa two storey glass house ni Natalie. Kilala naman na ako ng guard kaya mabilis akong nakapasok sa loob.

"Ate?What the fuck is wrong with you?Bakit mugto yang mata mo?!"
mabilis siyang lumapit saakin, wala akong nagawa kundi umiyak ulit mabilis naman niya akong niyakap.

Naka upo na kami ngayon at kinwento ko sa kanya ang nangyari, papunta narin si Serene dito.

"Sa bahay ka muna ni Kuya Nash sa Cali." umiling ako, may pamilya na si kuya Nash at ayokong makisiksik doon kahit na malaki ang bahay nila.

"Sa bahay ni Kuya Naith?" umilinga ko ulit, may mga pamilya na sila.

"Saan mo gusto?" tanong ni Serene na kakarating lang at nakikinis saamin.

"Hindi pwede sa property ng Valencia, I want my pregnancy to be private."

"Tama naman si Natasha, Natalie, hanggat maari kailangan itago ang bata alam niyo naman na baliw yung tatay nila." inirapan ko si Serene.

Hindi ko alam kung paano nalaman ni Khaleesi na buntis ako dahil sa pagkakaalam ko doctor ko lang at ako ang nakakaalam, sinabihan ko rin siya na wag ito sasabihin kahit kanino lalong lalo na kay Priam Jake. Sasabihin ko sana ang pagbubuntis ko kay PJ sa birthday niya pero mukhang nais talaga kaming paghiwalayin ng tadhana. Alam ko mali ang gagawin ko na itago ang mga magiging anak ko pero ayaw ko rin na madamay sila sa katarantadohan ng ama nila.

Kinabukasan ay pumunta ako sa mansion mabuti nalang at nandoon si Mommy at Daddy, nagulat ako ng makita si Kuya Naith doon kasama si Grace ang asawa niyang malapit ng manganak.

"Hello sweety.." bati ni mommy saka hinalikan ako sa pisnge.

"Princess, whats with that face?" tanong ni Kuya saka lumapit saakin saka hinalikan ako sa noo. I miss my brother, niyakap ko si Kuya at lumapit kay daddy at humalik sa pisnge niya.

"I want to--

"Thanks god your safe baby." nagulat ako ng may yumakap saakin mula sa likod, muling nagsitakasan ang nga luha ko na ipinag taka nila Mommy.

Marahas akong kumawala sa yakap ni PJ at hinarap siya ngunit nagulat ako ng makita ang mukha niya, he looks so tired at amoy ko ang alak mula sa kanya magulo din ang buhok niya at namumula siya.

"Priam Jake umalis kana! I told you tapos na tayo! Ayoko na!" sigaw ko, pero mas nagulat ako ng lumuhod siya at niyakap ang binti ko at ang mukha niya ay nasa tiyan ko.

"Whats happening?" tanong ni Kuya pero hindi ko na siya sinagot at itinulak si PJ dahilan para matumba siya, he's drunk ang aga aga so nag party siya sa bar dahil maghihiwalay na kami, pero bakit siya nandito?
Siguro ay..hindi, masaya siya na mag hihiwalay na kami, ayoko ng umasa.

"Baby, I'm sorry, I-i'm such a--

"Umalis kana! Hindi kita kailangan!"
sigaw ko nilapitan naman siya ni Kuya at tinulungan na maka tayo pero natumba pa mabuti nalang at naka suporta si Kuya mas lalo akong nasasaktan ano pa kailangan niya?!

"Mom,Dad kami ni PJ ay maghihiwalay na." sabi ko at mabilis na umakyat sa taas rinig ko pa ang pagtawag ni PJ saakin pero hindi ko na nilingon dahil baka lapitan at yakapin ko lang siya, umiiyak siya at sinisigaw ang pangalan ko he looks pathetic at nasasaktan ako para sa mga anak ko. Mas deserve nila ng matinong ama.


❤❤❤

D h a n g    D h i w a t a

❤❤❤

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

P a i n f u l   R e g r e tWhere stories live. Discover now