Chapter 4
(A MISERABLE WIFE)Ilang linggo na ang lumipas simula ng makita ko si Dae kasama si Melanie sinusundo rin ako ni Myka para sabay kaming pumasok sa trabaho pero minsan ay magkaiba kami ng schedul.
Miss na miss ko na siya for sure maayos naman ang lagay niya,Uuwe yun kapag nag away sila ni Melanie.
Tumingin ako sa wrist watch ko 30 minutes bago ang pasok ko sa trabaho atleast ngayon ay magiging busy na ako hindi parin alam ni Dae na nag tatrabaho na ako.
Palabas na ako bahay ng makita ko ang paparating na sasakyan ni Dae dahilan para dalawin ako ng kaba.
Tumingin ako sa orasan 20 minutes bago ang duty ako at hindi ako masusundo ni Myka dahil umaga ang duty niya at sa gabi naman ako.Tumakbo ako papalapit sa gate para buksan ito nakakasilaw ang ilaw ng sasakyan niya at sana hindi niya kasama ang kabit niya kahit naman martyr ako mahal ko ang asawa ko at nasasaktan ako dahil sa kanya.
Pinark na niya ang sasakyan sa garahe habang ako ay sinarado ang gate tumakbo ako ulit papalapit sa kanya at hindi parin mawala wala ang kabang nararamdam ko.
"Bakit ngayon kalang umuwe?"
tanong ko saka kinuha ang briefcase na hawak niya para ako na ang mag bitbit sa loob pero tinulak niya ako dahilan para matumba ako ang sakit ng pwet ko!Puti pa naman ang suot ko ngayon dahil nga papunta na ako sa duty ko."Bakit ganyan ang ayos mo?"
seryosong tanong niya ng maka pasok kami sa loob ng kwarto."Nakalimutan kung sabihin na may trabaho na ako,naisip ko kasi wala naman akong ginagawa dito sa bahay kaya mag tatrabaho nalang ako hindi naman kasi dapat lahat ng pangangailangan ko sayo ko hingiin nakakahiya rin naman"
paliwanag ko saka pumunta sa walk in closet kung nasan ang mga damit namin kailangan kung palitan ang suot kung uniform."Ok"simpleng sagot niya saka nagsimula ng mag hubad napaka perfect niya talaga pati hot na katawan binigay sa kanya.
"Sige Dae aalis na ako,baka ma late ako kung nagugutom ka initin mo nalang yung niluto ko bye.."natapos na akong mag bihis pumunta na ako sa pintuan ng mag salita siya.
"Wait me,ihahatid kita."tila nabingi ako sa narinig ko ihahatid ako ni Dae?
"Ihahatid moko?"hindi maka paniwalang tanong ko saka humarap sa kanya na ngayoy nag susuot na ng white V'neck T'shirt at naka jersey short lang simple pero kahit sino mapapalingon sa kanya.
"Oo"simpleng sagot niya saka kinuha ang susi ng sasakyan sa bedside table.
Naunsa siyang lumabas at sumunod na ako nakaka kilig!Napatili ako dahilan para mapatakbo siya sa pwesto ko kita ko ang pag-alala sa mukha niya.
"Whats wrong?"tanong niya saka hinawakan ako sa magka-bilang balikat ko pero this time hindi na masakit gaya ng dati yung nag aalala niyang mukha napalitan ng pagtataka dahil naka ngiti ako.
"Kinikilig ako"bulong ko pero sapat na para marinig niya ramdam kung natigilan siya sa sinabi ko pero mabilis rin siyang tumalikod.
Tahimik lang kami sa byahe hanggang sa makarating kami sa ospital kung saan ako nag tatrabaho akamang lalabas na ako ng mag salita siya."You don't need to work i can give you money if thats you want"sabi niya kaya tumingin ako sa kanya na seryosong naka tingin saakin.
"Pinakasalan kita dahil mahal kita kahit hindi mo kayang ibigay din saakin yun hindi kita pinakasalan dahil gusto ko ng pera mo.Mahal kita.Ingat sa pag uwe."saad ko ng hindi tumitingin sa mga mata niyang nakaka adik titigan,lumabas na ako saka pumasok sa loob ng hindi lumilingon.
6AM na ng matapos ang duty ko kaya agad akong umuwe para makapag luto ng agahan ni Dae at sana kainin niya ito.
Ng makarating ako sa bahay may guard na ang gate at tinanong kung sino ako.
"Asawa po ako ni Dae"sagot ko tumango naman ang guard.
"Pwede ho bang makita ang I.D nyo maam?"tumango ako saka nilabas ang I.D ko at binigay sa kanya.
"Pasensya na ho maam sa abala,pwede na po kayong pumasok"ngumiti ako saka pumasok ng buksan niya ang gate.
May nakita rin akong babae na nasa 35 or 40 na nag wawalis sa labas ngumiti ito at binati ako ng magandang umaga at ganun din ako.
May dalawang babae rin sa loob ng bahay binati nila ako at ganun din ako,mag tatrabaho ba yun dito?Tatanongin ko nalang mamaya si Dae.
Mahimbing siyang natutulog ng pumasok ako napangiti nalang ako sa itsura niya ang cute,naka dapa siya at naka tagilid ang ulo siguradong sasakit leeg niya pagka gising,naka bukas rin ang bibig niya ang perfect talaga niya.Lumapit ako saka hinalikan siya sa noo bago ako pumasok sa c.r para maligo.
Natapos na ako sa lahat kaya bumaba na ako para mag luto ng pagkain niya.
Sana talaga kainin niya at sana mag tuloy tuloy narin ang ganitong pakiki tungo saakin."Iha ako nalang po ang mag luluto gawain ko po yan."naka ngiti akong umiling saka hinarap ang matanda.
"Ok lang po Lola,ako nalang ang mag luluto gusto ko kasing laging ako ang mag luluto ng pagkain ng asawa ko"
Tumango ang matanda saka ngumiti."Simula ngayon ay kami ang tutulong sayo dito sa bahay ninyo ng asawa mo"
"Saan po kayo galing?"tanong ko habang nag hahanda ng mga kakailangan ko sa pagluluto.
"Galing ako sa Mansion ng mga Feliciano ako rin ang naging yaya ni Kiel nung bata pa siya hanggang sa nag binata"tumango tango naman ako,atleast ngayon may makakasama narin ako dito sa bahay.
"Alamo iha natutuwa ako na mabuting babae ang asawa ng aking inalagaan ang swerte niya sayo"
"Hindi naman po 'La."pero sa kaloob looban ko tuwang tuwa ako dahil sa sinabi niya.
Matapos kung mag luto ay inihanda ko na ang kailangan niya para sa opisina.
"Nag luto ako ng breakfast mo pero kung ayaw mo kumain ka nalang sa labas para hindi ka gutomin"walang emosyon ang mukha niya kaya tumahik nalang ako baka kasi saktan niya ako kapag nainis siya.
"I'll eat here"lumawak ang ngiti ko sa narinig ko kakainin ng asawa ko ang niluto ko!
"Sige salamat,kumain ka ng marami para lumakas ka lalo"sabi ko ng naka ngiti lumapit ako sa kanya at ako na ang nag ayos ng neck tie niya.
Kinuha niya ang briefcase niya saka lumabas ng kwarto kaya sinundan ko naupo siya ako naman nilagyan ng kanin ang plato niya saka nilagyan ng luto kong afritada ang ang kanin niya.
Naupo naman ako sa harap niya at pinanood siyang kumain,ang gwapo talaga ng asawa ko.
Natapos siyang kumain tumayo siya at umakyat ulit sa taas siguro a mag totoothbrush siya ulit,nag ring ang cellphone niya kaya agad kung tiningnan kung sino ang caller nainis ako ng makita ang picture ni Melanie na naka ngiti ng todo hindi ko na ito sinagot kaya namissed call ito mas lalo akong nasaktan ng makita ang wallpaper ng asawa ko.
Picture nilang dalawa ni Melanie at pareho silang masaya dito parang piniga ang puso ko dahil dito,parang ako pa ang lumalabas na kabit.
👑DHANG DHITAWA👑
DATE: 09|13|17