SERENA's POV
"Ahm. Ano." Napatingin ako sa lalaking na nakaupo lang sa couch habang ang buong atensyon ay nasa sinasabi nitong cell phone, kanina kasi tinanong ko kung anong hawak niya tapos sinabi niyang cell phone. Ano naman kaya ang ginagawa ng cell phone na iyan. Tss hindi man lang ako pinapansin, sobrang nababagot na ako dito.
Kinuha ko ang mansanas na binalatan na niya kanina at sinimulang kainin. Nakakabagot talaga sa pakiramdam, iilang linggo na din ang nakalipas at hindi pa din ako pinapalabas sa ospital na ito. Wala na akong ginawa kundi ang kumain, matulog at manood ng telebesyon. Iilang araw na din ng tinuruan ako ng lalaking ito kung paano gumagana ang bagay na ito at ang sinasabing 'remote' para mailipat sa kahit anong panoorin. Kaya lang ang napapanood ko lang ay isang channel dahil iyon lang ang naiintindihan kong salita.
Buti na nga lang at mayroong ganito dito kundi mamamatay na ako sa kabagutan. Nagpapasalamat pa din ako sa lalaking katabi ko ngayon at binibisita niya ako kahit alam kong mayroon siyang trabaho. Minsan naiisip ko na hindi ba siya napapagod sa akin? Kung tutuusin pwede niya akong iwan at hayaan na lang dito ngunit nandito siya at inaalagaan ako.
Kung iiwan niya ako, alam ko namang madali siyang makakahanap ng babae. Habang tinititigan ko siya mula ulo hanggang paa, mapapansin talaga ang angking kagwapuhan niya, maganda din siya magdala ng damit tulad ngayon at pansin ko ring mayaman ang lalaking ito dahil siya nga din ang nagdala at nagpagamot sa akin sa ospital na ito.
Kahit noong una kaming nagkakilala marami na agad akong masamang nakita sa kanya tulad ng mamboboso, bastos, manyak at makapal ang mukha ngayon biglang nagbabago na ang impresyon ko sa kanya kahit ayoko mang aminin ay mabait naman pala siyang tao.
"May itatanong ako sayo, ok lang?" Nilalantakan ko ang dalandan habang lumapit ako sa kanya at tinignan kung anong ginagawa niya sa cellphone niya, ilang minuto ko ding hinintay ang sagot niya ngunit hindi man lang ako pinansin ng lalaking ito.
"What? May sasabihin ka ba sa akin? Bilisan mo." Tumingin siya sa akin ng pagmamadali. Teka lang, kakasabi ko lang na mabait siya kanina pero ngayon nagbago na ang isip ko. Binabawi ko na at hinding-hindi ko iyan sasabihin sa bwisit na ito.
"Sabi ko wala, kainis." Inirapan ko siya at tinalikuran, ang suplado. Bumalik ako sa magulo kong higaan, naupo at hinagilap ang remote para bumukas ang telebisyon. Kinapa-kapa ko ang higaan ko ng hindi ko pa din mahagilap ang remote. Binaba ko ang sarili ko sa ilalim ng higaan at tinignan ang bwisit na remote na iyon.
"Ano nga iyon? Ano bang hinahanap mo?" Mahinahon niyang tanong sa akin pero iyong ulo ko naman ang nag-init kaya dedma sa kanya.
"Wala" lumingon ako sa kanya at inirapan siya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ito ba ang hinahanap mo?" Hindi ko ito pinansin at pinagpatuloy lang ang paghahanap. Napalingon ako sa telebisyon ng bumukas iyon at napatingin ako rito na ngingiti-ngiti at hawak hawak ang remote.
"Nakakainis ka talaga paano iyan napunta sayo?" Maginhawang nakahiga ito sa sa sala set habang ako ay nakatayo na sa harapan niya.
"Pakibigay po iyan sa akin." Nilahad ko ang nakabukas kong kamay sa kanya. Nanliit ang mga mata ko ng tignan niya lang ako.
"Kiss muna." Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis sa nakanguso niyang pagmumukha.
"Mukha mo. Tigilan mo nga ako! Iabot mo na sa akin iyan." Lumapit ako sa kanya para hablutin ang remote ng hawakan niya ang bewang ko at bumagsak ako sa kanya at ang masama pa neto bumagsak ang bibig ko sa gilid ng bibig niya.
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na umalis sa pagkakahiga sa katawan niya.
"Ang manyak mo talaga!" Sigaw ko sa kanya.
"Ang lakas ng boses mo talaga, hindi halatang may amnesia ka." Ginaya pa nito ang boses ko. Mas lalong nanliliit ang mga mata ko. Tumayo na siya at itinaas ang remote sa ere.
"Tse, tigil-tigilan mo nga ako!" Kinuha ko na dito ang remote ngunit hindi ko pa din maabot. Sinubukan kong abutin ulit ang remote ng maabot ko ito pero naramdaman ko ang pagdikit ng labi niya sa pisngi ko. Nilayo niya agad sa akin ang mukha niya at ngumiti na parang sinasabi niyang natalo ako at siya ang nanalo.
"Hoy namumuro ka na sa akin pag ako na puno baka---"
"Halikan mo ako ulit?" Nanlaki ang mga mata ko. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito.
"Hindi ka lang manyak! Sobrang kapal pa ng mukha mo." Tinalikuran ko na siya.
"Ikaw nga dyan nagustuhan mo ang halik ko. Pulang-pula pa ang mukha mo." Napatigil ako at napahawak sa pisngi ko. Narinig ko na lang ang malakas niyang pagtawa habang ako nanggagalaiti. Bumalik na ako sa higaan ko at binuksan ang telebisyon, nilagay ko sa isang panoorin ng magsalita siya.
"Lalabas lang ako sandali. May gusto ka bang kainin o ipabili?" tanong niya sa akin bago lumabas.
"May gusto akong malaman. Anong pangalan mo?" Seryoso kong saad at tumingin sa kanya. Ngayon ko lang naisip na hindi ko pala alam ang pangalan niya, puro hoy ang tawag ko sa kanya.
"Iyan ba ang gusto mong itanong kanina?" Inirapan ko ito. "Lorenzo Nathaniel Villaforte. Iyan ang buong pangalan ko."
"Anong itatawag ko sayo?" Ang haba naman ng pangalan niya.
"Ikaw nag bahala." Sagot naman niya. Nag isip ako sandali at tumingin sa kanya.
"Renzo, iyan nag itatawag ko sayo." Ngumiti ako sa kanya. Tama, bagay sa kanya ang palayaw na iyan.
Renzo? Bakit parang may ibang dating ang pangalang ito sa akin. Pinagkibit balikat ko na lang dahil wala naman ako maalala.
"Renzo?" Tumingin lang siya sa akin na parang may iba akong ginawa. "Sige iyan na lang ang itawag mo sa akin." Pagkasabi na pagkasabi niya ay agad niya akong yinalikuran at lyumabas na ng kwarto.
Pinagpatuloy ko na lang ang panonood sa telebisyon kasi wala naman akong ibang magawa.
NATE's POV
"At ano namang ginagawa mo sa labas ng pintuan? Tsismoso, tss." Ngumiti lang sa akin si Zayne at naglakad na ako palayo. Sumunod siya sa akin.
"Tama ba ang rinig ko o nabibingi lang ako. Renzo ang binigay niyang pangalan sayo?" Hindi ko ito pinansin. Nakapa-tsismoso talaga ng pinsan kong ito.
"Shut up." Bakit nga ba ako pumayag na Renzo ang itawag niya sa akin?
"So its true. Kung dati galit na galit ka kung may tumatawag sayo niyan tapos ngayon." Hindi ko alam kong matatawa o maaasar sa mukha niya na puno ng malisya.
"Ayoko talagang kumausap sa mga krong-krong." Bumili ako ng can beer at naglakad na pabalik sa direksyon papunta sa room ni Solemn baka naghihintay na iyon sa akin.
"She really is similar to her, right?" Napatigil ako sa paglalakad. She really is similar to her, from the looks till her smile, how she talks and acts. Solemn really reminded me of her. Napabuntong hininga ako, naaalala ko na naman siya.
"Anong pinagsasabi mo?" Binuksan ko ang can beer at pumasok sa pinto ng marinig ko ang pagsigaw ni Solemn.
Mabilis akong pumasok sa kwarto at ganon din si Zayne. Nakita kong binato niya ng remote ang telebisyon, nakabaluktot at nakadantay siya sa kanyang tuhod. Napatingin ako sa telebisyon para makita kung ano ang pinapanood niya para maging ganyan ang reaksyon niya.
"Hottest guy and the youngest business man here in the Philippines ay tumanggap ng isang parangal sa Singapore sa pinakabatang successful sa negosyo in Asia. Mr. Devon Lorenzo Yan --"
Napatingin ako ng mag-flash ang mukha ng nakangiting lalaki sa telebisyon, bumalik din ang tingin ko kay Solemn na ngayon ay nakahawak na ang isang kamay sa ulo niya. Magulo na din ang kulot niyang buhok na parang kanina pa niya ininda sa sakit sa ulo.
"Renzo! Renzo! ugh," napangko ako sa kinatatayuan ko.
Ako ba ang tinatawag niya?
BINABASA MO ANG
Wild Chase - BOOK 2 ✔
RomanceIto po ang Book 2 ng Wild Beat. Wag basahin ito habang hindi pa nababa ang BOOK 1. Check my profile to see book 1. [COMPLETED AND EDITING]