Chapter forty-one

10.1K 175 3
                                    

.

DEVON's POV

[Before the confession...]

Napatayo ako sa swiwel chair na inuupuan ko ngayon. Narinig ko ang isang katok at sigurado akong ang sekretarya ko lang ang naglalakas ng loob na gambalain ako ngayon. Nag-init ang ulo ko simula kanina, nang manggaling ako sa meeting na kasama pala si Serena.

"Sir, nandito na po ang coffee na pinapahanda ko sa inyo and here is your schedule until 7 in the evening.." Madami pa itong sinabi pero hindi ko na naintindihan ang sinabi niya dahil paulit-paulit pa ring tumatakbo sa isipan ko ang pinag-usapan namin ni Serena kanina. Inaamin kong nasaktan ako sa mga nasabi niya na parang tinusok ang ang puso ko ng isang libong beses pero alam kong hindi ko siya masisisi kung kamuhiyan man niya ako ng ganoon katindi. 

"You can leave, cancel all my appointments today and reschedule all of it for another day." Mabilis kong utos at agad naman itong tumango sa sinabi ko. 

Bumuntong hininga ako at napahilamos ko ang kamay sa mukha ko. I'm so frustrated and depressed. Hindi ko matanggap na ganito ang nangyayari sa akin ngayon pero alam kong kasalanan ko din naman ang lahat. Kung di lang ako nagpakagago sa simula edi sana mahal pa rin ako ni Serena ngayon.

Napatayo ako sa kinauupuan ko at humurap sa salamin. Napatingin ako sa buong siyudad ng Makati na kitang-kita ang naglalaking mga buildings sa paligid. Dati kapag wala ako sa mood o kung mainit ang ulo ko ay tumitigin lang ako sa labas ay gumagaan na ang pakiramdam ko kaya nga lahat ng opisina ko sa dito sa Pilipinas at ibang bansa ay magkakahawig ang ayos. Sinisigurado kong nasa pinakatop floor ang opisina ko.

Pero ngayon ay hindi man lang gumaan ang pakiramdam ko, paulit-ulit pa rin tumatakbo ang pinag-usapan namin ni Serena sa utak ko na parang sirang plaka. Nag-iinit ang ulo ko at sobrang bad trip ko ngayon dahil hindi ko alam ang gagawin kung paano maibalik ang pagmamahal ni Serena sa akin. Gusto kong higpitan ang pagkakahawak ko sa kanya pero kahit anong hawak ko  ay unti-unti na siyang kumakawala sa akin.

Pero hindi ako makakapayag sa makawala uli si Serena sa akin, hindi ko hahayaang mawala uli si Serena. I don't want to sound gay but Serena is my life now. For me, she is everything. Mawala na ang lahat basta wag lang siya, I'm contented just to have her by my side.

Sa araw araw na ginawa ng Diyos ay nararamdaman kong mas lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa araw-araw na nakikita ko siya ay mas gumaganda siya sa paningin ko. At sa araw-araw na iyon ay nakikita ko ang pagbabago niya. Hindi na siya mahiyain katulad ng dati kundi malaki na ang kompeyansa sa sarili na nagustuhan ko naman.

Ngunit kasabay ng nararamdaman kong ito ang takot dahil sa nakikita kong kaya na niyang tumayong mag-isa, kaya niyang wala ako sa tabi niya. Pero bakit nga ba niya ako kakailangan kung puro lang sakit ang binigay ko sa kanya? Bakit gugugustuhin pa niyang bumuo kami ng pamilya kasama ako? 

The fear of losing her was eating me up. The fear that Serena might run away again without me noticing it. Takot ang nananaig sa akin ngayon. Hindi na ko alam ang gagawin ko para lang mapakita ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Kahit na nagpractice na ako paulit-ulit sa utak ko ng sasabihin ay nawawala at naiiba ang lahat pagkaharap ko si Serena.

Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat na kailangan niyang malaman simula't sapol. Gusto ko sabihin sa kanya ang nararamdaman ko dahil pakiramdam ko ay sasabog na ako ngunit hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung paano ko siya mapapaniwala sa lahat.

Napabuntong hininga ako uli at nakakailang buntong hininga na ako. Napatingin ako sa cellphone na nagvibrate sa bulsa ng slacks ko. Sinagot ko ang tawag kahit wala akong ganang sagutin iyon pero dahil importante wala na akong nagawa.

Wild Chase - BOOK 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon