Chapter thirty-four

9.9K 193 1
                                    



POV- Serena

"Thanks for inviting me here Rezzy. Namiss talaga kita," sabay ngiti sa kanya ng pagkatamis-tamis. Nakakamiss talaga ang babaeng ito, kompara kasi sa aming dalawa siya ang malambing habang ako hindi masyadong malambing o showey sa nararamdaman ko.

"Aww namiss rin kita bestfriend. Akala ko talaga wala kang planong makipagbonding sa akin kasi di mo man lang ako natext no'ng last time." Nakasimangot siyang nakatingin  sa akin habang ako ay ngumiti na lang kasi guilty ako sa nagawa ko. Nakalimutan ko talagang ma-update si Reezy dahil puro si Renzo lang parating lamang utak ko.

Stop thinking about that guys Serena.

Napailing na lang ako habang kinakastigo ang sarili. That guy keeps popping out of my mind and it freaks the hell out of me. Minsan iritang irita ako na parang gusto ko siyang bigyan ng kahit isang bigwas. Minsan naman nadadala ako sa mga arte niya, isa sa mga arte niya ang pagluluto ng breakfast ko. Aba consistent ang kolokoy.

Tapos kanina hindi ko alam kung ano ang nasingkot sa daan ng magjogging ang mokong. Aba binigyan ako ng flowers, isang bouquet ng red rosses. Well, every breakfast naman ay parating may nakatabi na roses doon. Ni hindi ko nga alam kung saan niya kinukuha ang pa-isa isang rosas na binibigay niya sa akin e wala naman kaming tanim na rosas.

Urgh, I dont want to think about him again. Ano ba Serena, di ka ba nagsasawa sa kakaisip sa lalaking iyon? You hate him right?

You hate him? Oh come on Serena. The more you hate the more you love. Kaya you love him.

Sulsol naman ng isang parte ng utak ko. Teka saan ko nakuha ang mga naiisip ko? Urgh, bwisit na sarili ito. Masasabi kong napaka easy to get ko kasi pati sarili ko ay pinagkakanulo ako.

"Hey S, are you listening?" Tanong ni Rezzy sa akin kaya naman napatunganga ako sa kanya. Napatikhim ako at umupo ng maayos.

"I'm sorry, may naisip lang ako bigla but his-- its not that important." Emphasizing the word 'its' at malamang sa malamang ay nababasa na ni Rezzy ang utak ko. Nakatingin lang siya sa akin at tumango-tango.

"Whats with that?" Sabi ko naman sa kanya at ngumiti lang si Rezzy sa akin habang napailing. Napatunganga lang ako muli sa kanya, may alam ba siya na hindi ko alam?

"Nothing, hindi ka pa rin nagbabago. You still think of him too much. Maawa ka naman doon sa tao, ilang oras na dyan tumatakbo sa utak mo." Hindi ko muna naintindihan ang sinabi niya hanggang sa nagsink in na sa utak ko ang ibig niyang sabihin. Napasama ako ng tingin kay Rezzy habang siya naman ay nakabungisngis ng tawa..

"Matagal lang tayong di nagkita nagkaroon ka na ng sayad Rezzy. Sabihin mo nga dadalhin na ba kita sa mental?" 

"Aba matagal nga tayong di nagkita S dahil ngayon denial queen ka na. Dati proud na proud kang isipin si Devon ngayon naman nagdedeny ka na. Aba matindi." Natawa siya kaya naman natawa na lang din ako lalo na sa sinabi niyang huli. 

"So lets stop talking about me. What about you Rez? Kamusta ka na? And kumusta kayo ng fianćee mo?" Pilit kong tinapalan ang mukha ko ng isang ngiti para hindi mahalata ni Rezzy ang tinatago ko tungkol sa amin ni Nate.

"Me? Same old, ganoon pa din ako. Si Rezzy pa din, medyo busy because of photoshoots in and out of the country. I really enjoy being a model. Nararamdaman ko ang freedom. And your last question." Medyo tumahimik ito at nababasa ko sa mukha niya ang lungkot ngunit agad namang napalitan iyon ng isang ngiti sa mukha.

"Me and Nate are doing good. Yeah, we are doing good. Maybe we are doing good? I don't know what to feel S, I just can't figure him out. Ang hirap niyang basahin, kung nagkakagusto na ba siya sa akin. Sometimes his smiling tapos biglang nagiging seryoso at minsan poker face pa mukha niya. Minsan pinapatawa niya ako tapos minsan di niya ako pinapansin. I don't know if I irritate him or what." Napabuntong hininga si Rezzy habang nakatingin lang ako rito. Ah I knew my friend is falling for Nate.

"You love him, don't you?" Nagtanong pa ako e obvious naman sa mukha niya. Napansin ko ang pagiging kulay kamatis ng mukha ni Rezzy kaya natawa ako ng malakas. Its the first time nakita ko siyang ganyan.

"Why are you laughing? Grabe ka Serena parang hindi ka katulad ko dati." Natatampo niyang sabi sa akin. Yeah, I was like her before. Mas malala pa nga dyan, kung alam mo lang Rezzy.

"Wag na pong ipaalala ang katangahan dati." Sabat ko naman sa kanya kaya mas sinamaan niya ako ng tingin.

"So your saying na katangahan itong akin ngayon?" Napa-isip ako at kunwaring nag-iisip ng sasabihin.

"Yes?" Agad akong nagpeace sign sa kanya. "Nah, iba naman iyong akin Rez. Ako lang iyong tanga na nagmahal ng todo, umasa ng todo at nahulog ng todo. Iyong masakit pa doon sa pagkahulog ko ay wala man lang sumalo sa akin. Kaya magkaiba tayo dahil sure akong may sasalo sayo." Ngumiti naman ako kay Rezzy na ngayon ay seryoso ng nakatingin sa akin.

"Wait Serena, hanggang ngayon ba hindi pa rin kayo nagkakabati at nagkakaintindihan ni Devon?" Diretsang tanong nito sa akin. Hindi ako sumagot rito at agad naman nito nakuha ang tingin na binigay ko sa kanya.

"You, did you ever listen to his reasons?" Tanong na naman niya sa akin kaya napakunot ang noo ko.

"You did not listen to him. Hay naku Serena, para kayong naglalaro ng patintero ni Devon. Isang walang katapusan na laro kung saan siya ang taya at ikaw naman si ateng ayaw magpahuli. Ikaw din baka magsisi ka." Litanya naman niya sa akin. What does that mean?

"Kung naguguluhan ka ay wag mo ng isipin ang sinabi ko. Anyway lets just enjoy our girl bonding. Lets do shopping!" Napasimangot ako at tamad na tamad tumayo, nasa coffee shop kasi kami ngayon sa loob ng mall. Ah naalala ko pa dati ang malaking pagkadisgusto sa pag-shopping.

Tulad ngayon hindi ko pa rin gusto ang pag-shopping , di pa din kami compatible. Nakakainis naman, kakapagod kasi maglibot ng maglibot buti pa itong si Rezzy, ang sipag maglakad kaya siguro di talaga to tumataba. Anyway I'll just have to endure a bit more, namiss ko rin naman itong babaeng ito.

Naupo kami at nag-order ng food dahil di namin napansin na matagal pala kaming nagshopping na inabot na kami ng gabi. Ang lakas talaga nitong si Rezzy, eh mas payat pa siya sa akin kaya dapat siya ang unang mapagod hindi ako.

"By the way S, sinali kita sa susunod na fashion show ko. Wag ka ng pumalag, nagtatampo ako sayo kasi nakita ko iyong mga pictures niyo ni Nate sa isang sikat na magazines tapos nasa billboard ka pa." Nakalumbaba niyang sabi sa akin.

Shit, I forgot naging model nga pala ako months ago kasama si Nate nakalabas na pala iyon, teka parang last month pa iyon ah. Late naman ata nagreact itong si Rezzy.

"Wag mong sabihin nagseselos ka sa akin kasi nakaphoto shoot ko si Nate?" Tanong ko naman rito. Aba umaariba si Rezzy, inlababo nga.

"Hindi naman tsaka alam ko naman na hindi ka magkakagusto kay Nate kasi nga patay na patay ka kay Devon mo." 

Hay Rez kung alam mo lang ang ginawa ng fianćee mo. Sabi ko sa utak ko na lamang, hindi ko pa talaga kayang ivoice baka kasi magalit itong si Rezzy sa akin.

"Nagtatampo ako kasi pumayag ka sa kanya tapos sa akin hindi, eh once lang kita nakasama sa isang fashion show." Nagpapawa pa talaga ang mukha nito. Ang gandang babae talaga.

"Fine." Simpleng sagot ko.

"Yey, ayan ha walang bawian niyan. Nasabi mo na." Nakangiti siya sabi sa akin.

"Saan ba iyang fashion show na iyan? Malamang naman dito lang iyan sa pilipinas?" Nakatingin lang ako kay rezzy na hindi makasagot.

"Don't tell me.--"

"It will be held in Singapore." Ngiting-ngiti niyang sabi sa akin. Nasamid ako bigla sa sinabi niya. Naman itong babaneg ito, seryoso ba siya?

"Whaaaat?" Iyan lang ang nasabi ko rito.

"What? You said yes kaya wala ng bawian tsaka ang lapit lang ng singapore. Ikang oras lang iyong biyahe papunta doon. Its not like sobrang malalayo ka kay Devon if iyan inaalala mo. Pwede mo namang ayain siya sumama." Nakangiti pa nitong sagot sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

"Kelan ba iyan?" Tanong ko uli kay Rezzy.

"Next two days." Sabay sip sa mango shake nito. Kampanting kampati pa nitong sabi sa kain. Agad-agad?

"Kelan alis natin?"

"Bukas." Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Napahawak ako sa noo ko. Magkakamigraine ata ako.

Wild Chase - BOOK 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon