A|N: Sobrang tamad ako ngayon. Grabe.
POV - SERENA
Tikom bibig akong kumain ng hapunan namin. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat, gusto kong tanungin sa kanya na purong kasinulangan lang ba ang pagkatao ko na ginawa niya.
Napatingin ako sa kanya at laking gulat ko na nakatingin din pala siya sa akin.
"Anong iniisip mo?" Tanong nito habang nakatingin sa akin ng diretso.
Napatigil ako sa pagsubo at binaba ang kubyertos sa pinggan ko. Ngumiti ako na parang normal lang ang, ngumingiti ako dahil ayokong maghinala ito.
"Wala naman." Tumingin ako sa ibang direksyon at nakita ko ang pitsel na wala ng laman na tubig kaya minabuti kong tumayo at kumuha sa ref.
"Ilang araw na kitang napapansing malalim ang iniisip... Solemn may naaalala ka na ba?" Nakatalikod ako habang sinasabi mo ito, gusto kong tumawa ng pagak.
Kung may naaalala na ako ngayon hindi na sana ako nahihirapan ng ganito.
"Bakit mo naitanong?" Humarap na ako rito at inilapag ang pitsel sa harapan nito.
"Wala lang naman. Isang mabuting bagay kung may naaalala ka na." Ngumiti lang ulit ako ngunit gusto kong tanungin sayo kung maganda nga bang bagay kung makakaalala ulit ako.
Tumayo na ito at inilagay sa bulsa nito ang ilang susi at cellphone. Tinulungan na ako nitong magligpit ng pinagkainan namin at maglinis ng mesa.
"Kaya ko na ito, sige na maligo ka na muna at maghuhugas muna ako ng pinagkainan natin." Sabi ko rito.
"Sigurado ka ba?" Sabi pa nito.
"Oo naman, iilan lang ito. Sige na." Pinagtulakan ko pa ito oara lang masunod ang plano ko. Kailangan kong makuha ang susing nasa iyo. Alam kong may tinatago ka sa drawer na iyon Renzo.
Pumasok ka na sa kwarto at mabilis kong niligpit ang pinagkainan at pumasok sa kwarto. Naririnig ko ang pagaspas ng tubig sa banyo kaya minabuti kong kinuha ang ilang susi at naghalughog sa drawer na parati nitong nilolock sa tuwing umaalis ito.
Ayaw kong magmukhang may ninanawkaw rito kaya lang wala akong magagawa dahil kung gusto kong malaman ang totoo ay kailangan kong gumawa ng paraan. Ilang araw na din akong paselretong naghahalughog sa buong condo at ang drawer na lang na ito ang hindi ko pa nagagalaw.
Ilang araw na din ang nakalipas ng makita ko ang lalaking iyon at nalaman ang tungkol kay Serena Xhen Yan.
Parang naestatwa ako ng mapansin ko ang isang folder na may nakalagay na Serena Xhen Yan. Mabilis ko itong kinuha at pinasadahan ng basa. Hindi ko alam kung gaano kabilis kong binasa ang lahat-lahat ng dokyumento, ang alam ko lamang ay nagsinungaling siya sa akin.
Pakiramdam ko binuhusan ako ng napakalamig na tubig sa mga nabasa ko. Isang tanong lang ang tumatakbo sa utak ko ngayon, isang salitang tanong. Bakit?
Itinaas ko ang isang necklace na roasas ang pendant at pansin na pansin ang pagiging diamond nito at katabi ito ng isang singsing. Hindi ko alam ngunit bumilis ang tibok ng puso ko ng hinawakan ko ang singsing na ito. Napatingin ako sa loob ng sising at binasa ang nakasulat roon.
Serena and Devon
Napasinghap ako habang pumasok na ng malinaw sa akin ang lahat. Totoo nga, totoo ngang simuka ng imulat ko ang mga mata kong ito ay nabubuhay na ako sa kasinungalingan.
Kinuha ko ang necklace at inilagay sa bulsa ko. Madalian kong sinara ang drawer dahil alam kong papaabas na ito ng banyo. Inayos ko ang lahat at nahiga sa kama. Mabilis kong sinara ang mga mata ko ng marinig ko ang mga yapag nito at ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagdambol ng kama.
BINABASA MO ANG
Wild Chase - BOOK 2 ✔
RomanceIto po ang Book 2 ng Wild Beat. Wag basahin ito habang hindi pa nababa ang BOOK 1. Check my profile to see book 1. [COMPLETED AND EDITING]