Chapter twenty-five

11.7K 221 3
                                    

SERENA's POV

"Kain na tayo?" napalunok ako at pinilit na ngumiti sa harapan nina Grandma at Devon.

"Why are you here Serena?" mabilis pa sa ala singkong tanong ni Grandama kaya napalunok ulit ako ng wala sa oras.

"Ah.. Eh.. Kakatok na po sana ako kanina tapos eh, " pinutol bigla ni Devon ang pagsasalita ko.

"Kaya mo bang tumayo?" sabi niya sabay tayo at lapit sa akin. Napatingin ako sa mukha niyang makikita ang pag-aalala, ngumiti ako sa kanya.

"Ha? Ah oo naman kaya kong tumayo," binalanse ko ang kamay ko sa sahig at doon ko lang naramdamn ang pangingirot ng paa ko. Napatingin ako bigla kay Devon na binabantayan ang galaw ko.

"Hindi mo ba kaya?" tanong ulit nito habang pinipilit kong hindi rumihistro sa mukha ko ang sakit dahil sa naiipit ko ang sumasakit kong paa ngayon.

"Huh? Hindi! kaya ko talaga Devon. Sandali lang, teka wag mo akong buhatin!" napatingin ako sa kanya at hindi man lang mahahagilap sa mukha niya ang hirap sa pagbuhat sa akin. Ramdam ko ang ingat niya habang buhat buhat ako.

"Wag kang makulit. Clearly, you twisted your ankle when your eavesdropping," napasimangot ako habang nakatingin sa mukha niya. Well, at least hindi niya gaanong pinalabas na chismosa ako.

"Grandma, I'm sorry hindi ka namin masasabayan sa breakfast," sabi niya.

"Pero ok lang naman talaga ako tsaka---" naputol na naman ang sasabihin ko dahil sa nagsalita si Grandma.

"You haven't changed Serena, thats a good thing. Sige na Devon, kumain na ako kanina kaya kayo na lang ang kumain mamaya," pagkasabi na pagkasabi nito ay tinalikuran na kami nito at umalis na din kami ni Devon. Hindi nakalampas sa akin ang pagngiti ni Grandma kahit papatalikod na ito.

"Ikaw pa lang ang una kong nakitang nakangiti na nasasaktan," bigla akong napatingin sa kanya na nakatingin pala sa akin ngayon. Napalinga-linga ako at tinignan kung malayo pa ba ang pupuntahan namin.

"Teka saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Sa kwarto.," simpleng sagot naman niya.

"Sa kwarto? Bakit doon? Pwede naman sa baba diba? Kaninong kwarto? Sayo o sa akin?" sunod-sunod kong tanong.

"Ours," maikli niyang sagot sa napakahaba at marami kong tanong. Oo iyan lang ang sinagot niya, galing diba? Kumunot ang noo ko at napa-tsk ako.

Pero teka? Ours daw?

"Ours? Atin?" nakaakyat na kami at papasok na nga kami sa kwarto. Hindi na niya sinagot ang tanong ko. Binuksan niya ang pintuan gamit ang isa niyang kamay at hindi ako makapaniwala kung paano niiya iyon ginawa.

"Anong gagawin mo?" bigla kong naitabon ang mga kamay ko sa dibdib ko. Binaba niya kasi ako sa kama niyang ubod ng laki na mas malaki pa sa kama ko.

Lumuhod siya sa harapan ko, itinaas niya ang paa ko at tinanggal niya ang sandals na suot-suot ko. Napakislot ako ng hawakan niya ang masakit na parte sa paa ko. Maingat niyang binaba ang paa ko sa kama at tumayo na.

Napatingin na lang ako sa kanya habang naglalakad siya sa kung saan-saang parte ng kwarto at may pinagkukuhang mga bagay, may bitbit na siyang medicine kit. Lumapit ulit siya sa akin at nilagay ang buong atensyon sa paa kong nasaktan.

Buong ingat niyang nilagyan ng ointment ang paa ko at bandage. Napatingin ako sa mukha niya, kahit na mukha siyang suplado at talagang napakamisteryo ang dating niya ay may ganito rin pala siyang side. Kanina nakita ko ang pag-alala sa mukha niya.

"Mabuti naman at ako na mismo ang tinititigan mo," bigla niyang sabi habang naglalagay pa din ito ng bandage sa paa ko. Nakangiting nakatingin siya sa akin habang ako ay pulang -pula na ata ang mukha dahil sa pagkapahiya.

"Akala ko pa naman nasa paa ko ang buong atensyon mo," sabi ko.

"Nasa sayo nga," mabilis naman niyang sagot na nagpatameme sa akin. "Next time be careful, kung matatapilok ka siguraduhin mong parating nasa tabi mo ako para hindi iba ang magbubuhat sayo," tumayo siya at niligpit ang mga gamit, muli siyang bumalik sa tabi ko. Napatingin ako sa side table at napansin ko ang isang picture frame.

Kinuha ko ang picture frame at tinitigan iyon ng mabuti. Nakangiti ang mukha ko doon at nakatitig kay Devon habang nakaikot ang dalawa kong kamay sa leeg niya. Nakatitig din naman si Devon sa akin sa picture habang nakahawak sa bewang ko at hapit na hapit rito.

"Gift to us by someone. Taken in the wedding venue," sabi niya.

Hindi ko mailayo ang titig ko sa naturang litrato. Hindi ko alam ngunit hindi ko kayang ilayo ang paningin ko roon na parang may gustong iparating sa akin. Bakit ang bigat ng pakiramdam ko habang nakatitig sa litrato na ito? Na parang ang bigat sa pakiramdam.

Naramdaman ko na lang ang patulo ng luha ko sa picture frame. Luhang hindi ko mapigilan maglandas sa aking pisngi. Mabilis kong binitawan ang litrato.

"Hey, why are you crying?" pinahiran niya ang mga luhang nasa pisngi ko. Napatingin ako sa kanya at napangiti ng malungkot. Nararamdaman ko ang lungkot na hindi ko alam kung saan nanggagaling.

"H-hindi ko alam," napapikit ako ng maramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko. Sa pagpikit ko ay parang may natatanaw akong ilang pangyayari na nandoon ako.

"Humiga ka muna," inihiga niya ako ng maayos at kinumutan. Huminga ako ng malalim habang nararamdaman pa rin ang kirot sa ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko habang nakapikit ang mga mata.

"Urgh," ginalaw-galaw ko ang ulo ko. Mga memoryang bumabalik sa akin ng napakabilis, ngunit hindi ko silang makitang lahat. Mga memoryang hindi buo.

"Uminom ka muna nitong gamot at tubig," dahan-dahan niya akong pinainom ng gamot at tubig. "Kukuha lang ako ng pagkain para makakain ka na," hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Devon.

"Urgh.. Renzo.. Renzo," my voice cracked, memories keep flashing in my head. Nakikita ko ang nakaraan ko, alam kong hindi iyon lahat. Sobrang bilis ng mga pangyayari na nagkakahalo ang mga ito. Memories of me and Devon or should I say Renzo.

Grandma's POV

"Sigurado ka ba Devon Lorenzo sa sinasabi mo?" Akala siguro ng mga kabataan ngayon na mabilis nilang naloloko ang mga matatanda. Kahit na ako'y may edad na ay bata pa rin ang aking isip.

"I promise it will work out this time Grandma not because of the empire but because of this." Sabay turo nito sa puso nito. Napatingin ako sa mukha nitong nakikita ang pagiging seryoso sa bawat kataga na sinabi nito.

It was quite a shock how vocal he is now compared when he was young. Certainly this is the doing of my granddaughter. Well na kay Serena na ang lahat, ano pa ba ang hahanapin ni Devon?

"Nagkakaroon ka pa rin ba ng masasamang panaginip?" This bad dreams that kept haunting him maybe until now. Noong bata pa si Devon, para itong isang batang robot na gumagalaw lamang sa kung ano dapat ang gawin. He was living like a prince but acts like a robot.

Marami itong masamang karanasan noong bata pa ito, iyong mga panahong hindi pa namin ito nakakasama. And maybe no one noticed except me that Devon who was still a kid changed because he was with Serena. I knew right there and then she was her light.

"Minsan Grandma, dati noong parati ko siyang nakakasama ay hindi na bumabalik paulit-ulit kong panaginip. And again it's like a nightmare that I can't escape no matter what." Sabi nito.

"Wondering why your nightmare was back when she was gone?" Sabi ko. It was a mistake when he let Serena go. Or maybe it was the right thing to do? Dahil ngayon alam na niya ang sarili niyang nararamdaman.

"The explanation is simple, Serena is your strength. Without her your weak and your weaknesses show up." Yes, maybe it is still unclear to him. Soon, things will be in their places because fate has its own way.

At ngayon nakatingin ako sa kanila, Devon holding the hand of the sleeping Serena while lying in their bed. Napangiti ako habang nakatingin sa kanila. Unti-unti akong naglakad palayo bago mapansin ang presensya ko.

How good is it to be young again. Sweet and young love.

Wild Chase - BOOK 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon