POV- NATENapangiti na lang ako habang tinititigan ang natutulog na mukha ni Solemn. Nakatulog na kasi ito sa dibdib ko, kanina lang sobrang lakas ng loob na manood daw kami ng horror movie sabi pa niya hindi daw takot tapos ngayon hindi pa lang nangangalahati ang movie eh taob na ito at nakatulog sa kakayakap sa akin.
Hindi ko alam kung napapansin nito na parati itong nakayakap sa akin kanina pag may naka katakot na scene sa movie. Pinatay ko kasi ang ilaw para mas intense ang pinapanood namin.
Napa-iling na lang ako habang napapangiti sa babaeng ito. Pinasan ko na siya sa mga braso ko, princess style. Pumasok na kami sa kwarto at unti-unti siyang inayos sa pagkakahiga. Napaupo ako sa kama habang nakatitig pa din sa mukha nito, may ilang hibla ng buhok nitong nakatabing sa mukha kaya minabuti kong inipit iyon sa tenga nito.
Mas lalo na palang humaba ang buhok nito ngayon, sayang nga at pinapautol namin noong isang araw. Nasa bandang bewang pa din naman ang buhok nitong brownish ang kulay. Hinawakan ko ang makinis niyang pisngi, himbing na himbing talaga ang tulog nito ngayon. Siguro napagod din ito sa paglilipit kanina ng mga gamit para sa pag-alis namin bukas.
Aalisin ko na sana ang kamay ko at tatayo ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Renzo."
Akala ko nagising ito ngunit tulog pala, napatingin ako sa kamay kong hawak-hawak niya pa rin ngunit unti-unting ng nawawalan ng kapit.
"I'm hoping that its not just my name your calling but me." Lumapit ako rito at hinalikan ang noo nito. "I'm hoping you'll tightly hold my hand and never let me go." Napatingin ako sa kamay kong nabitawan na niya. Kinuyom ko ang mga kamay ko.
"I'll never let you go." Lalo pa ngayon sinabing mong mahal mo ako. I've been thinking all week long about what she said to me last week. I was dumb founded and I was too speechless in her revelation. I know she's a straight forward person but I didn't expect to hear from her. And lastly I didn't expect that she would fall for a guy like me.
"Ano ang ibig sabihin ng I love you?" Napatingin ako bigla rito. At saan naman kaya nito narining ang mga salitang ito?
"Ibig sabihin niyon ay mahal kita." Parang nabigla pa ito sa narinig na sagot ko sa tinatanong nito. Bigla itong tumango-tango at ngumiti. Binalik na nito ang tingin sa magandang view ng Brooklyn bridge.
Bakit niya ba naitanong sa akin ang tungkol dito? Binalik ko na din ang tingin sa bridge.
"Renzo." Lumingon ako rito ng bigla niya akong halikan sa aking labi. "Salamat" She tiptoe and whispered something on my ear.
"I love you" nakatingin lang ako sa kanya at naestatwa na ako sa pagkakatayo. Ano daw? Tama ba ang narinig ko?
I remembered her face on the next day, Pout na pout iyong bibig niya sa tuwing nakatingin siya sa mukha ko. Hindi kasi maalis-alis iyong ngiti ko sa mukha. Hindi ko rin alam bakit basta masaya lang ako ng araw na iyon.
Tumayo na ako at nagpunta sa isang drawer at kinuha ang ilang dokyumento tungkol kay Solemn na ang totoo palang pangalan ay Serena Yan at kinuha ko ang maliit na notebook, rose necklace at wedding ring na nakita ko noong nasa ospital pa lang siya dati. Nagpunta ako sa salas at naupo.
I scanned the documents about Solemn's or should I say Serena's personal life again. Sa tuwing babalikan ko ang pagbabasa ng dokyumento niya, mas lalong nananaig sa sarili ko ang wag sabihin sa kanya ang totoo. Napatingin ako sa ilang pictures niya kasama ang isang lalaki, its the guy named Devon Lorenzo Yan.
![](https://img.wattpad.com/cover/15238097-288-k396419.jpg)
BINABASA MO ANG
Wild Chase - BOOK 2 ✔
RomantikIto po ang Book 2 ng Wild Beat. Wag basahin ito habang hindi pa nababa ang BOOK 1. Check my profile to see book 1. [COMPLETED AND EDITING]