Chapter twenty-four

11.3K 203 10
                                    


SERENA's POV

Lumunok ako habang unti-unting bumababa ang tingin. Pinilit kong hindi mapalis ang ngiting nasa mukha ko ngayon habang kaharap si Grandma na titadtad ako ng titig mula ulo hanggang paa.

"Serena," tawag niya sa akin habang naka-cross arms si Grandma. Ito ang unang sinabi niya mula sa ilang minuto nitong pagtitig sa akin na akala ko wala ng katapusan kasi pakiramdam ko ay ginigisa ako sa isang manit na apoy sa tulis ng mga tingin ni Grandma.

"Po?" mahina kong sagot sa kanya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko na hindi naman ako natatakot kay Grandma, siguro mukha lang siyang nakakatakot ngunit may iba akong magandang pakiramdam tuwing tumitingin kay Grandma. Sa ilang minutong magkaharap kami ay ramdam ko na ang isang mainit na pakiramdam.

"Fix yourself first and we will talk," pagkasabi na pagkasabi niya ay agad niya akong tinalikuran at naglakad palayo. Napatingin ako sa suot-suot kong tsinelas pataas sa suot kong pag-ibabang pajama at ang kapares ng pajama ko na may cute na bear design. Napahawak ako sa noo ko, bumaba nga pala ako ng hindi man lang nakapag-ayos ng sarili.

"Relax, hindi nangangain ng tao si Grandma," nakapout ang mukha ko habang hawak-hawak naman ni Devon ang magkabila kong pisngi. Kumunot ang noo ko habang natawa naman si Devon.

Hindi ko naiisip na ganito si Devon, medyo gumaan na din ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya sa akin.

"Tsk. Pansin na pansin kong paborito ka ni Grandma, tignan mo ikaw pa ang unang pinansin sa ating dalawa," hindi na siya nagsalita at pinitik lang ng mahina ang noo ko.

Naglakad na din siya palayo habang nakasunod ang masama  kong tingin sa malapad niyang likuran. Hay ang hirap magalit sa gwapong mukha ng lalaking iyon. Titig lang ng konti ay nawawala na ako sa huwesyo, paano pa pag matagalang titigan? Wala, siguro nakabulagta na ako habang dilat ang mga mata.

Napatingin ako sa tiyan ko, malakas na tumunog. Gutom na talaga ata ako kaso kailangan ko pang mag-ayos kasi baka masita na naman ako.

Mabilis akong pumanhik at nagpunta sa aking kwarto upang maligo at mag-ayos ng sarili. Ilang sandali lang ay tapos na akong maligo at naghanda ng maisusuot na maganda. Napili ko ay isang simpleng flower dress at sa pang-ibaba naman ay cute na flat sandals. Napatingin ako sa salamin at sinuklayan ang kulot kong buhok.

Napatingin ako sa mukha ko at nag-pout ako ng aking labi. Siguro kailangan ko ng kaunting pulbo sa mukha at konting lipstick. Mabilis kong hinalungkat ang bag ko upang hanapin iyong polbo na nakita ko noong unang araw. Narinig ko ang pagkahulog ng kung anong bagay kaya napatingin ako sa ibaba.

Pinulot ko ang nahulog na kwentas, isang rosas ang desinyo at gawa ito sa dyamante. Tinitigan ko ang magandang kwentas na ito at sinuot sa aking leeg. Alam kong akin ito dahil sa nakita ko ito sa mga bagay ko dati na tinago ni Renzo.

"Si Renzo," kumusta na kaya siya? Napatigil ako at iniling-iling ang ulo. Hindi, hindi ko siya dapat isipin ngayon. Hindi ko siya dapat isipin pa.

Sinuot ko na ang kwentas sa aking leeg at ngumiti habang nakatingin sa salamin. Dumiretso na akong bumaba at hinanap sina Grandma at Devon.

"Magandang araw Manang, alam niyo po ba kung nasaan sila?" tanong ko kay Manang ng mapadaan ako sa kusina at naamoy ang masarap na niluluto nito at ng ilang kasama sa mansyon.

"Naku Maam, nandoon pa po sila nag-uusap sa paboritong kwarto ni Madam," sagot naman ng matanda habang tinitignan ang mga niluluto ng mga ito.

"Naku, Serena na lang po ang itawag niyo sa akin. May maitutulong pa po ba ako?" tanong ko naman rito habang nakatingin sa ginagawa ng mga ito.

"Naku Maam wag na po at tsaka patapos na po kami," sagot ni Manang at ngumiti sa akin. Hindi pa rin nito binabago ang tawag sa akin. 

"Maam baka po madumihan pa kayo eh ang ganda-ganda niyo pa naman po. Hindi po kayo bagay rito," sabi naman ng isang kasambahay na tumutulong rin sa pagluluto.

"Naku nambola pa," sabi ko sa mga ito at ngumiti. Totoo bang maganda ako ngayon? 

"Manang sabi niyo po eh papatapos na kayo diba? Tatawagin ko na lang po sila," sumagot naman ang matamda at pinasamahan ako kung nasaan sila Devon at Grandma siguro kung mag-isa lang ako ay mawawala talaga ako.

"Naku naabala pa kita ?"

"Marie po, Maam," sagot naman nito sa akin habang nahihiya pang tumingin sa akin.

"Naku Marie, ate na langa ng itawag mo sa akin at wag na iyang Maam-Maam na iyan," ngumiti ako sa kanya. Naglalakad pa kami ngunit hindi ko mapigilang matanong ito.

"Marie ilang taon ka na dito nagtratrabaho?" Simulang tanong ko rito.

"Limang taon na po Maa--- ate pala," pinanlakihan ko kasi siya ng mata kaya mabilis nitong binago ang tawag sa akin na kinangiti ko naman.

"Ah nakikita mo na pala ako dati pa rito?" tumango ito at hindi na nagsalita pa ngunit maya-maya ay may dinanagdag itong sinabi sa akin. "Sa totoo lang po ay hindi po kayo ganyan dati manamit. Naku ang ibig sabihin ko po ay dati na po kayong maganda ngunit ngayon ay mas gumanda kayo."

"Talaga? Hindi ko napansin," tumawa ako at umarte na alam ko ang sinasabi niya. Paano ba ako manamit dati?

"Naku Maam este ate dati po talaga eh hindi ko mapigilang kiligin sa hinanda ni Sir noong kaarawan mo pati din po si Manang Lourdes eh kinilig din po." Ramdam na randam ko din ang kilig nito dahil sabay sa salitang kilig eh ginagalaw din nito ang katawan nito kaya hindi ko mapigilang matawa.

"Talaga? Naghanda siya? I mean tinulungan niyo siya? Paano?" Hindi ko talaga pigilang tanuningin ng tanungin si Marie lalo na at napapa-iisip ako kung ano ang ginawa Devon para sa akin dati.

"Naku po, si Sir hindi niya sinabi sa amin dati na kaarawan mo pala at inuutusan lamang kami na ilagay ang ilang mga bagay sa iba't-ibang lugar. Isa doon ang mga sticky notes na 20 pieces at 19 rosés. Nakita namin kung paano ka niya haranahin ng araw na iyon ate. Nakakakilig at ang gwapo pa ni Sir." Sabi nito na kilig na kilig talaga, maya-maya ay tumikhim ng mapansin nitong nakatingin ako, nahiya ata.

"Naku Marie, ok lang kiligin. Sino ba naman ang hindi kikiligin kay Devon?" tumango-tango pa ito at ngingiti-ngiti. Lahat talaga ay kikiligin kay Devon kahit matanda. Ang gwapo ba naman tapos napakakisig pa.

Tumigil kami sa paglalakad at sinabi sa akin ni Marie na ito na raw nag kwarto kung saan nag-uusap si Grandma at Devon. Nagpaalam na so Marie at iniwan na ako.

Kakatok na sana ako sa pintun ng mapansin kong nakabukas na pala ito ng kaunti. May naririnig akong boses at nagmamay-ari ng mga ito ay si Grandma at si Devon.

"Sigurado ka ba Devon Lorenzo sa sinasabi mo?" seryosong turan ni Grandma.

"I promise it will work out this time Grandma not because of the empire but because of this." si Devon.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong makinig sa usapan nila at hindi na ako naka-katok sa pintuan. Tungkol sa ano kaya ang pinag-uusapan nila?

"Nagkakaroon ka pa rin ba ng masasamang panaginip?" si Grandma.

Masamang panaginip? Si Devon? Medyo matagal sumagot si Devon ngunit narinig ko na naman ang sagot nito.

"Minsan Grandma, dati noong parati ko siyang nakakasama ay hindi na bumabalik paulit-ulit kong panaginip. And again it's like a nightmare that I can't escape no matter what."

"Did you even wonder why your nightmare was back when she was gone?" 

Hindi ko narinig na sumagot si Devon pero maya-maya lang ay narinig ko ulit magsalita si Grandma. Napahawak ako sa tuhod kong nangangatog na dahil pinipilit ko rin kasi tignan sila.

"The explanation is simple, Serena is your strength. Without her, your weak and your weaknesses show up."

Serena? Ako daw ba? Bobo malamang ako siguro naman wala ng ibang Serena pa.

Naramdaman ko nalang ang pagkatumba ko. Dahil sa katangahan ko ay natulak ko kaya naka-upo ako sa sahig habang natingin silang dalawa sa akin.Patay kang bata ka.

"Kain na tayo?"

Wild Chase - BOOK 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon