Chapter 10

3.8K 104 17
                                    

Third Person's POV

Kinaumagahan

Sabado ngayon at napagdesisyunan nilang mag bar mamaya kasama sila Dana at Mark sapagkat aalis na daw sila bukas.

"Dad told me that we would sleep in one room." sabi ni Chelsea sa pito nitong kaibigan.

Gulat ang lahat sa kanilang narinig. Sapagkat, sino nga naman ang hindi? Kung ipagsasama ang apat na babae at apat na lalaki sa isang kwarto? Mukhang nag pro-process pa sa utak ng mga ito ang sinabi ni Chelsea kaya di agad sila naka react pero makalipas ang ilang segundo...

"WHAT?" sabay na sigaw ng anim pagkatapos maregister sa utak nila ang kanilang narinig. Kung kaya't napatakip ng tainga si Chelsea at Ivan. Tahimik lang na nakikinig si Ivan kay Chelsea kaya napatakip din ito nang sumigaw bigla ang mga kaibigan.

At dahil sinigaw nila yun bigla ay bigla na lamang sumulpot ang magkasintahang Dana at Mark

"Anong nangyari?" sabay na tanong ng magkasintahan

"Wala." sabay naman na sagot nung sumigaw.

Kung kaya't napa facepalm nalamang ang magkasintahan.

"Wala lang pala sisigaw pa. Tsk." sabi ng magkasintahan at umalis na roon

Pagkaalis ni Dana at Mark ay nagreklamo na sila kaagad

"Pero Chelsea! Bakit?" tanong ni Alliah

"Pwede naman na sa isang house lang eh." sabi naman ni Lerah

"Bakit pati sa room?" tanging tanong ni Monique

"Baka pwede mo pakiusapan si King?" sabi ng mga lalaki

"He said that they are having a hard time training us if we sleep in different rooms. Also, nothing will happen if you let something happen. Be mature enough to think. Use your brains. We will just sleep and talk. Psh. If you won't agree on it, I'll be the one training you. Ask the girls how is my training to help you make your choices." pag explain ng dalaga sabay alis

Napasmirk naman si Ivan dahil sa sinabi nito samantalang ang anim na natitira ay nanlaki ang mata at namula dahil nakuha ni Chelsea ang ibigsabihin ng reaction nila. 

"Pumayag na lang tayo." sabi ng mga babae.

"Bakit? Gaano ba kahirap ang training niya?" tanong ng mga lalaki.

"Kasi, kung mahuhuli or magiging last ka sa mga pinapagawa niya, sisirain niya ang pinaka precious na bagay sayo sa harapan mo mismo. Lahat kami naranasan yun. Sinira niya ang notebook ni Alliah na may pangalan ng 'Flings' niya. Sinira niya ang stuff toy ni Lerah at sinira rin niya ang laptop ko na mahalaga sakin." sabi ni Monique kung kaya't nanlaki ang mata ni JM, JR at Ken.

"She can do anything. Lalo na nag english siya kanina. Seryoso siya." sabi ni Lerah

"Kaya pumayag nalang kayo. Please." pagmamakaawa ni Alliah

"Sige payag na kami." sabi ng mga lalaki

Nagulat sila dahil may nagsalita bigla

"Good. Looks like you've already agreed on the decision. Now, pack your things. If you're wondering kung kanina pa ako dito, well yes." sabi nalamang ng dalaga na walang iba kundi si Chelsea.

Kaya inayos na nila ang kanilang gamit. Hanggang sa mag gabi na at oras na para sila ay pumunta ng bar.

"Chelsea." tawag ng kanyang mga kaibigan.

The Gangster's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon