Chapter 11

4K 106 6
                                    

Chelsea's POV

Papasok kami ngayon sa school. Sinong kami? Kaming walo, miyembro ng Deadly Princesses at Deathly Prince's Gang. Hindi ko nga alam bakit sumabay samin 'tong mga lalaki. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao.

"Bagay sila oh."

"Sila na kaya?"

"PERFECT COUPLES"

Mga bulungan ng iba. Pero mukhang hindi na nga bulungan. Rinig na rinig namin eh.

"May new students daw" sabi ko sakanila habang naglalakad kami. Paano ko nalaman? Simple lang. Anak ako ng may-ari eh

"Hindi sila new students. Sila ang dating nag rereyna reynahan dito" sagot ni Ivan

Tumango nalang ako . Habang naglalakad kami. May humarang samin. Apat sila at puro babae. 

Hmmmm. Sila yata yung new yet old students?

"Nawala lang kami may dumating bigla?" sabi nung parang leader nila. Sa pag asta niya para siya talaga leader eh.

"People come people go" sagot ko

"Tapang mo rin eh noh" sabi nung isa

"Paki mo ba?" sagot ni AJ

"Marami na talagang malandi ngayon" sabi nung isa pa.

"Isa ka na dun." sabi ni LJ

"Aba't sumasagot ka pa ha." sabi nung ikaapat na babae

"Syempre kawawa naman kayo kung di namin kayo papansinin. Mapapahiya lang kayo." sabi ni MJ. Napatawa naman ang mga kasama ko samantalang namula yung apat na babae. Hindi dahil sa kilig kundi dahil sa inis. Sasampalin na nga sana nung babaeng pinakahuling nagsalitasi MJ pero nahawakan ko ang kamay niya.

"Wag na wag mo siyang sasaktan. Ako nga na kaibigan niya hindi ko pa nasasaktan tapos ikaw na bruha ka sasaktan mo lang?" Cold na sabi ko

Namutla naman siya. Binitawan ko na kamay niya. Lalakad na sana kami pero nagsalita siya.

"Nagbago ka na talaga Chels" sabi nung parang leader.

Kilala ko siya at kilala niya ako. Bakit? Simple lang. Kababata ko siya.

"I know. You too,

Ate " sabi ko sabay alis. I call her ate but she's not my real sister. Kalaro ko lang siya dati and she's older than me.

*FLASHBACK* 

Andito ako ngayon sa park. Umiiyak. Hindi ko matanggap na wala na si Ate. Tapos may lumapit na babae sakin. Tingin ko mas matanda siya sakin. Mas matangkad siya eh..

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya

"Namatay ate ko." simpleng sagot ko in between my sobs. 

"Wag kana umiyak. Gusto mo ako maging ate mo?" tanong niya

Ewan ko pero napatango ako. Panatag ang loob ko sakanya. Simula nun araw araw na kaming naglalaro. Hanggang sa...

"Aalis ako Chelsea. Magbago ka ha. Wag ka ng iiyak pa." sabi niya

"Bye ate. Ma mimiss po kita." sabi ko while crying.

The Gangster's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon