Chapter 16

2.7K 73 4
                                    

Ivan's POV

Pagkatapos namin mabasa yung note ay dali dali akong lumabas ng bahay, I mean kami pala. Pinaharurot ko ang motor ko kung saan siya pwedeng pumunta. At yun ay sa GT dahil dito pwede pumatay. Sana Joyjoy, ma control mo pa ang sarili mo.. Sana. Nakita ko naman sa mirror na nakasunod sila sakin. So, sa GT nga talaga siya. Pagdating namin dun...

Nagulat kami..

lahat ng tao nakahandusay sa sahig 

At nakita namin si Chelsea. Nakatayo at itim na itim ang aura niya. Tanga nalang ang babangga pa sakanya..

"Joy" tawag ko sakanya. Lumingon siya sakin. Ang kaninang galit niyang mata, napalitan ng lungkot, sakit at inis .

"WAAAAAAAAH" sabi niya at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik

"I lost control" sabi niya sa malungkot na tono. But, hanga ako sakanya. Nihindi ko pa siya nakitang lumuluha.

"Dalhin ang mga yan sa hospital!" sabi ni Alliah. Agad naman nilang dinala ang mga iyon.

"He's going to pay. I'll kill him. I'll freaking kill him!" sabi ni Chelsea at ramdam na ramdam mo yung galit, sakit at lungkot sakanya. Mahal na mahal kita Chels. Bakit ba ang manhid mo? 

"Tara na" sabi ko. Umalis na kami sa lugar na yun.

Ken's POV

Fastforward ---

After a month. Oo. Isang buwan pagkatapos nung nangyari and Chelsea? She's colder. Colder I tell you.. She's cold as ice.. And well.. Nalaman ko rin sa sarili ko na..

mahal ko si Monique. Papunta na kami ngayon sa school at bumalik na rin sa bahay si Chelsea.

*FLASHBACK* 

Biglang may nag ring ng doorbell.

"Buksan niyo pinto" utos ni Ivan

"Buksan mo raw" sabi ni JM

"Buksan niyo raw" sabi ni JR

"Buksan niyo" sabi ko

"Oh buksan mo nga" sabi ni Monique

"Buksan niyo na kasi" sabi ni Lerah

"Buksan niyo nalang" sabi ni Alliah

"ANO BA? BUBUKSAN NIYO TO O PAPASABUGIN KO TONG BAHAY?" nagulat naman kami sa sumigaw. Si Chelsea! Kaya agad agad naman kaming tumakbo sa gate at binuksan yun

"Kailangan ko pa pala sumigaw. Tch" sabi niya at umakyat na sa kwarto niya

*END OF FLASHBACK* 

Si Ivan lang nakaka pag pangiti at tawa sakanya.

"Uy!" tawag sakin ni Ivan. Grabe rin ang pagbabago kay Ivan. Papasalamatan ko pa pala si Chelsea dahil doon. Kung dati tango at iling lang siya ngayon ang hahaba ng salita na sinasabi niya. 

"Oh?" sabi ko

"Diba si Monique yun" sabi niya sabay turo kay Monique

Tapos nakita ko siya. Sana di nalang ako lumingon. Sana di nalang sinabi ni Ivan. Sana di ko nalang siya nakita. Sana di ko siya nakita na may kasamang iba. Ang sakit. Sobra. Gayshit leche.

"Uy. Selos" asar ni JM

"Malay mo Kapatid" sabi ni JR

"Wala siyang kapatid" sabi ko. Bigla naman silang nagulat. Maski ako nagulat. Naging cold ang boses ko.

"Tara na" sabi ko sakanila. Tumango naman sila.

"Hi Ken" -bati sakin ni Monique ng nakangiti. Tch.

"Siya pala si Red" sabi niya sabay pakilala dun sa lalaki. Mas gwapo naman ako. Nakipag kamay sakin yung lalaki pero malamig na tiningnan ko lang kamay niya.

"Tch" sabi ko nalang at pumasok na ng room.

Monique's POV 

O-kay. Ang weird ni Ken. Hmmm.

"Uyy. Alis na ako" sabi ni Red. Ah. Meet Jared John Padilla . Pinsan ko yan. 

"Miss mo lang si Ate Kath eh" asar ko.

[Well. Sino sila? Read their story ---> Blame It On The Rain (Kathniel) by Ryza_07 or simply click the external link.]

"Bye cous" sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. Tiningnan ko naman si Ken at naka kunot ang noo niya. Problema kaya nun? Nagsimula na ang klase pero di pa rin ako pinapansin ni Ken. Aahhh. Alam mo yung feeling na hindi ka pinapansin ng taong mahal mo? 

Fastforward ---

 "Class dismissed" sabi ni Teacher. Grabe di parin ako pinapansin ni Ken.

"Mag-usap kayo" malamig na sambit ni Chelsea saming dalawa. Did I mention na kaming walo nalang ang natira dito?

"Ano bang problema mo?" tanong ko sakanya

"IKAW" sigaw niya

"A-ako? B-bakit? A-ano bang ginawa ko?" tanong ko sakanya.

"ANG MANHID MO" sigaw niya ulit. Ako manhid? Ano bang ginawa ko? Tiyaka bakit ba siya sumisigaw?

"Hindi kita maintindihan.. Bakit ka ba nagkakaganyan?" tanong ko

"NAGSESELOS AKO MONIQUE. TAENA. PARA AKONG TANGA NA NAGSESELOS" sigaw niya ulit. Pero teka.. A-ano raw? N-nagseselos siya? Kanino? Bakit?

"Nagseselos ako dun sa Red. May pahalik halik pa. Bwisit naman Monique. Bakit ang manhid mo? Bakit hindi mo maintindihan na nagseselos ako. Nagseselos ako sakanya. Leche nagseselos ako kasi mahal kita.. Mahal na mahal kita Monique!" sabi niya. Ano? Mahal niya ako? Totoo ba to? Mahal ako ng taong mahal ko?

"S-sorry. Akala ko ka------" di niya ako pinatapos kasi nagsalita siya kaagad

"Okay lang. Tanggap ko na mas mahal mo siya" sabi niya

"Huh? Di pwede yun" sabi ko

"Bakit?" tanong niya. Yan kasi! Di ako pinapatapos mag salita. Tch

"Kasi pinsan ko siya" sabi niya

"P-pinsan?" sabi niya. Tumango ako. Lumapit ako sakanya at niyakap siya sabay..

"I love you too" sabi ko at hinalikan siya sa lips. Bigla namang pumalakpak si Chelsea.

"Oh tapos na kayo? Kayo naba? Oh tara na" sabi ni Chelsea. Napatawa naman kami. Alam naman naming joke yun. Kahit na nag-iba siya. Siya parin yan. Alam ko. Siya pa rin ang Chelsea na kilala naming lahat.

Kian's POV

Masiyado yata kayong nagpapakasaya? Maghintay lang kayo kasi malapit na. Malapit na malapit na ang aking pagbabalik. Magsisisi kayo. Magsisisi kayo sa ginawa niyong pagpatay sa tatay ko.

---------------

The Gangster's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon