Chapter 3
-----
"Ano ba 'to mommy? Bakit hindi ko 'to alam?! Ipapakasal n'yo ako? Bakit? Buhay pa naman kayong dalawa, ah!" Nangigigil na sigaw ko. Bakit hindi ako magagalit? This was way out of my control! Tsaka bakit ako ipapakasal? Buhay pa ang mga magulang ko! Ang pinsan kong si Winter ang unang biktima ng arranged marriage. Nangyari 'yon dahil sa pagkamatay ng mommy n'ya.
Nasa loob na kami ng bahay, me still in my cocktail dress and all. Pagkatapos kong mag hulk mode sa stage ay agad kumilos ang mga tauhan nina mommy at daddy katulong na 'yung mga body guards ng mga pinsan ko sa pagpapa-alis sa mga bisita. Humingi muna sila ng tawad sa mga ito bago pinutol ang event.
After all the chaos ay sa wakas, nagtipon tipon na kami rito sa sala ng mansyon. Gigil pa rin ako, sa totoo lang.
"Don't talk to your mother like that!" Sigaw ni daddy. "Demi, huminahon ka. Nakakahiya sa mga bisita." Daddy said as he gestured towards the Samaniego family.
Bukod kasi kina Quinn at kuya Iñigo ay kasama rin namin ngayon ang pamilya ng lalaking binabalak nilang ipakasal sa akin. Sina Mr. And Mrs. Samaniego pati 'yung anak nilang munggago. S'ya 'yung driver na kasama nong designer na sinigaw-sigawan ako. Tapos may isa pang lalaki na ngayon ko lang nakita. Matangkad tapos may dimple. May suot s'yang salamin pero 'yung frame lang. Wala 'yung pinakasalamin talaga. Muntanga.
"Paano ako hihinahon, daddy? Buhay ko ang pinag-usapan dito! Bu-ha-y ko!" Sigaw ko ulit. Padabog akong naupo sa sofa. Hindi naman ako nasaktan dahil malambot ang sofa namin at makapal ang malambot ko ring dress.
"Ay ang OA mo na anak." Sabi ulit ni daddy. Hindi ko talaga sya matantsa madalas. Kanina sumisigaw at pinagalitan ako ngayon naman joke time sya. Si Quinn talaga yata ang anak nya eh.
"Dad! I don't want to marry him!" May diin kong sabi. "I'm a person of myself! I'm free. Ayakong nakatali ako sa kung sino! I value my freedom more than I value my life!" Sabi ko ulit. I'm trying to get my point across. Ayako talaga makasal! Ang bata ko pa! Ang dami ko pang gusto gawin sa buhay ko!
"That's the main reason why you should be engaged, young lady." Napalingon ako sa taong kakapasok lang sa bahay. She was late.
"Grandma." I spat. Naiinis ako hindi kay lola kundi sa kasama nya. Nia was holding on her arm. Bakit nandito yan? "The garbage can's not here. Bakit nyo pa ipinasok yang basurang dala ninyo?" I said to grandma.
"Hello too, Demi." Sabi ni lola bago sya lumakad papalapit sa amin. She sat down on the single seater at the head of the sala. Si Nia naman ay umupo sa tabi ni daddy. Napapagitnaan nilang dalawa ang mommy ko. Sa kabilang sofa naman yung mga Samaniego pati yung lalaking may dimple. Sa magkabilang side ko naman nakaupo ang kanina pa tahimik na sina Quinn at kuya Iñigo. Sila lang malakas ang loob na tumabi sakin.
"Ma, try to make Demi understand our decision. You know how hard headed she is." My mom said. Napairap ako. I crossed my arms over my chest. Sumandal din ako sa sandalan ng sofa at isiniksik ang sarili ko dito. Baka kapag nakita nilang ayako talaga ay wag na nilang ipilit.
"Apo, try to understand. Yes, you're free. Kaya sumasama lalo ang ugali mo dahil masyadong naging maluwag ang mga magulang mo sa pagpapalaki sayo. We thought that maybe, Timothy here can make you... calmer." Sabi ni lola. Napataas ang kilay ko. "Ang balak talaga naming ipakasal ay itong si Nia. But she said, maybe you need to be wed first." Napanganga ako dahil sa sinabi ni lola at napatayo.
BINABASA MO ANG
EZH #2: Timothy Samaniego [COMPLETED]
Teen FictionHe is Timothy Samaniego. A man of few words. "Papatayin ka muna bago ka hahayaang magpaliwanag." Ideal man ng mga babaeng mahilig sa bad boy. But Demi didn't want a bad boy. She wants freedom. She was the Montellado clan's black sheep. No one can pi...