Chapter 15
-----
Pagkahinto ng kotse ni Jareth sa tapat ng matayog na building ng Empire Zero ay agad kong binuksan ang pinto ng kotse. Kamuntik ko pang tamaan iyong unipormadong lalaking taga bukas ng pinto.
"Demi! Wait!" Rinig kong pagtawag sa akin ni Jareth na humahabol sa likod ko. Hindi ko sya pinansin at taas noo akong naglakad papasok.
Ang ibang mga empleyadong nakakasalubong ko ay napapasunod ng tingin sa akin na may bakas ng pagtataka sa mga muka nila. I am aware that I am a new face to them. Ito naman kasi ang unang beses na napadad ako dito.
Kung sa building siguro ng mga Montellado ako nagpunta ay hindi ganito. Siguro papasok pa lang kotseng sinasakyan ko sa driveway ay nakahilera na agad sa may pinto ang mga empleyadong handang bumati. Iba dito dahil doon, kami naman talaga ang may ari ng company. Eh dito hindi. Technically, anak lang ang pitong puto ng mga may-ari talaga. But that fact won't scare me. Wala akong pakialam kung ang daddy talaga ni T ang pinaka boss at hindi sya. Ginusto ito ng daddy nya. Alam naman ni T at ng pamilya nya ang ugali ko.
Imbis na sa reception dumiretso ay sa mga elevators ang punta ko. May nakaharang na parang gate na bubukas lang kapag nag-swipe ka ng ID. Wala akong ID kaya napatigil ako. Paano ako papasok ngayon?
"Ma'am, may appointment po kayo?" Tanong sa akin ng isang lalaking naka-tuxedo. He was dressed lavishly but it was obvious that he's a part of this building's security team. Ang aura niya ay katulad noong mga MIBS sa labas ng condo namin.
Tinaasan ko ng kilay ang guard bago ako sumagot.
"Wala. May reklamo ka?" Mataray kong sagot. Alam kong ang bastos ko na but I just can't help it. I was fuming mad na kahit sino ay hindi na yata kayang palampasin ng galit ko.
Napakamot na lang sa batok nya iyong guard.
"Eh ma'am, hindi po kasi pwedeng umakyat sa taas ang hindi empleyado at hindi imbitadong mga bisita." Sabi na lang nito.
"And so? You think I care? That protocol doesn't apply to me. I'm neither an employee or an uninvited guest. Kung ako sayo, bubuksan ko na tong harang na to para makapasok na ako!" Tili ko. Mukang nataranta naman iyong guard at hindi alam ang gagawin. Napatingin naman sa akin yung mga empleyadong palabas.
Biglang yumuko ang guard at binati sina Jareth at Asher na kakarating lang. Tumayo sila sa magkabilang gilid ko.
"Good evening po sir Jareth, sir Asher."
"Good evening po. Pupunta po kami sa office ni tito Hans." Pagbanggit ni Jareth sa pangalan ng daddy ni T. Agad namang tumango yung guard at ini-swipe ang ID nya sa machine. Pumasok kaming tatlo. May mga lumabas na MIBS mula sa isang pinto at pinalibutan kaming tatlo. Ano ba yan! Sana wag nila kaming sundan hanggang sa taas! Ang daming pipigil sa akin kapag nagkataon!
May isa pang lalaki ang namamadaling lumapit sa amin. Gaya ng iba ay bumati din sya sa mga kasama ko.
"Good evening po sir Jareth. What brings you here? Nakauwi na po ang daddy nyo." Magalang nitong sabi.
"It's okay. Sa office ni tito Hans naman kami pupunta. Nandyan pa ba si kuya T?" Tanong ni Jareth.
"Nandyan pa po sya sir. Wala pa pong notice na naka-alis na si sir Timothy." Sabi nito.
BINABASA MO ANG
EZH #2: Timothy Samaniego [COMPLETED]
Teen FictionHe is Timothy Samaniego. A man of few words. "Papatayin ka muna bago ka hahayaang magpaliwanag." Ideal man ng mga babaeng mahilig sa bad boy. But Demi didn't want a bad boy. She wants freedom. She was the Montellado clan's black sheep. No one can pi...