Chapter 19

11.5K 319 64
                                    

Chapter 19

-----

I couldn't actually count how many times Devon, my devil of a cousin, have told me that one day, I will be all out for a positive kill. Parati nyang sinasabi na sa lahat ng pinsan nya, ako ang pinaka dapat iwasan kuhanin ng kidnappers dahil mas malaki pa ang pinsalang magagawa ko sa kanila kesa sa magagawa nila sa akin. He said I was capable of murder. That I could probably kill without even blinking.

I've had always laughed at those numerous statements of his. Ako? Kayang pumatay? I don't think so.

Well, not until this day.

Saying that I was shocked to see Nia on my school was an understatement. I badly want to injure her the moment I laid my eyes on her but I didn't. Kasama ko kasi kanina sina Miggy, Ivana, Asher at Jareth. Hindi sila pwedeng madamay dito. Kapag gumawa ako ng gulo, damay na rin sila Ivana, Miggy at ang pitong puto. I don't want that. I don't want people to think lowly of them. Iba pa naman ang mga studyante dito. Mga may utak. Ako lang rin ang mapapahiya kapag nagwala ako dito kaya imbis na saktan ko si Nia ay tinalikuran ko lang sya kanina at tahimik na naupo sa pwesto ko. Akala ko kaya kong palampasin ang presensya nya maghapon but nagkamali ako, obviously. The moment na nakita kong mag-isa si Nia ay hindi ko na napigilan ang sarili kong lapitan sya at pwersahing sumama sa akin sa likod ng isang building kung saan wala masyadong tao.

"Why the fuck were you here?" I asked Nia with gritted teeth. Hindi ako nakuntento sa phone call namin ni daddy kanina dahil wala naman kaming matinong napag-usapan. Galit na galit ako kaya wala akong ibang naintindihan. Basta ang alam ko lang ay sinigawan ko ng sinigawan si daddy.

"Isn't obvious? Dito na ako mag-aaral." She answered like she wasn't aware of the storm brewing inside of me. This bitch. I want to pull her head off.

"At sa lahat pa talaga ng school na pwede mong lipatan, dito pa. Nang-aasar ka ba talaga?" Nanggigigil kong sabi. Nia just smirked. She knows I'm not gonna hurt her here. Alam ng babaeng ito na pinaghirapan kong magpakabait sa school na to. Malinis ang imahe ko dito and I wouldn't change that just because this bitch here decided to show up. Wag nya lang talaga akong sasagarin. I can barely control myself now.

"Why not? Lola saw how your attitude improved, cousin. For the past three months ay walang report na nakarating sa kanya tungkol sayo. Sabi pa nga nya, baka daw graduate ka na sa paggawa ng school violations. She even thought na baka pwedeng wag ka nang ipakasal kay Timothy dahil nagbago ka naman na. Besides, wala nang problema ang kompanya nyo. The Saavedra's lend their help already. Now, your company was strong as ever. You were now the official second richest Montellado." Nia finished what she was saying with her annoying smirk.

Alam kong nangako ako sa sarili ko na hindi na ako gagawa ng bagay na makakapagpadumi sa pangalan ko sa paaralang ito. I have grown to acknowledge na hindi na lang pangalan ko ang dala ko dito. I have to keep my cool. Tinalikuran ko na si Nia at naglakad na ako paalis. Nakaka limang hakbang pa lang ako palayo sa kanya ay nagsalita na sya ulit.

"Don't worry cousin, hindi ko naman aagawin si Timothy sayo." Nagpanting ang tenga ko dahil sa sinabi nya. Napalingon ako ulit sa kanya at sinigirado kong makikita nya ang galit sa muka ko. "I have my own fiancé by the name of Asher Ruiz now. Bakit ko pa kukuhanin ang sayo?"

EZH #2: Timothy Samaniego [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon