Chapter 40
-----
Timothy Samaniego
20 years old
2nd year college
Empire University"Hyung! Why is your school like this? Why're the hallways not air-conditioned? It was so hot in here."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Kakatapos lang ng pangalawang klase ko sa umaga. Kumunot ang noo ko nang makita ko sina Asher at Jareth na kasama si kuya Kal. Suot pa ng dalawang ungas ang uniform ng international high school na pinapasukan nila.
"Kasi bugok," Singit ni Caspian sa usapan na bigla na lang sumulpot. "Hindi naman pang mayaman itong school namin."
"Yeah. Mama told me this was a normal college. They don't care about the privileged here." Sabi naman ni Jareth habang manghang inililibot ang paningin n'ya sa paligid.
"You know kids, if the two of you want to fit in here, bawas bawasan n'yo ang pagi-ingles n'yo. Sa klase ka lang dapat ganyan kung hindi ay mahahalata nilang iba ka." Saway ni kuya Kal. Napabuntong hininga na lang ako at lumapit sa kanila.
"Sa lakas ng boses n'yo mag-usap rinig ko kayo hanggang doon sa dulo nitong hallway." I said before I tilted my head on the side. "Tsk. So much for wanting to blend in and not show the golden spoons in your mouths."
"Don't worry, hyung. I'll get used to it, evenually." Sabi ni Asher. He wiggled his eyebrows.
"Well both of you better start now." Sabi pa ni Caspian bago n'ya binatukan 'yung dalawa. "We told you to come here in your casual clothes and not in your fucking school uniforms."
"Bakit ba nandito 'yang dalawang 'yan?" Nababagot ko nang tanong.
"Di ka ba nakinig sa akin kagabi? Ngayon na sila mage-enroll." Kunot noong sabi sa akin ni kuya. "I swear to all the things beautiful Timothy, you better start listening to the things I say or you'll regret it in the future."
I just scoffed at him. Kuya and his curses. Noong isang araw ay isinumpa ako n'yan na balang araw ay mata-trap ako sa arranged marriage.
As if papayag ako.
Sumama ako sa kanila na i-enroll 'yung dalawa. They decided to take the same program. Nakapila ako sa cashier para bayaran ang tuition nila nang may bumunggo sa akin mula sa likuran. Taas kilay kong nilingon ang salarin.
"I'm sorry po!" Sabi ng isang babae. She was wearing EU's senior high division's uniform. Kung ganoon ay galing lang 'to sa kabilang bakod. Tinalikuran ko na lang ulit sila. "Migs! Ba't mo ba kasi ako itinulak?!"
"Akala ko ba gusto mong mahawakan 'yung likod ni kuya?" Tanong ng tinukoy ng babae sa likod ko na Migs. Nagulat ako sa pangbabaeng boses nito. Nilingon ko sila ulit.
Dalawang babae ang nasa likod ko. Nakatalikod sa akin 'yung bumangga sa likod ko habang nakaharap naman sa akin 'yung tinukoy n'yang Migs.
This Migs' eyes, they were familiar. Halos araw araw kong nakikita ang ganyang klaseng mga mata. Emotionless. Cold. Blank.
BINABASA MO ANG
EZH #2: Timothy Samaniego [COMPLETED]
Teen FictionHe is Timothy Samaniego. A man of few words. "Papatayin ka muna bago ka hahayaang magpaliwanag." Ideal man ng mga babaeng mahilig sa bad boy. But Demi didn't want a bad boy. She wants freedom. She was the Montellado clan's black sheep. No one can pi...