Chapter 20

12.8K 400 65
                                    

Chapter 20

-----

"Bakit ka nagcutting?"

Napa-angat ang tingin ko kay T. We were now cuddling on his bed, a movie was playing on his t.v. Pagkatapos namin magswimming ay nakatulog kaming dalawa. Kakagising lang namin kaninang six. We decided to watch a movie. Kung kailan nauwing nakayakap na sa akin si T habang nakasandal ako sa dibdib nya ay hindi ko na napansin.

"Basta." Iwas na sagot ko sa tanong nya. Sa hindi ko alam na dahilan ay may kung ano sa akin na ayaw nang malaman ni T ang ginawa ko kay Nia. Napabuntong hininga naman si T sa likod ko.

"Come on, Demi. You can tell me." Bahagya akong iniharap ni T sa kanya. Sapat lang para makita namin ang muka ng isa't isa.

"Ano ba kasing gusto mong malaman?" Tanong ko.

"Yung nangyari kanina. Bakit ka nagcutting. Bakit kasama mo na naman ang lalaking yon." T said flatly. Hindi ko alam kung galit ba sya o ano dahil wala namang emosyon akong mahanap sa boses nya.

"Were you jelous?" Nakangising tanong ko sa kanya.

"Kailan ba hindi?" Diretsong sagot nya. "Alam mo namang may ibang lalake lang na tumingin sayo naiinis na ako. Ikaw lang talaga tong matigas ang ulo."

"Cute naman magselos!" Tili ko bago ko kinurot ang pisngi nya. "Pero wala namang tayo ah?"

"Walang tayo dahil ayaw mo pa rin tanggapin na akin ka. Ikaw lang naman ang problema in denial ka kasi." Umingos si T. "Nagseselos ka kapag may ibang babae na lumalapit sakin. Territorial na tayo sa isa't isa. Ayaw mo lang tanggapin. You're falling for me kulot."

Napasimangot ako dahil sa sinabi ni T.

"Ang lakas mo ako asarin ikaw rin naman. Selos ka ng selos ni hindi mo pa nga inaamin na hulog ka na sakin." Napangisi si T dahil sa sinabi ko.

"Alam mo na yon." Ngisi nya sa akin bago sya kumindat. Oo, alam ko na yon.

Sa bokabularyo ni T, ang katumbas ng katagang 'alam mo na yon' ay 'mahal kita hindi ko lang maamin'. Napairap ako. Itong pagiging hindi verbal ni T ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko sa kanya. Ayaw na lang kasi sabihin kung mahal na ako. Puro lang halik. Puro yakap. Puro selos. Akala siguro manghuhula ako. Pasalamat sya dahil feelingera ako kaya nage-gets ko sya kahit hindi nya sabihin. Mahirap nga lang dahil hindi ko makumpirma ang tamang lugar ko sa buhay nya.

"I knew what you did to your cousin, Demi. Nakapagsumbong na sya sa lola mo at nasabi na rin sa akin."

Mula sa posisyon kong nakahiga sa bisig ni T ay napatayo ako dahil sa gulat. Alam nya na? Parang may kung anong mabigat na dumagan sa dibdib ko dahil don.

"Alam mo na? Papagalitan mo rin siguro ako." Naiiyak kong sabi. Hindi ko alam basta naiisip ko pa lang na disappointed sa akin si T at pagagalitan nya ako ay sobra na akong naiiyak. Okay lang na mag-away kami tungkol sa mga walang kwentang bagay pero wag naman yung dismayado sya sa akin.

"Shh, Demi. It's okay." Bahagya na ring bumangon si T para maabot nya ang muka ko. Pinunasan nya ang mga luhang tumakas na pala mula sa mga mata ko nang hindi ko namamalayan.

"Kaya kita tinatanong ay para alam ko ang side mo. I won't get mad at you for stuff like that. Kakampihan kita sa lahat ng oras." Para akong bata na kinakausap ni T. Kinukumbinsi para tumahan. "Sayo ako maniniwala. Ikaw ang fiancée ko, remember?"

Umiiyak na napatango ako dahil sa sinabi ni T. First time. First time ito na may kumampi sa akin maliban sa mga magulang ko. All my life, my mom and dad had always been by my side pero yun na yon. Walang ibang tao ang kumampi sa akin. Lahat sila ay doon kampi sa mga 'inaway' ko daw. Pati si lola ay ganon din. They can't see what my parents sees in me. Ang tingin nilang lahat sa akin ay masama ako. Mapanakit. Hindi muna nag-iisip bago kumilos. Kaya walang pwedeng sumisi sa akin kung bakit ganito na lang ang naging reaksyon ko dahil sa sinabi ni T. Sya pa lang talaga yung ramdam ko na kampi talaga sa akin. Napatunayan ko na yon noong inaway ko yung sekretarya nya. Sa version ko ng kwento sya naniwala. Sa akin sya kumampi.

EZH #2: Timothy Samaniego [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon