Chapter 36

9.3K 250 57
                                    

Chapter 36

-----

I sighed as I watched Devon walk away. Hindi na talaga siguro ako masasanay na makita s'yang ganon. Vulnerable. Ewan ko ba kasi sa pinsan ko na 'yan bakit ayaw pang ayusin ang buhay n'ya. Ayaw pang kunin kung alin ang sa kanya. Devon's one of the most territorial person I know kaya nagtataka talaga ako paano n'ya nakakaya iyong sitwasyon nila ngayon. Parang pagdating sa bagay na iyon ay bigla s'yang natatakot. Siguradong ayaw n'ya lang na may masabi sa kanya si kuya Kid. Devon chose to protect us all his cousins and the company over his happiness. Because in order for us to be safe, he has to be the ruthless, perfect person that he is now. Kung gusto ni Devon na ipaglaban ang Montellado Group, he ought to be flawless.

Hands up ako sa kanya regarding that matter.

"Demi." Napapitlag ako sa kinatatayuan ko nang may tumawag sa pangalan ko. I cluched my palm on my chest. Nagulat talaga ako considering pang nasa ospital kami at nasa medyo liblib na corridor pa ako. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at halos literal na nagliwanag iyong paligid ko nang makita ko si T.

"T!" Malakas na tili ko na ikinangiwi naman n'ya. I ran towards him. He smirked as he waited for me with his arms open wide. He instantly hugged me after my body collided with his. Sobrang saya ko na kasama ko s'ya ngayon. The little sullen talk with Devon long forgotten. Nakanguso kong tiningala ang asawa ko. "I thought you were busy?"

T chuckled before he playfully ruffled my hair. Imbis na mainis ay nagustuhan ko pa 'yung pakiramdam ng mga daliri n'ya sa buhok ko.

Damn pregnancy hormones.

"I am. But I heard my wife had a tantrum earlier. She cried herself to sleep and I became so damn worried." Sabi ni T habang nakatitig nang diretso sa mga mata ko. "I can't help myself. I have to see her beautiful pregant face first and calm her hormonal ass."

"I'm sorry, T." Naiiyak nang sabi ko. I lowered my head down so he won't see my face. "Sorry kasi inaagawan ko pa nang oras mo 'yung mahalaga mong trabaho."

Kumunot ang kilay ni T at nalilitong sinalubong ang tingin ko. He cupped my cheeks and made me look at him.

"Who the fuck told you that? Ang trabaho ko ang nakiki-agaw ng oras ko na para sayo, not the other way around." Seryosong sabi ni T. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako dahil sa sinabi n'ya eh wala namang nakakaiyak doon. Hinila ko s'ya pababa para makapantay ko ang leeg nya. I burried my face on the crook of his neck. He chuckled at my action. Niyakap nya ako nang mas mahigpit. We just hug each other for a moment, holding each other's waist like our lives depend on it. "I miss you, Kulot."

I sniffled before I answered.

"I miss you, too." Naiiyak na sabi ko. Humiwalay kami ni T sa isa't isa. He gave me a quick peck on my lips before he smiled. Nakayuko pa rin s'ya nang bahagya para magkapantay kami. Natatawang pinahid ni T 'yung mga luha ko.

"Come." Umayos nang tayo si T bago n'ya hinawakan ang kamay ko. He pulled me towards him at sabay kaming naglakad palabas ng ospital.

"Saan tayo pupunta?" I asked him, pagkatapos n'yang ikabit ang seatbelt ko. "Tsaka bakit di mo ko sinabihan na pupunta ka dito?"

Inialis muna ni T sa parking space 'yung kotse bago s'ya sumagot.

"I'll take you out on a date." Tumingin sa akin si T bago ngumiti nang labas 'yung cute n'yang gilagid. "Regarding my surprise appearance here, wala talaga akong sinabihan na pupunta ako. Baka kasi magtulug-tulugan na naman si Asher para makaiwas sa bugbog ko, eh."

EZH #2: Timothy Samaniego [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon