Chapter 26
-----
Athena Miguele Hizon
"I can't believe this is really happening. Para nung isang araw lang ngungawa ka pa sa condo ko dahil inuwi ka ni kamatayan sa unit nila. Tapos eto ka na ngayon, nakasuot na ng wedding gown."
Napa-angat ang tingin ko mula sa librong binabasa ko dahil sa boses ng bagong dating. Hindi ito pamilyar sa akin kaya napatingin talaga ako.
"Shut up, Quinn. Tulungan mo na lang ako dito." Nakairap na sabi ni Demi. Inis yung mga salitang sinabi nya pero kabaligtaran ang tono ng pananalita nya. Umirap din yung babae bago nya nilapitan si Demi at tinulungang ayusin ang gown nya. Sabi nila hindi daw puti yung gown ni Demi pero puti sya para sakin. Tinatamad akong isipin kung ano ba talaga yang kulay ng gown nya.
"Bakit kasi ganito pa yung gown eh. Asan ba bride's maid mo?" Tanong nito.
"Did you even read the invitation? Last time I checked, may pictographic memory ka. Anong nangyari sa utak mo?" Mataray na tanong ni Demi.
"I literally got my dress yesterday. Tapos ay aasahan mo pang nabasa ko ang invitation? Come on, Dems. You know me better than that." Nag-irapan sila bago sabay na natawa at nagyakapan.
Weird.
"Ikaw ang bride's maid ko." Naiiyak na sabi ni Demi.
"Yeah, I know. Hindi mo papalampasin ang kahit anong pagkakataon na alipinin ako." Sabi naman nung babae habang hinihimas ang likod ni Demi. "Wag kang iiyak. You wouldn't want your make up smudged, right?"
Umiling si Demi bago suminghot ng bahagya. Tumayo ako at inabutan ko sya ng tissue. Lumabas ako ng kwarto nya pagkatapos. Hindi ko naman kilala yung babae tsaka mukang kailangan nila ng moment.
"Sino yun?" Narinig ko pang tanong nito bago ko isara ang pinto.
Nandito kaming lahat sa mansyon ng mga Montellado, yung sa pamilya ni Demi. Ang gusto pa nga sana nung lola nila ay doon sa estate something mag-ayos si Demi at ang mga abay sa kasal kaso ay hindi pumayag yung isa nyang pinsan. Baka raw may manamantala na may masamang balak sa mga apong Montellado at pasukin ang estate. I don't know how a rich man's mind works. Ganoon yata talaga ka-OA. Ewan ko. Ganon din si Kal minsan eh, akala mo parating may kikidnap sa kanila. Si Asher naman hindi. Pero ano pa nga bang aasahan ko sa boyfriend ko?
Speaking of boyfriend, ayan na si bugok. Parang hilong manok na naman. Pumasok ako sa kwarto ni Demi na paikot ikot sa paligid tong si Asher, hanggang makalabas ako ganon pa rin.
"Hindi ka pa rin ba tapos dyan?" Taas kilay kong tanong.
"Teka lang babe." Sabi nito. Nakadila pa habang naka-angat ang cellphone sa ere. "Huhulihin ko lang tong si snorlax."
I sighed. Wala nang pag-asa ang isang to. Kung abot ko lang yung cellphone nya kanina ko pa iyan nahalbot. Kaso, wala. Kapre eh. Kainis.
"Okay. Hulihin mo lang yan. Una na ko sa simbahan. Bye." Walang emosyon kong sabi sa kanya. Tinalikuran ko na sya at nagsimula na akong maglakad. Nakakapitong hakbang pa lang ako ay naramdaman ko na ang paglutang ko sa ere. Asher scooped me up and threw me on the couch. Nagbounce ako sa malambot na upuan. Umupo sya sa tabi ko bago nya ako ikinulong sa mga bisig nya.
BINABASA MO ANG
EZH #2: Timothy Samaniego [COMPLETED]
Teen FictionHe is Timothy Samaniego. A man of few words. "Papatayin ka muna bago ka hahayaang magpaliwanag." Ideal man ng mga babaeng mahilig sa bad boy. But Demi didn't want a bad boy. She wants freedom. She was the Montellado clan's black sheep. No one can pi...