PROLOGUE

2K 47 0
                                    

Ally's POV

Papunta na ako sa aming paaralan, as usual ang suot kong damit ay mas malaki pa kaysa sa'kin at hanggang tuhod rin ang aking palda. Ako nga pala si Allyssa Jane Cruz---- ang campus nerd ng Royal Kingdom University. Pinangalanan itong Royal Kingdom University dahil sinasabing ang may-ari nito ay isang royalty o sa mas madaling salita ay ang kanilang pamilya ay mga prinsesa't prinsepe.

Pagkarating ko ay agad nanaman nila akong pinalibutan at tinukso, hay 'di pa ba sila nagsasawa ako kasi sawang-sawa na eh.

"Hoy nerd! Bakit ka pa ba pumapasok dito sa RKU ha? Alam mo bang mga mayayaman lang ang dapat dito?" Nakapasok lang naman po ako ate dahil scholar ako.

Apat na taon na akong nandito ngunit bakit hindi pa nya alam na scholar ako? Ay oo nga pala, nerd eh 'di masyado sikat well, sikat nga lang sa pambubully.

The Nerd Is the PrincessWhere stories live. Discover now