CHAPTER 5

523 26 7
                                    

CHAPTER 5- ANOTHER BATCH OF TRANSFEREES

Ally's POV

Nandito na ako ngayon sa loob ng room, nakaupo sa dulo at nakayuko habang hinihintay si Kyle dumating.

"Alam niyo ba na may bagong nanaman tayong mga classmates!" dinig kong sabi ng iba kong kaklase.

"Wow, ang swerte naman yata ng section natin ngayon" sabi ng isa.

"Oo nga eh sana magaganda at gwapo sila!" kinikilig na saad ng babae

Inihiga ko na lamang ang aking ulo sa desk. Nakasuot ulit ako ng dating kong style ng pananamit, ayaw ko kasing pag-isipan nila ako na ginagamit ko ang pera n Kyle para gumanda, baka magpapaganda na lang ulit ako kapag malapit na ang ball.

"Goodmorning Ally!" tiningnan ko ang bumati sa akin at napag-alaman kong si Kyle ito binati ko na rin siya para makaupo na dahil malapit nang magsimula ang klase.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Goodmorning class! Mayroon tayo bagong mga kaklase, pwede na kayong pumasok" pumasok naman ang tatlong tao-isang babae at dalawang lalaki.

"Hi, I'm Dwayne Fortalejo" sabi ng lalaking mukhang masayahin, mukhang playboy

"I'm Joanne Perez" medyo cold ang pagkakasabi niya

"Prince Gray Forestier" eto talaga eh, super cold ang pagkakasabi niya

Nagtitili naman ang mga babae at lalaki dahil sa kanila ngunit ang mas nakapukaw ng attensyon ko ay dahil sa sinabi ng isa kong kaklase.

"Teka, Forestier? Sila yung pumapangalawa sa royalties ah, sila ang sumunod sa mga Moon" sabi ni Kate

"Oo nga no! OMG may kaklase tayong royalty!" sabi naman ni Ashley

"Class, quiet! Prince Gray maaari nap o kayong pumili ng inyong mauupuan" magalang na sabi ni teacher at dahil nasa tabi ko ang bakanteng upuan, doon na umupo si Prince Gray.

Sari-saring mga reaksyon ang nakuha ko sa mga kaklase ko, eto na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Shut up!" isang nakakapanindig-balahibong boses ang narinig naming na siyang nakapatigil sa ingay. Nagpatuloy na lamang ang klase ngunit 'di ko maalis ang pagkaasiwa dahil nga katabi ko ang isang prinsipe-gwapo, mayaman, matalino, at ginagalang hindi katulad ko na hindi maganda, may kaya lamang, at kadalasang 'di ginagalang. Masyadong malaki ang agwat naming kaya't di siya nararapat na tumabi sa isang katulad ko.

~ R E C E S S T I M E ~

Magkasama kami ni Kyle na kumakain ng binili naming snacks sa canteen, pinag-uusapan namin ngayon kung bakit ako bumalik sa dati kong ayos. Ipinaliwanag ko naman ang aking rason at masaya ako na hindi niya iyon ipinagpilitan pa. Tumambay muna kami sa rooftop at kalaunan ay bumalik na sa classroom.

Uwian na at mag-isa akong naglalakad dahil nauna nang umuwi si Kyle dahil may pupuntahan daw sila ni Ate Tasha. Mabuti na rin at walang humaharang sa dinadaanan ko ngayon at pagbabantaan nanaman ako.

"Excuse me" napatigil naman ako sa paglalakad nang may humarang sa akin. Nakita ko ang walang emosyon na mukha ni Prince Gray at nailing nanaman ako kaya't umatras ako at magpapatuloy na sanang maglakad nang pinigilan niya ako

"I'm sorry if I made you uncomfortable all day, I didn't mean to" pagbibigay niya ng paumanhin nabigla naman ako kaya nag sorry na rin ako sakanya

"S-sorry rin po dahil ganoon ang nararamdaman niyo at tsaka po hindi niyo na kailangang mag sorry" nag bow pa ako at maglalakad na sana nang makita kong nakangisi ng kaunti si Prince Gray

"Please call me Gray, Allyssa Cruz" saka na siya umalis sa aking harapan habang ako, naiwang nakatulala

The Nerd Is the PrincessWhere stories live. Discover now