CHAPTER 4

527 25 0
                                    

CHAPTER 4- PROTECTIVE BEST FRIEND

Ally's POV

Nandito kami ngayon sa mall kasama sina Ate Tasha at Kyle. Halos pinagtitinginan kami ng mga tao dito, nakaka-agaw pansin kasi yung magkapatid eh (-___-  )7

"Tsk, eyes everywhere" rinig kong sabi ni Kyle at inakbayan ako

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko, nagkatinginan naman ang magkapatid na para bang nag-uusap

"Kain muna tayo sa Jollibee" sabi ni Ate Tasha, tumango na lamang ako dahil wala naman akong magagawa tsaka gutom na rin ako

"Punta tayo sa bilihan ng damit" Sabi ni Ate pagkatapos naming kumain. Pumasok kami sa Forever 21. Pinilian ako ni Ate ng mga dress at pinasukat sakin ang kulay green na laced dress. Sunod naman niyang pinasukat sa akin ay isang black and white high waisted dress na ang top ay black habang ang sa ibaba naman ay white with flower prints. Pumasok na ako sa fitting room at unang sinukat yung kulay green na dress, sakto lamang siya sa'kin at hanggang sa taas ng tuhod ko lang siya. Lumabas na ako at tinawag ang atensyon ng magkapatid.

"O-okay lang ba?" kinakabahan kong tanong, ngayon lang kasi ako nakapagsuot ng ganitong klase ng damit.

"Wow! Ang ganda mo dyan Ally, diba Kyle?" namamanghang sambit ni Ate Tasha at kinalabit si Kyle na mukhang natulala

"A-ah oo, ang ganda mo dyan Ally" binigyan ako ni Kyle ng isang ngiti habang namumula

"Okay, we'll take that dress, isukat mo naman yung isa" tinulak na ako ni Ate Tasha pabalik ng fitting room. Hinubad ko na ang green dress at sinuot ang black and white na dress, medyo maikli lang ng kaunti ang isang ito pero di naman ako nagmumukhang malandi.

"Ate Tasha!" sigaw ko dahil may kalayuan siya sa fitting room

"Woah. Mas lalo kang gumanda dyan ah. Kukunin na rin natin ito" bumalik na ako at sinuot yung nauna kong damit. Papunta na kaming cashier dala-dala yung mga pinamili namin. Binilhan na rin ako ni Ate ng konting heels at make-up, tatanggi na sana ako dahil alam kong mahal ang mga tinitinda dito pero nagpumilit pa rin siya kaya wala na akong magawa.

"Ako na ang magdadala niyan" kinuha naman ni Kyle yung mga bitbit ko at nauna nang maglakad.

"Kyle! Paano yung akin?" sigaw naman ni Ate Tasha

"You carry that on your own" sabi naman ni Kyle at tiningnan si Ate na nanlulumo, dami kasing binili eh. Linapitan ko siya at tinulungan ko na sa pagbubuhat.

Hinatid nila ako pauwi at nagulat nga sila Kuya dahil nagbago ang itsura ko, tinanong naman nila si Kyle kung pinrotektahan daw ba niya yung 'little princess' nila ganun, ganyan.

"Bye Kyle, Ate Tasha!" kumaway naman silang dalawa saakin

Naging masaya ang araw na ito, ngunit babalik pa rin ako sa dating kong pananamit at pag-aayos, ipapakita ko na lang sa kanila ang tinatago ko kapag nasa tamang oras na.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Here's the update for April. I'd like to see your reactions about the story and of course in this chapter and for the upcoming ones. Mas gaganahan ako dahil alam kong may nagbabasa nito. Thank you!


The Nerd Is the PrincessWhere stories live. Discover now