CHAPTER 3

573 23 1
                                    


CHAPTER 3- MY BEST FRIEND

Kyle Montero's POV

Dahil sa naging magkaibigan kami ni Ally, nilalayuan na siya ng ibang bully dahil palagi ko siyang ipinagtatanggol pero yung iba talaga hindi pa rin siya tinatantanan kahit na takutin ko sila haist, mabuti nga at wala namang nangyaring malala kay Ally.

"Uy Kyle, tara na?" yaya sa'kin ni Ally. Tapos na kasi ang klase at napagdesisyunan kong yayain siya.

"Sige, pwede ba kitang ipakilala sa ate ko?" tanong ko sa kanya, hehe may surprise kasi ako para sa kanya at siguradong mawawala na talagang tuluyan ang mga bully na yon.

"Ha? May ate ka pala, di mo man lang sinabi" nakanguso niyang sabi napatawa na lang ako at inakbayan siya hanggang sa makapunta kami sa kotse ko.

"Halika na at ipapakilala pa kita" yaya ko at nang makasakay na siya ay pinaharurot ko ito hanggang sa makarating kami sa bahay.

"Ate? Nandito na kami" tawag ko kay Ate Tasha--- Tasha Montero ate ko at isang fashion designer.

"Kyle siya na ba?" kumikinang pa ang mga mata niya hay, sana makayanan ni Ally ang mangyayari sa kanya sa loob ng ilang oras. Lumapit naman si Ate kay Ally na mukhang naguguluhan sa inaakto nito.

"Hi! I'm Tasha Montero, Kyle's big sister" at binigyan niya ng isang ngiti si Ally

"H-hello po, Ally po ang pangalan ko" hay mukhang naguguluhan pa rin siya

"Pwede na ba Kyle?" tumango na lamang ako sa kanya at bigla na lang niya hinila si Ally papuntang second floor


Ally's POV

Bigla na lamang akong hinila ng kapatid ni Kyle papuntang second floor ng kanilang bahay at pumasok sa isang kuwarto, mukhang kay Ate Tasha 'to.  Magkahalong black at pink na may konting shade ng puti ang theme ng bawat sulok ng kwartong ito, maganda siya. Inayos ko ang salaming malapit nang mahulog ng makita kong nakitingin saakin si Ate Tasha. Iminuwestra niya ang upuan na malapit sa isang malaking mesa na may salamin--- mukhang dito nag-aayos at nagpapaganda si Ate. Lumapit ako sa kanya at itinuro niya ang upuan kaya umupo ako. Kitang-kita ko ngayon ang itsura ko.

"Pwede ko bang tanggalin ang salamin mo?" tanong sakin ni ate, tumango na lamang ako

"Maganda ka naman pala kapag walang salamin, ba't ka nga ba nagsasalamin?" ako maganda? 

"Baka namamalikmata ka lang Ate Tasha, tsaka di naman ako maganda" sagot ko sa kanya

"Hay, wala kang self confidence kaya sinasabi mong pangit ka, pero you're in luck papagandahin kita ngayon" napatango na lang ako sa sinabi niya, papagandahin---- wait papagandahin ako!?

"T-teka Ate Tasha anong gagawin mo?" kinakabahan na talaga ako eh

"Ano pa ba? Edi papagandahin kita. Tutal maganda ka naman talaga, aayusin ko na lang ang pananamit mo at yung buhok mo at konting lagay lang ng make-up at tsaraaaan! Maganda ka na!" mahina akong napatawa nang gumawa pa siya ng actions

Pinabayaan ko na lamang si Ate Tasha, tutal mas may alam pa siya kaysa sakin. Pinasuot niya ako ng kahit anong damit na nagpapakita ng maraming 'skin'  


Kyle's POV

Mahigit dalawang oras na akong nakaupo dito sa sofa at hinihintay si Ate sa kung anong ginagawa niya kay Ally. Narinig kong bumukas ang pinto kaya naman tumayo ako at hinintay sila sa hagdan. 

"Okay lang ba?" inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Ally na nakasuot ng itim na dress, naka-bun ang buhok, walang suot na salamin, nakasuot ng black doll shoes, at may kaunting make-up sa kanyang mukha.

"Mukhang na-starstruck sayo si Kyle, Ally hihi" nabalik ako sa katinuan nang marinig ko si Ate Tasha na humagikhik at si Ally na namumula ang mukha.

"Ate naman eh!" maktol ni Allly, napatawa na lamang ako

"Well, maganda ka naman talaga Ally, wala nga lang self confidence" sagot ko at tiningnan siya, mas lalo pa siyang namula

"Waaaaahhhh!!" napatawa na lamang kami ni Ate

________________________________________________________________________________

Author's Note:

Here's chapter three, hope you like it! 

I'm very sorry for the late update, finals is coming and I need to finish my requirements but if I find time, I'll update Ally <3 

The Nerd Is the PrincessWhere stories live. Discover now