CHAPTER 8

539 27 2
                                    

CHAPTER 8- THE PARTY

Ally's POV

Naglilinis ako ngayon sa kwarto nang tawagin ako ni tita.

"Ally,may naghahanap sayo!" Sigaw ni tita Grace

"Sino daw po?!" Sigae ko naman pabalik

"Sabi nila sila daw Yung ipinadala nung Prince Gray daw!" Ah oo nga pala, may mga ipinadala palang mga mag-aayos sakin ang mahal na prinsipe

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko ang dalawang babae na nakaupo sa sala. Linapitan ko naman sila at sinabihan na sa kwarto na lamang ako ayusan.

Lumipas ang ilang oras ay sa wakas tapos na rin nila akong ayusan. Suot-suot ko na rin ang damit na ipinadala ng prinsipe, kulay itim ito na lampas tuhod at sleeveless, simple lang naman ang damit pero kapag naliwanagan ay parang kumikinang siya. Pinasuot rin sa'kin ang 2 inches na black heels.

Sinabihan na lamang ako ng mga nag-ayos sa'kin na may susundo daw sa akin before six at pagkatapos ay umalis na sila habang ako naman ay umupo muna sa sofa at tiningnan ang oras— 5:45 p.m na pala at ilang minuto na lamang ang hihintayin ko.

~ A T  T H E  P A R T Y ~

As expected,maraming tao ang dumalo, malamang nasa palasyo ang venue at royalty pa ang namamahala. Nandito lamang ako sa gilid at hinihintay na dumating or lumabas sa kanyang lungga, naiinip na ako!

Kawawa naman ako, nasa gilid at tsaka nagugutom na ako! Bigla na lamang may kumalabit sa akin na mukhang maid at sinabi na pumasok muna ako sa isang silid habang hinihintay ang prinsipe.

Namangha naman ako sa pinasukan Kong kuwarto– kulay blue ang silid, queen sized bed sa gitna at chandelier, mayroon ring banyo, walk-in closet, at iba pa!

Makalipas ang mahabang minuto ay may kumatok at nakita kong ang prinsipe ito. Binuksan ko ang kwarto at agad na lumabas. Nakita ko naman ang pagkamangha sa suot at mukha ko Kaya naman medyo ako namula.

Nakasuot rin siya ng three piece na sobrang bumagay sa kanyang maayos na buhok at mayroon rin siyang suot na koronang pang-prinsipe.

"Are you ready?" Tanong niya sa'kin, kaya naman at ngumiti ako ng bahagya at tumango

"Okay then" Tapos ay inilahad niya sa'kin ang isang kamay at agad ko naman iyong tinanggap. Pagkatapos ay pinuntahan na namin ang bulwagan at nang nasa harap na kami ng pinto ay huminga ako ng malalim.

The Nerd Is the PrincessWhere stories live. Discover now