CHAPTER 9

826 31 17
                                    

CHAPTER 8- THE PARTY (PART 2)

Ally's POV

"Are you ready?" Tanong niya sa'kin, kaya naman at ngumiti ako ng bahagya at tumango

"Okay then" Tapos ay inilahad niya sa'kin ang isang kamay at agad ko naman iyong tinanggap. Pagkatapos ay pinuntahan na namin ang bulwagan at nang nasa harap na kami ng pinto ay huminga ako ng malalim.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at habang naglalakad kami papasok ay nararamaman ko ang mga kakaibang titig na galing sa ibang taong nasa loob ng bulwagan.

"Ang swerte naman niya!"

"Sino naman kaya siya at ba't kasama niya ang Prinsipe?"

"Hmp! Mas maganda naman ako sa kanya, nadala lang ng make-up ang mukha niya"

"Hmm, mukha siyang 'di mayaman, sa'n naman kaya yan nakuha ng prinsipe?"

"Akala ko pa naman sikat ang makakasama niya ngayon pero akala ko lang pala"

Nahiya naman ako sa pinagsasasabi nila kaya naman yumuko na lamang ako para itago ang aking mukha. Sana pala hindi na lang ako pumayag sa alok niya kung ganito lang naman ang maririnig ko. 

Namalayan ko na lang na natigil pala kami sa paglalakad at nakita kong nakatingin sa'kin ang mahal na prinsipe.

"Bakit?" at binigyan ko siya ng nagtatakang tanong

"Ikaw dapat ang tatanungin ko niyan, ba't ka nakayuko?" at binigyan niya ako ng nagtatakang tingin

"Dapat pala tinanggihan ko na lamang ang alok mo, nakakahiya at nakakadismaya dahil akala ko ang mga tao dito ay hindi tulad ng sa RKU pero mali pala dahil pare-pareho ang mga ugali nila. Mayaman nga sila pero useless naman kung ganyan ang ugali, porket mayaman lalait-laitin na nila ang mga katulad ko. Ano nga ba naman ang laban ko sa inyo? Mayaman kayo, mahirap lang ako at manang pang manamit. Dahil lang sa nag-ayos ako at nagsuot ng magarang damit, ano-ano na ang sinasabi nila, mas nagmumukha silang walang pinag-aralan at nakasalalay lang sa kanilang yaman" may himig ng pagkadismaya ang aking boses

"I'm sorry kung naging ganito ito, but don't worry walang lalapit sayo basta lagi kang malapit sa akin" at inilagay niya ang kanyang kanang braso sa aking bewang at hinapit ako papalapit sa kanya

Naging maayos naman ang party at walang lumapit sa'kin. May mga lalaki na inaalok ako ng sayaw ngunit agad na haharang ang mahal na prinsipe. Nakaupo lang kami sa isang round table nang tumugtog ang isang malamyos na kanta---yung parang pang slow dance.

"May I?" napatingin ako sa kamay na nakalahad sa harapan ko, nang tingnan ko ang may ari ay nakita kong si Gray ito.

Agad ko namang tinanggap ang kanyang alok at iginiya niya ako papunta sa gitna. Inilagay niya ang aking mga kamay patungo sa kanyang balikat at pagkatapos ay inilagay niya ang kanyang mga kamay sa aking bewang. Nakakailang ang ganitong pwesto lalo na kung first time mo. 

"Ah pwede bang bumalik na tayo" pakiusap ko sakanya

"Bakit naman? Kakarating pa lang natin aalis na tayo agad" Gray

"Ang daming tumitingin" at saka ko iginala ang aking tingin

Ginaya rin niya ang aking ginawa at saka tumawa ng mahina

"Madami nga ang tumitingin, ganda mo daw kasi eh" bumilis naman yung tibok ng puso ko sa sinabi niya. Jusko! Mukhang hihimatayin ako dito

"Ano ba yang pinagsasasabi mo? Ikaw kaya ang tinitingnan" tumawa ulit siya kaya naman sinamaan niya ako ng tingin 

"Tumigil ka na nga" tatawa-tawa pa siya nang inalalayan niya ako papunta sa table kung saan dapat kami uupo

May lumapit naman sa'min na waiter at agad naming binigay kung ano ang gusto naming kainin. Grabe, may waiter talaga eh kami nga kanya-kanyang kuha ng pagkain kapag may party. Nang nai-serve na ang mga pagkain ay agad kong kinuha ang mga natitipuhan kong kainin, mukhang marami-rami ang kakainin ko akmang susubo na sana ako ngunit mayroong pumigil.

"Don't eat too much" sabi sa'kin ng mahal na prinsipe

"Bakit naman?" ano ba ang problema sa pagkain ng marami?

"Your stomach might hurt, so don't eat too much" at binawasan niya ang laman ng plato ko

"There, you can now start eating" tiningnan ko ang plato. Medyo kumonti ang laman pero mukhang sapat naman ito sa akin para mabusog ako kahit paano

Pagkatapos naming kumain ay umupo na lamang kami at hinihintay kung ano man ang kalalabasan ng party'ng ito

"You'll meet my parents later" bulong sa'kin ni Gray at tinanguan ko na lamang siya

"Wow, di ka man lang nabigla?" may pagkamangha ang mababakas sa bibig ng prinsipe

"Well, sa simula nabigla pero gusto ko rin naman makita ang namumuno sa pangalawang malakas na royal family" napatawa naman si Gray nang makita niya na nagniningning ang mga mata ko

"Ok pero huwag mong ipakita sa kanila na masyado kang excited" at marahan niya akong hinila papunta sa isang gilid na kung saan naroon ang kanyang mga magulang

"Oh, there you are Gray" sabi ng isang magandang babae habang nasa tabi niya ang lalaking kamukha ng kasama ko ngayon

"Hi Mom, hi Dad" at niyakap niya ang kanyang ina habang tinanguan naman niya ang kanyang tatay

Napatingin naman sa'kin ang kanyang ina at binalingan si Gray na may nagtatakang tingin sa kanyang mukha.

"Sino siya?" tanong ng kanyang ina

Third Person's POV

Napatingin na rin ang ama ni Gray sa babaeng nakatago sa likuran ng kanyang anak. May sinabi naman si Gray kay Ally at lumabas sa kanyang likuran at hinarap ang mag-asawa. Napatili naman ang ina ni Gray nang masilayan ang mukha ng dalaga. Agad nitong hinawi ang anak at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Ally.

"Kamukhang-kamukha mo siya" sambit ng ginang

Naalala naman ng ginang ang kanyang kaibigan sa mukha ng babaeng nasa kanyang harapan. Pareho ang hugis ng mukha, kulay ng mata, at buhok. Inakala nga nito noong una ay ito ang kanilang anak ngunit hindi dapat siya agad bumuo ng kongklusyon sa kanyang isipan.

"Ano ba ang iyong pangalan?" 

"Ally po. Allyssa Jane Cruz po"

Nalungkot naman ang ginang nang malamang hindi siya iyon. Hinawakan na lamang nito ang mga kamay niya at binigyan ng ngiti. Kahit nagtataka ay ngumiti na lamang pabalik ang dalaga. Nang matapos mag-usap sina Ally at ang mga magulang ni Gray ay nagpaalam na ang dalawa na uuwi na.

-----

Author's Note

😁😷



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 30, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Nerd Is the PrincessWhere stories live. Discover now