CHAPTER 7

497 31 1
                                    

CHAPTER 7- THE ANSWER

Ally's POV

Okupado pa rin ang aking utak sa kakaisip kung ano ang isasagot kay Gray—kinareer ko na yung pagtawag na walang 'Prince' na kasabay.

"Ally kakain na tayo!" biglang sulpot ni Kuya Andrew sa kwarto ko. Muntik naman akong mapatili dahil sa panggugulat niya

"Oo na, di mo kailangang manggulat" sabi ko at sinundan siya papuntang hapag kainan. Nang matapos kaming kumain ay agad na akong naligo at isinuot ang uniporme ng RKU, dala-dala ang aking bag ay nagpaalam na ako kina tita at kuya

Kinapa ko ang bulsa ng aking palda at doon ko nahawakan ang papel na binigay niya sa'kin kahapon. Umupo muna ako sa aking upuan at kinuha ang ballpen at bagong papel. Doon ko na isinulat ang aking sagot, baka ibigay ko na lamang it okay Dwayne mamaya. Pagsapit ng recess ay nakita kong nag-aayos pa ng gamit si Dwayne kaya naman nilapitan ko na siya at ibinigay ang papel.

-----------------------------------------------------------

"Sigurado ka na ba sa sagot mo?" tanong sa'kin ni Dwayne. Nandito kami ngayon sa rooftop dahil wala doon tao at makakapag-usap na kami.

"Oo naman, ayaw ko namang mapahiya ka sa party" sagot ko sakanya

"Sige, ipapadala ko na lang ang damit at ang mga mag-aayos sayo" sabi niya sa'kin

"Sige" sabi ko at nagpaalam na

Alam niyo ba na pumayag ako na maging date niya sa party? Kahit ako 'di makapaniwala na pumayag hay, sana walang mangyaring masama sa'kin sa party.

"Tita, pwede po ba akong lumabas sa 18?" tanong k okay tita

"Ano ka ba, sabi ko diba na mama na lang ang itawag mo sa'kin pero saan ka ba pupunta sa 18?" sabi ni tita saka ako binigyan ng nakakalokong tingin

"Ano ka ba naman tita, may pupuntahan lang naman ako kasi nagpapasama sa'kin yung kaibigan ko" namumula kong sabi, ngayon lang naman kasi akong nagpaalam na may pupuntahan

"Sino ba yang kasama mo babae o lalaki?" nakataas ang kilay na tanong sa'kin ni tita, hala anong sasabihin ko? Baka magwala yun sila tita pag nalaman nilang lalaki ang kasama ko, lalo na't kung sinabi kong hindi si Kyle yun

"A-ano po, kasi tita inaya niya kasi ako tapos sikat siya at ayaw ko naman siyang ipahiya" sana maniwala si tita

"Bale lalaki siya?" patay, ano na sasabihin ko?

"Opo tita (T3T)" sabay takip ko sa magkabilang tainga

"Kyaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!!!!!! Sino ba yan? Boyfriend mo? Akala ko ba si Kyle bf mo?" sunod-sunod na tanong sa'kin ni tita

"Ano ka ba naman tita, hindi ko po siya boyfriend at mas lalo namang si Kyle" kapag nalaman ito nila kuya, malamang susugod na sila sa RKU

"Ah ganon ba? Akala ko pa naman boyfriend mo na eh, alam mo naman na first time kong narinig na may nagyaya sayo tapos lalaki pa!" napapaluhang saad ni tita habang nakatingin sa'kin . Totoo naman yung sinabi niya eh, ngayon lang ito nangyari sa'kin—yung may nagyaya sa aking lalaki tapos ang magkaroon ako ng kaibigan.

Pagkatapos ng mahabang pag-uusap namin ni tita ay pinayagan na rin niya ako, sinabihan ko rin si tita na huwag nang sabihin kila kuya ang pinag-usapan naming para hindi ulit ako ma-interview. 

-----------------------------------------------------------

Author's Note:

Thank you kila @Hayazel @user20203422 @jkblooms @Mimicu and @user16058661  for reading my story!

The Nerd Is the PrincessWhere stories live. Discover now