CHAPTER 6

511 31 2
                                    


CHAPTER 6- PRINCE GRAY FORESTIER

Ally's POV

Nakauwi na ako sa bahay nang di ko nalalaman, nakatatak pa rin sa isip kong ang sinabi ni Forestier.

"Please call me Gray, Allyssa Cruz"

"Please call me Gray, Allyssa Cruz"

"Please call me Gray, Allyssa Cruz"

Ahh!! Nagpagulong-gulong ako sa kama nang naalala ko ulit yung sinabi niya sakin. Kung tatawagin ko siyang 'Gray' lang aba, pag-iinitan nanaman ako niyan at ayoko na! Tinago ko na lamang ang aking ulo sa unan at 'di namalayang nakatulog.

"Ally, gising na!" paggising ni Tita Grace sa akin

"Opo, babangon na" papungas-pungas kong sabi. Tumayo na ako't naligo at saka nagbihis na ng uniform. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako kila Tita sa dalawa kong kuya.

"Asan na ang sundo mo?" tanong ni Kuya Andrei

"Ha? Wala akong sundo Kuya, maglalakad na lamang ako total malapit lang naman ang RKU" sabi ko, lalabas na sana ako ng bahay ng bigla akong napatigil sa sinabi ni Kuya

"Ihatid na kita" atsaka niya kinuha ang bag ko at nauna nang maglakad, wala naman na akong magagawa.

"Hanggang dito na lang ako" binigay na sa'kin ni Kuya ang bag ko kaya naman kinuha ko na ito at nagsimula nang maglakad papuntang classroom.

Nasa loob na ako ng room nang biglang bumukas ang pinto kaya't biglang nanahimik ang mga maiingay. Pumasok naman sa loob si Prince Gray kasama sina Joanne at Dwayne. Napatingin naman sa'kin si Prince Gray kaya naman ibinaling ko na lamang sa iba ang aking atensyon.

Naramdaman ko na lamang na may nakatitig sa akin kaya naman hinanap ko yun at nakita kong sila Gray ang nakatingin, mabuti na lang at hindi nahalata nang iba kaya naman binigyan ko sila ng nagtatakang tingin. Sumenyas naman ang prinsipe kay Dwayne at may binigay na papel. Lumapit sa'kin si Dwayne at binigay ang papel, doon na namin nakuha ang atensyon ng lahat kaya dali-dali kong kinuha ang papel at isinilid ito sa aking bulsa.

Nang makakuha ako ng tsansa na mabasa ang nakasulat ay lumabas ako sa room at dumiretso sa rooftop. Binuksan ko ang sulat at nabigla na lamang ako sa aking nabasa.

________________________________________________________________________________

Dear Allyssa Cruz,

I am asking you if you are willing to be my date for there will be an upcoming party in the palace. My mom and dad wants me to have a date for that day.

Do not worry about what you will wear, I will also bring some famous make-up artists to make you beautiful—no offense but you're really beautiful even in your glasses, I just want to make you more prettier.

The party will start at 6 in the evening at February 18, 20** in the palace here in the Philippines. I will also come on over to fetch you.

Yours truly,

Gray Forestier

________________________________________________________________________________

What the heck! Bakit ako pa? Pwede naman yung iba jan na mas maganda sa'kin pero bakit ako pa?! Malapit na rin ang February 18 kaya dapat maibigay ko na ang sagot ko!

Hay, bahala na nga.

________________________________________________________________________________

Hello to @AnelRoel, thank you so much for voting!

The Nerd Is the PrincessWhere stories live. Discover now