SPECIAL CHAPTER 2:
LaraMichBC presents......
ANDREI GIO BUENAVENTURA
"Chinita "
Maiba tayo.
Kung ang special chapter ni Ysha ay nasa bahay at flashbacks lang.
Ako present time at nasa mall!
Kasi pogi ako. (^.^)
"Hoy pare, ano ba? Bagal ah!" Sigaw sa akin nang kaibigan kong si Alex. Oo, yung nasa P6! Yung kamukha ni Vic Zhou. Pero mas gwapo ako run. Pero dahil humble ako, di ako sumali sa P6, mahirap nang maexpose ang aking handsome peys.
"Oo na! Aish! Ang hirap kayang mamili!" Sigaw ko pabalik. Medyo pinatitinginan na kami nang iba customers dito sa Mall. Hindi dahil sumisigaw kami, dahil gwapo kami. :v
Nagtataka kayo bakit?
Magbibirthday na kasi si Patrisha Danica Yu, ang now 16 years old na Chinita Princess nang High School.
Mahal ko siya. At mahal din niya ako.
Oh gulat kayo noh?
Sabi ko kay Ate noon nagagandahan lang ako diba?
Oo, crush ko lang siya noon.
NOON.
Eh ala eh, di natagalan, she fell for my charms na din. Oh diba?
Pero di pa kami. It's too early. Study first. ^__^
Swerte maging gwapo!
(Oo nalang.)
Epal na author. =__=
(Magbreak sana kayo ni Trisha sa story na to. :P)
Maganda at mabait na author! -.-
Anyway, wag pansinin ang kabuteng author, namimili ako ngayon nang ireregalo kay Trisha, since a week from now eh birthday na niya. Syempre invited ako!
"Dude, eto nalang Husky na stuffed toy oh." Turo ni Roger na katropa ko din.
"Ay oo nga tol! Mahilig sa husky na aso yun diba? Pwede na yan! Tsaka samahan mo nang chocolates!" Hyper na sagot ni Mark, ang leader nang P6. Baliw ba? Oo.
"Sige mga brad. Eto nalang, babayaran ko kang wait." Kinuha ko yung stuffed toy at binayaran. Hay. Sana magustuhan ni Trisha tong mga to.
-------------
"Happy Birthday to you! Happy Birthday to youuuuu! Wish!"
"Wala na akong mahihiling pa, thanks to my family and friends." Ngiti ni Trisha, at nang magkatinginan kami ay lalong lumapad ang ngiti niya.
'Love you.' I mouthed. Nakakahiya pag sumigaw, di alam nang parents noh! Haha.
------------
Syempre dahil birthday to may kainan. Di naman masyadong bongga yung party eh, nasa resort lang kami, tsaka family and friends lang talaga ang invited. Kasama na dun ang tropa ko, tutal namin pinsan niya si Mark.
"Uy guys!" Sigaw ni Trisha nang makalapit siya sa table namin. Sumisigaw talaga yan. May pagkaboyish at amazona kaya yan pero mahal ko siya kahit ganyan.
"Yow Trish! Happy Birthday! Masarap yung pagkain!" Sabi ni Roger na nabubulunan pa. -.-
"Happy Birthday Trish! Gurang ka na! Haha!" Sabi naman ni Mark
"Gago ka Mark! Birthday ko nilalait mo ako?!" t(-__-t)
"HAHAHAHA! Yung leader nang P6 ginaganon ni Trish! Lol!" Tawa naman ni Felix, katropa ko rin.
"Ehem syempre pagsalitain si Drei diba." Nanlolokong ngiti ni Alex sa akin.
"Gago ka Hua Zi Lei!" Sabi ko sa kanya, na ikinatawa naman nang iba.
"Uh Trish oh...." Abot ko sa kanya nung malaking paper bag.
Leche. Akalain mong kinkilig ako sa gwapo kong to? Tss.
"Yesss! Thank you Andrei, grabe tagal ko na tong balak bilin! Ang cuteeee!" Syempre kinikilig pa din ako! Natuwa siya sa gift ko eh!
"Buti nagustuhan mo." Ngiti ko sa kanya.
"Thank you so much Andrei" and she did the unexpected
She kissed me.....
On the cheeks.... >////< Syempre dun lang!
Pwede na akong mamatay!! *O*
De joke lang. Edi nawalan kami ni Trisha ko nang pag-asa?
"WHOOOOO! PARE BILIB AKO SAYO!" Hiyaw nang mga asungot kong kaibigan.
"KINISS SIYA OH! NAPICTURAN KO YON!" Kantyaw naman ni Roger. Gago talaga. -//-
"Ewan ko sa inyo."
"KINILIG KA NAMAN! HAHAHA!"
Nakangiti lang si Trish sa tabi ko habang alam kong pulang-pula mukha ko.
"Thanks din sa letter Andrei." Pahabol niya. Ngumiti siya nang matamis at pinuntahan ang ibang bisita.
Oo, may love letter pa yun sa loob. Cheesy ba? Sorry naman.
Swerte ko lang at hindi kasing complicated nang love life nang iba yung akin. :))
-------------------------------------
There! Hindi bitter ang lovelife ni Drei! Haha!
Next chapter will be posted next week ;)
VOTE FAN AND COMMENT!
Also, pakibasa na rin yung new story ko, which is The Cadaverous Queen. You can find it under My Works. :) Thanks!
![](https://img.wattpad.com/cover/11828076-288-k897131.jpg)
BINABASA MO ANG
Finally My Right Prince
Teen Fiction"You'll be the Prince and I'll be the Princess it's a love story baby just say yes...." Yan ang sabi ni Taylor Swift. Wushu! Ganoon lang ba kadali yun? Madali bang sabihin yan sa taong mahal mo? NO. Sa barkada namin? LALONG HINDI. Kahit halata na...