SPECIAL CHAPTER:
LaraMichBC Presents......
ALYSHA ZELLA BUENAVENTURA
"Young Love"
Ugh. -.-"
Ilang taon na ba akong nabubuhay nang ganito?!
Lagi nalang ganito?!
Nasaan ba ang hustisya dito?!
"Hoy Ysha, umayos ka nga nang upo. Makabaliktad ah." Sabi ni Ate Ali, ang panganay sa aming tatlo.
"Ge." Sagot ko kay Ate.
Ang boring kasi! 1 week nalang eh bakasyon na! Tapos na ang exams!
Weekend bago mag NGANGAsyon =_=
"Akyat lang ako Ate ha?" Paalam ko sa kanya, pupunta ako nang kwarto at magfafacebook. Ang boring talaga eh.
"Sige lang." Sabi ni Ate nang hindi tumitingin, anong ginagawa? Nageedit nang pictures sa photoshop! Hayzsxc.
Pagkaakyat ko nang kwarto ay agad kong binuksan ang aking pink MacBook Air na laptop. Oo sosyal ako wag kang umangal. -.-
At ang unang kong binuksan ay.....
Facebook Search: P6 ❤️
Siguro di niyo alam ano ang P6 ano?
(Lol P6, tayo yan eh. Kaway-kaway kay Zyra, Thea, Janna, Reg at Pamie! ^__^)
Pogi 6 yan. =___=
Sino sila?
Sila ang mga feeling F4 at trip nilang gayahin sina Dao Ming Si. Joke! ^__^V
Sila lang naman ang Campus Heartthrobs nang aming school! *O*
Anim sila, at ang leader nila ay isang 3rd Year student, ang Mr. Campus King nang taon.
Si Mark David Sevilla. Gwapo, matangkad, captain basketball player at playboy.
Pero di yan ang crush ko. :P
Si John Allen Castro. 1st Year student naman siya at classmate ko, gwapo rin, mabait, friendly, average ang height, at may salamin siya. Minsan, nakacontact lens naman.
SIYA ANG FUTURE HUSBAND KO.
BOOM PANES. HAHAHAHA!
Pero seriously, love at first sight ako sa kanya. Hayyyy.
Ipapakilala ko naman sa inyo ang apat pang miyembro nang P6.
Si Clarence Paulino. Or Rence in short. Siya naman ang Captain Ball nang Volleyball team, gwapo rin, matangkad, at 3rd Year student.
Si Xander Marcelo, basketball player din, matalino, gwapo of course, at playboy din. Classmate ko siya, 1st Year student.
Si Denver Ramirez. Ang pinakacrush nang bayan, aside kay Mark. Siya ang parang kanang kamay sa grupo nila. 2nd Year student.
At si Alex Lee, Half-Taiwanese, at kamukha niya si Vic Zhou/ Hua Zi Lei shete. Transferee siya nung 2nd Year siya. 4th year student naman siya ngayon. Mabait din. Matangkad, at matalino rin. Principal's Lister eh! :v
Pero ang similarities nila?
They are all damn rich.
Seryoso! Sila ang may ari nang mga kilalang companies dito sa Pilipinas, mapahotel, food chains, malls, condominiums! At sila ang habulin nang babae dito sa school. Inabutan ni Ate tong mga to. Pero di niya pinapansin, kaclose niya nga lang si Alex, since kasama niya yun dati sa leadership trainings nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/11828076-288-k897131.jpg)
BINABASA MO ANG
Finally My Right Prince
Teen Fiction"You'll be the Prince and I'll be the Princess it's a love story baby just say yes...." Yan ang sabi ni Taylor Swift. Wushu! Ganoon lang ba kadali yun? Madali bang sabihin yan sa taong mahal mo? NO. Sa barkada namin? LALONG HINDI. Kahit halata na...