Chapter 2

545 7 1
                                    

Chapter 2

"You gotta look far, you gotta look wide, 'cause you never know what you'll find on the other side"

-Tigger

Allina's POV

*Krriiiiiiiiiiinggggggg!*

Hay sa wakas! Narinig ko na ang finally ang bell, which signals our lunch break, so far, ang friends ko palang dito ay si Luke, at yung girls na nakasama ko kanina, si China, Sydney at Yvette. Dalawang bansa friends ko kala nyo ba?! Hahaha.

Nagpunta ako sa canteen namin at naamaze, di ganito ganda ang canteen sa school ko dati!

May mga tables na parang nasa restaurant, may malaking bintana na may velvet curtain pa! Ang pagorder may menu at kung anu ano pa!

Napawow nalang ako ng tawanan ako ng kasama ko, si Luke.

"Ah, Allina, ngayon ka lang ba nakakita ng canteen?" Patawa niyang tanong.

"Wag na Allina, mahaba naman pangalan ko, isip ka ng tawag mo sa akin. Haha! At no! Nagandahan lang ako sa canteen natin." Sabi ko sa kanya

"Wag na Allina ha? O sige, Zie nalang." Sabi nya sa akin.

"Geh lang. Haha." Ngiti ko. Umorder na ako ng meal ko. Egg Muffin, pomegranate shake at caesar salad lang ang inorder ko. Samantalang si Luke naman, chicken and spaghetti, ultimate burger at large softdrinks. Yung totoo?

"Gusto mo Zie?" Tanong ni Luke

"Wag na kulang pa ata sayo yan eh!" Tawa ko. Biglang kong narinig ang bulungan ng mga girls sa tab

'Si Lucas! Sheeeet! Ang gwapo...'

'Si Allina Grazielle yung kasama niya ah? Yung isa sa VIP'

'Bagay sila! Pero mas bagay kami' natawa naman ako sa huling comment

"Wag mo na sila pansinin Zie."

"Ay ganun? So di ako maniniwalang sabi nila gwapo ka?" Tanong ko

"Eh gwapo naman talaga ako eh! Model ako ng Penshoppe." Kwento nya sa akin. Kaya pala parang familiar yung face nya.

Nagkwentuhan lang kami ng marining kong may nagsisigawan. May mga bully pala na nanggagago sa isang student, agad kaming lumapit ni Luke para tulungan yung kinakawawa nila.

"Kevin!" Sigaw ko. Siya yung nakabangga sa akin nung umaga

"Allina, umalis na kayo dito..." Sabi sa akin ni Kevin kahit duguan na yung labi nya. Agad akong nagalit sa mga nambubully sa kanya

"Hoy kayo! Ano karapatan nyong mambugbog ng taong walang ginagawa sa inyo ha? Bakit? Natutuwa kayo?" Kumukulo ang dugo ko.

"Oo Ms. VIP, natutuwa kami, bakit may angal ka?" Kinompronta ako ng isang lalaki. Di ko magets, pano sya nakapasa sa school na to?!

"Oo, pero sa tingin ko mas may angal ang prefect of Discipline eh." Sabi ko. Ai Luke naman ay sinigawan din sila

"Ayokong maulit to mga pare, magsilayo nalang kayo sa mga taong walang ginagawa okay? Nagkakaintindihan ba tayo?" Matapang na tanong ni Luke

"O-oo... Nai-iintindihan ka namin!" At kumaripas ang mga to ng takbo.

"Kevin! Okay ka lang? Dalhin ka na namin sa clinic!" Sabi ko

"Allina, Luke thank you ha. First time na may nagtanggol sa akin, salamat talaga." Ngiti sa amin ni Luke, yung salamin niya nasira pa kawawa naman.

"No problem bro." Sabi ni Luke na inaalalayan siya.

----------------------

Uwian na noon, at nagpaalam na ako sa tatlong girl friends ko, "bye Chi, Syd and Yvette!" Nandoon na kasi si Daddy

Finally My Right PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon